Jeya Lee's POV
"Jeya! Tulala ka d'yan?" Napatingin ako kay Zane at umismid. "Hindi lang kayo naggantihan ni Xiara tulala ka na?" Dagdag niya kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Oo nga 'no! Akala ko ako lang nakakapansin." Kumento rin ni Sora kaya binigyan ko lang ito ng malamig na tingin.
"Tigilan ninyo ako." Malamig na usal ko. Bakit ba kase ako nagkakaganito? Feeling ko may kulang.
Natahimik ang buong cafeteria kaya panigurado ay andito na sila Xiara, "Stop it, Trine!" Napalingon ako sa boses na 'yon.
Napataas ang aking kilay ng makita ang isang nerd na lalaki na nasa likod ni Xiara na para bang pino-proktektahan niya habang meron na apat na lalaki sa harap niya.
"Ba't mo ba kase pino-protektahan 'yan? Isang lang naman 'yan na walang kwentang nerd." Sambit nung sa tingin ko ay siya si Trine.
"At bakit ayaw ninyong tigilan si Mark? Maghanap kayo ng iba ninyong gustong saktan 'wag lang siya." Madiin na wika ki Xiara.
"What if I don't?" Nakangiting nakakaloko wika ng Trine.
"Then, try it," Wika ni Xiara.
Tumakla naman si Trine, "Pasalamat ka dahil may isa kang taga pagligtas." Wika ng Trine at lumabas ng cafeteria.
Humarap si Xiara 'don sa nerd at niyakap ito. "Are you okay? May masakit ba sayo?" Wika ni Xiara.
"Ayos lang ako, thank you nga pala." Sagot nung nerd.
"Hm, saba'y ka nalang samin?" Sambit ni Xiara at nahihiyang tumango yung naman yung nerd.
"Kunot na kunot yung noo mo 'ah?" Napabaling ang tingin ko kay Sora.
"Isa, Sora." Sumimangot ito at umayos ng upo. Sa pagkain ko nalamang itinuon ang aking atensyon.
Lagi niyang pinapahamak ang sarili niya.
Xiara Kim's POV
Nakangiting tinitignan ko nalamang si Mark, kahit kailan talaga ang cute niya. Lumingon sakin si Mark pero hindi ko inalis ang tingin ko sakanya.
"Sorry na, ang cute mo kase eh." Nakangiting sambit ko pero mukhang nahiya ito kaya napahagikgik ako.
"T-thank you." Halata sa mukha nito ang hiya, "At saka salamat talaga kase tinulongan mo ako 'don kay Trine." Sambit niya kaya bigla nalamang ako nainis.
"Hayaan mo 'yon! Mga walang magawa 'yon sa buhay." Sambit ko at binigyan niya naman ako ng ngiti.
"Guys, andito rin kami." Mataray na wika ni Elaiza kaya natawa ako. "Pwede niyo kami pansinin! As in pwede." Dagdag niya.
Umupo nalamang ako at pina upo na rin siya. "Teka, kailan nga pala ang balik ni Ate Scarlett?" Tanong ko kay Mark kaya lumingon ito sakin.
"Babalik na 'daw si Ate next week." Halata sa mukha niya ang hiya, pinisil ko ang pisnge niya at ngumiti.
"Hindi ka pa nasanay, lagi ka pa rin nahihiya o kaya naiilang sakin." Sambit ko pero nahihiya pa rin itong yumuko. "H'wag ka ng mahiya, parang hindi ka naman bago samin." Dagdag ko.
Nakakabatang kalaro ko si Mark pero sa tagal namin mag-akilala ay nahihiya pa rin siya at naiilang sakin. Ewan ko ba sakaniya kung bakit pero si Mark para sakin ay isang nakababatang kapatid. Nakakatanda niya namang ate si Ate Scarlett na isang kasambahay samin. Matagal ng kasambahay samin si Ate Scarlett at babalik na 'daw ito sa next week sabi ni Mark. At isang scholarship namin si Mark.
Ng matapos ay nagpaalam na sa amin si Mark, "Ang cute talaga ni Mark 'no?" Wika ni Elaiza kaya napangiti ako.
"Sobra." Sagot ko at tumingin kung saan siya dumaan paalis. "Tara na." Wika ko at tumayo. Sumunod naman sila sakin kaya naglakad na ako palabas ng cafeteria.
Sari-saring bulongan ang aking naririnig ngunit hindi ko nalamang 'yon pinapansin, napatingin ako sa isang bench at naka upo siya 'don.
Ngayon ko lang napansin na ilang araw ko na pala siyang hindi ginagantihan. Napangisi ako dahil sa naisip ko.
"Una na kayo." Sambit ko kila Fyi. "May dadaanan lang ako! Sige na, shoo." Inirapan lang ako ni Elaiza at umalis na rin.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sakanyang dereksyon. Kinuha ko ang plastic bottle na inunom ko kanina. Napangisi ako ng meron pa itong laman. Binuksan ko ang bote at ng makalapit ako sakanya ay umasta akong napatid kaya at binuhos sa ulo niya ang plastic bottle na may lamang tubig.
Mas lumawak ang ngisi ko ng tumigil ito sa pagbabasa at dahan-dahan inangat ang kaniyang tingin. Nakarinig ako ng mga bulongan pero hindi ko nalamang 'yon pinansin.
"Magsisimula na naman sila!"
“Satingin ko parang sumusobra na rin si Xiara 'no?"
"Haha! Bagay lang 'yon sakanya, dapat nga hinagis pa ni Xiara yung plastic bottle sa mukha niya eh."
"Siyang lang talaga ang pumapatol kay Xiara 'no? 'Yan tuloy napapala niya."
Isa sa mga naririnig kong bulongan, "Oh! Pasensya na, napatid kase ako eh." Wika ko at ngumiti ng plastik.
"Sinadya mo." Maikling wika niya.
"What?"
"Sinadya mo." Wika niya na may pagkataas na ng tono.
"Hindi ko nga sabi sinadya, napatid nga ako." Sambit ko at inirapan siya.
"Ang lampa mo naman kung ganon?" Nakangising sambit niya, ngising nakakainsulto.
"What?!"
"Bingi ka ba? Kanina ka pa “what” nang “what” d'yan." Wika niya at tumayo. "Bahala ka na nga di'yan, para kang tanga." Dagdag niya at napa-awang ang aking labi.
Tumaas ang aking kilay, "Sinong tanga?!" Sambit ko na may katakasan ng boses. Lumingon ito sakin at hindi makapaniwaniwalang nakatingin sakin.
Ngumisi ito. "Hindi ko alam na may sira rin pala d'yan sa tenga mo? Kanina ko pa inuulit ng inuulit yung mga sinabi ko. Tanga ka talaga 'no? Bingi pa." Nakakainsultong wika niya.
Feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko, rinig na rinig ko ang pagngitngit ng aking ngipin sa inis.
Itinulak ko ang kaniyang braso gamit ang daliri dahilan para mapaatras siya. "Psh, you really don't know me, huh?" Wika ko.
"Kailangan ba kita kilalanin?" Wika niya habang blanko pa 'din ang kaniyang ekpresyon, "Ikaw, kilala mo rin ba ako?"
"Kailangan ba kita kilalanin?" Panggagaya ko sa sinabi niya. "Hindi, pero wala akong pake kung sino ka man. Ayoko sa lahat ang sinasagot-sagot ako." Wika ko.
"Ang isip bata mo. Wala ka na sa elementary," Sambit niya.
Hindi ko na napigilan ng aking sarili at mabilis itinulak siya napa-upo ito sa sahig at tumama ang likod niya sa bench.
Idiniin ko ang kamay ko sa braso niya. "Simula ngayon ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo, huh?" Wika ko at akmang sasampalin siya ng hawakan niya ang braso ko.
Masyadong mabilis ang nangyare, nadatnan ko nalamang ang aking sarili na nasa sahig. Binalibag niya ako, masakit 'yon sa likod pero hindi ko 'yon ininda.
"Woah, ang lakas 'non."
"Kita nyo 'yon?! Kinakalaban niya talaga si Xiara,"
"Hayaan nyo 'yan girls, kakarmahin rin 'yan."
"Ang bilis."
Lumapit ako sakanya at akmang susugodin ng magsalita siya. "Tigilan mo na ako, kulang pa ata sayo 'yang pagbalibag ko sayo eh." Sambit niya. "Tigilan mo na ako, ba't mo ba sinasayang ang oras mo sakin? Kung ang oras mo hindi nasasayang sa mga ginagawa mo, saakin nasasayang." Wika niya, kinuha niya ang libro at umalis.
Tumingin ako sa paligid. "Anong tinitingin-tingin niyo d'yan?! Mga chismosa!" Sigaw ko at nag-
martsa paalis sa lugar na 'yon. Sinusubukan mo talaga ako, babaita.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomantikAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...