Chapter 35

809 21 4
                                    

Xiara Kim's POV

Ilang araw na rin akong andito kila Lola, ang sarap dito. Pano ba naman? Kahit nasa city pa rin kami pakiramdam ko nasa probinsya kami, mahangin, tahimik, at payapa ang buhay namin dito.

Medyo matagal nga lang ang byahe papuntang school pero kaya naman, hindi pa rin matatalo non ang sarap ng buhay ko dito.

"Kamusta na sila Elaiza?" Sambit ni Lola habang nagtatahi ng napunit na damit ni Lolo.

"Okay lang naman, La. Hinahanap na nga rin po kayo eh, na miss daw nila ikaw."

"Aba’y dapat lang kamo." Natawa ako sa sinabi ni Lola. "Yayain mo sila dito sa linggo, dito na sila maghaponan kamo."

"Sige po, La. Sasabihin ko yan sakanila." Tumango lang si Lola at mas binigyang atensyon ang kaniyang ginagawa. "Punta muna ako sa kwarto, La. Taposin ko lang mga homeworks ko."

"Sige, magdadala ako diyan mamaya ng gatas. Huwag mong pagorin ang sarili mo, Apo."

Ngumiti ako. "Opo, La." Tumayo na ako at pumunta sa aking kwarto.

Kinuha ko ang aking laptop at nagsimula gumawa. Habang gumagawa ako ay biglang tumunog ang cellphone ko, tinignan ko kung ano yung nag-notif.

"May nag-follow lang pala.." Sambit ko at bibitawan ko na sana ang cellphone ko ng mabasa ko ang pangalan kung sino ang nag-follow.

"What the hell, may social media rin pala ‘tong si babaita."

Kung tutuusin kasi siya yung tao na parang walang pake sa social media. Pinindot ko ang follow back, i mean wala naman mali don hindi ba? Nilapag ko ang cellphone at pinatuloy ang aking ginagawa.

Kalagitnaan na ako ng pag gawa ng na isipan ko mag-story sa insta. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-picture habang nagawa ng mga homeworks, pagkatapos ay nag-post na ako.

Habang hinihintay ko mag-post ay nilibang ko muna ang sarili ko at nag-scroll, napahinto ako sa pag-scroll ng dumaan ang post ni babaita.

Napataas ang kilay ko, one hour ago lang yung post niya at nasa bar siya habang may kasamang babae sa picture. Malapit sila sa picture, hindi kaya may girlfriend na ‘to?

Biglaang napatayo ako dahil sa na isip ko. “What if jowa niya talaga ‘to?” Sambit ko.

Kung jowa niya yan eh bakit parang ang flirty niya sakin o assumera lang ako? Kinuha ko ang upuan na natumba dahil sa pagtayo ko at umupo.

Pinindot ko ang profile niya, wala namang masama kung is-stalk ko siya diba? Napa 'wow' ako ng makita ko ang mga followers niya, sikat din pala ‘to?

Sinong mag-aakala na meron siyang 243k followers? Napakitbalikat lamang ako at muling nag-scroll at tinignan ang mga post niya.

Habang tinitignan ko ang mga post niya ay most of all ay nasa bar yung picture na may kasamang iba’t ibang babae. Akala ko ba may girlfriend na ‘to? Eh kung tutuusin yun lang yung iisang picture na meron sila tapos yung iba ibang babae na.

“Apo?” Agad kong pinatay ang cellphone ko at itinago. “Papasok ako, Apo.”

“Sige lang po, La. Bukas po ‘yang pinto, pasok nalang po kayo.” Sambit ko at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Pumasok si Lola dala-dala ang gatas at cookies. Nilapag ni Lola ang mga dala niya sa lamesa at umupo, tinignan niya lang ako habang nagawa.

“Anong oras na Apo, malapit ka na ba matapos?” Lumingon ako kay Lola.

“Opo, malapit naman na ako matapos.” Sambit ko at kinuha ang dala ni Lola.

“Ganon ba? Oh sige, iwanan na kita dito. Alalahanin mo, huwag kang magpupuyat at ‘wag mong pilitin ang sarili mo.” Napangiti ako sa sinabi ni Lola.

“Opo, La. Kayo nga po dapat ang natutulog na ngayon eh, asan po si Lolo?”

“Aba, ‘yang Lolo mo ay natulog na.” Sambit ni Lola at tumayo sa pagkaka upo.

“Matulog ka na po La, matatapos na din naman ako mamaya-maya.” Sambit ko at ngumiti kay Lola.

“Oh sige, matutulog na ako Apo.” Tumango ako.

“Good night po, La.”

“Good night din.” Lumabas na si Lola ng kwarto kaya naman ginawa ko na ang ginagawa ko para matapos na ako.

Makalipas ang sampong minuto ay natapos na rin kagad ako at na ubos ko na rin ang binigay ni Lola. Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko, kinuha ko na rin ang baso at plato na pinalagyan ng cookies at gatas at lumabas para ibalik.

Bumaba na ako at pumuntang kusina, huhugasan ko na rin ito. Nilapag ko ang hugasan sa lababo at binuksan ang gripo. Habang naghuhugas ako ay napaisip ako, itutuloy ko pa ba yung plano ko kay Zane?

Kung tutuusin, oo na g-guilty ako sa magigung kinalabasan ng plano ko pero galit ako sakanila dahil sa pangloloko na ginawa nila sakin. Napabuntong-hininga ako, siguro ay hindi ko muna itutuloy ang plano ko sa ngayon habang pinag-iisipan ko.

Kung sakali man na makagawa na ako ng desisyon ay yun ang susundin ko. Ng matapos ako sa paghuhugas ay umakyat na kagad ako upang makatulog na.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame, tumitig lamang ako sa kisame hanggang sa makatulog ako.


“La, papasok na po ako!” Sigaw ko dahil nasa labas ako.

Lumabas si Lola. “Oh sige, bilisan mo na at naka ma late ka pa.”

Lumapit ako kay Lola at hinalikan siya sa pisnge. “Bye po La.” Sambit ko at tumakbo papuntang kotse ko.

“Sige na, mag-ingat ka.” Kumaway ako kay Lola at ngumiti bago pumasok sa kotse.

Pinaandar ko na kagad ang kotse. Mahihirapan ako nito mamaya magdala ng mga gamit ko, pano ba naman? Napakadami kong dala, dumagdag pa ang mga project na yan na mas lalong nagpadagdag ng mga gamit ko.

Napabuntong hininga na lamang ako, magpapatulong nalang siguro ako kila Fyi mamaya pagpasok. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Fyi, mukhang hindi ko maasahan ngayons si Elaiza. Panigurado ay late yun.

“Oh bakit ka napatawag?” Bungad ni Fyi.

“Nasa school ka na ba? Pwede bang tulongan mo ako buhatin ‘tong mga gamit ko?” Sambit ko habang nakatingin sa dinadaanan ko.

“Ay hala, sorry andito ako sa faculty. May pinapagawa sakin dito, matatagalan pa ako dito kaya excuse ako sa ibang subject.”

“Ah.. sige, thank you. Andiyan na ba si Elaiza? Kung nakasalubong mo.”

“Wala si Elaiza ngayon, hindi mo ba nakita sa gc? May sakit yun.” Napakitbalikat nalang ako.

“Hindi eh. Sige, thank you.” Sambit ko.

“Sige, bye.” Binitawan ko ang cellphone pagkatapos mamatay ang linya.

Pano ba ‘to? Mukhang kailangan kong buhatin ang lahat ng ‘to ah, kung babalikan ko man ang mga hindi ko kayang buhatin ay baka ma late na ako sa first period.

Ng makarating ako ay bumaba na ako at kinuha ang mga gamit ko, nilibot ko ang aking paningin kung sakali man na may ibang tao dito para makahingi ako ng tulong pero wala ng iba kung hindi ako.

Wala na akong nagawa at kinuha ko nalang ang gamit ko at ang isa kong bag ay kinagat ko nalang.

Grabe nagmumukha akong tanga dito. Ginamit ko ang paa ko upang masarado ang pinto ng kotse. Dahan-dahan lamang akong naglakad dahil baka mahulog ang iba, natatakpan na nga ang mukha ko dahil sa dami kong dala.

Habang naglalakad ako ay nanlaki ang mata ko ng may naramdaman akong bato na dahilan upang mabitawan ko ang mga gamit ko at mahuhulog na sana ako ng may naramdaman akong nakahawak sakin.

Inalalayan niya akong tumayo. “Tulongan na kita.” Sambit niya at dinampot ang mga gamit ko na nasa lapag.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon