Xiara Kim's POV
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig, minulat ko ang aking mata at bumungad sakin ang puting kisame.
Dahan-dahan akong tumayo ngunit agad akong napahawak sa gilid ng kama ng makaramdam ako ng pagkahilo.
"Xia!? Gising na ang gago!" Lumapit saakin si Elaiza. Sinamaan niya ako ng tingin at nanlaki ang mata ko ng may tumulong luha sa mata niya.
"Elaiza! W-why are you crying?!" Sambit ko pero mas lalong sumama ang tingin niya sakin.
"I-ikaw! Bakit hindi ka gumanti! Kaya mo naman silang patumbahin ah!" Naiiyak na sambit niya. Napakagat ako saking labi at napayuko.
"Tama si Elaiza, Xia. Bakit hindi ka lumaban?" Napatingin ako kay Fyi dahil sa seryoso ng kaniyang boses.
"Ha? K-kase.." Napapikit ako ng mariin dahil wala ako magawang dahilan, "A-ayoko na ng gulo." Sambit ko.
"Alam namin, pero pag-inaapi ka na! Sana naman lumaban ka!" Sigaw ni Elaiza.
Sorry, ayoko lang talagang saktan ang kakambal ko eh..
"Elaiza, pagpahingahin muna natin siya." Tumango si Elaiza at padabog lumabas.
Lumapit saakin si Fyi at niyakap ako, "H'wag mo nalang siyang pansinin, natatakot lang 'yon." Sambit niya kaya niyakap ko siya ng pabalik.
"Alis na ako, magpahinga ka muna." Sambit niya kaya tumango ako, lumabas na ito kaya naiwan akong mag-isa.
Napabuntong hininga ako, mukhang kailangan kong suyuin si Elaiza. Kinuha ko ang cellphone saking bulsa. Tinignan ko ang nga message nagbabasakaling merong message si Jiyo.
Napapikit ako ng mariin at kasaba'y non ang pag-bagsak ng aking balikat.
Hindi na naman siya ng text, hindi niya ba alam ang nangyare sakin?
Tinawagan ko siya pero hindi siya sumagot kaya naman tinawagan ko siya ng pangalawang beses. Nabuhayan ako ng sinagot niya ito.
"Yes? Babe." Napangiti ako ng marinig ang boses niya.
"Babe, a-ah.. may alam ka ba sa nangyare?" Napakagat ako saking labi habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"Ha? Ano bang meron?" Muling bumagsak ang aking balikat.
"Ah, wala." Sambit ko.
Nanlaki ang aking mata ng makarinig ako ng ungol, "Babe?" Kunot-noong sambit ko.
"H-ha? Sorry, yung mga tropa ko kase ng trip na naman." Napatango ako sa kaniyang sinabi.
"Bye, may gagawin pa ako."
"Sig-" Tinignan ko ang cellphone, pinatayan niya ako. Napabuntong hininga ako at humiga.
Sana naman, matapos na ang mga ginagawa niya..
Nagtatakang lumingon ako kay Sec. Ryan ng huminto ito sa harapan namin. "Xiara, pinapatawag kayo ng dean." Nagkatinginan kami nila Fyi.
Napabuntong hininga ako at sumunod sakaniya. Sinenyasan ko sila Fyi na 'wag ng sumunod. Huminto kami sa tapat ng Dean Office.
Dahan-dahan ko itong binuksan at isang sampal ang bumungad saakin, "Wala kang kwenta!" Napayuko ako sa sigaw ni Mom.
"Papasukin niyo muna siya." Sambit ni Dean. Pumasok ako at umupo sa bakanteng upuan na ako lang ang naka-upo don.
Habang ang pamilya ko ay nasa harap ko, kasama ang pamilya ni Freya. Lumingon ako kay Dean Tans ng tumikhim ito.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...