Chapter 45

162 8 0
                                    

XIARA KIM'S POV

Nakahiga ako ngayon sa kama ko, nakasimangot habang punong-puno ng mga flowers at chocolates ang kama ko.

Hindi ko na alam! Sobra-sobra na ang pagbibigay nung ‘L’ na ‘yun ng mga flowers at chocolates sakin. Paunti-unti nang paunti, hindi lang isang flowers at chocolate ang na tatanggap ko sa isang araw dahil mas na dagdagan pa kada araw.

Sinabi ko na rin sa mga estudyante na mag-aabot sakin ay sabihin sa nagpaabot ay itigil na ang pagbigay pero wala namang nangyare, sunod-sunod pa rin.

Wala rin naman akong makuhang hint dahil puro bigay lang ang na tatanggap ko bukod sa ‘L’ na nakasulat noong nakaraang araw sa papel, ‘yun lamang.

Pati sila Lola at Lolo ay nagtataka na rin kung saan galing ang mga chocolates at flowers, kaya sinabi ko ang totoo pero kahit sila ay tinawanan lang ako.

Sino ba kasi ‘tong tao na ‘to? Kung makapagbigay sakin, kulang nalang siya na magpaaral sakin kung gumastos. Napailing nalang ako sa na isip ko, kung sino naman ang taong ito, sana may pera pa siya kakagastos para sakin.

Inabot ko ang chocolates na nasa tabi ko, binuksan ko ito at kumagat ako. “Hay!” Buntong hininga ko.

“Itutulog ko na lamang itong problema ko.” Giit ko. Nilagay ko sa table na nasa tabi ng kama ko ang chocolate na kinakain ko.

Ipinikit ko ang aking mata, hindi na'ko nahirapan pang makatulog dahil pagod na rin ako sa buong araw kong puro review lang ang aking ginawa.

“Lola, aalis na po ako!” Sambit ko bago ako tumalikod kay Lola. “Hintayin niyo nalang po ‘yun si Lolo, uuwi na rin po ‘yun mamaya.” Muling habilin ko kay Lola.

“Oo na, ilang beses mo na sinabi ‘yan.. Osya! Bilisan mo na’t baka mahuli ka pa.” Tugon naman ni Lola na at lumapit sa akin.

“Sige po, alis na ako La!” Binuksan ko na ang pintuan ng kotse, kumaway kay Lola at pumasok.

Nilapag ko ang mga gamit ko sa likod, tinignan ko ang itsura ko sa side mirror at ngumiti.

“Maganda pa rin.” Giit ko at nag-pose pa.

Sinaksak ko na ang susi at pinaandar ang kotse. Malapit na pala ako ma-late pero ayokong magmadali, sayang ginugol kong oras para mag-ayos.

Habang nagmamaneho ay nagulat ako ng biglang may sumingit na motor kaya agad kong sinipa ang break.

“Walang hiya!” Inis na sigaw ko kahit alam kong hindi na ako maririnig dahil nakalayo na, muli kong pinaandar ang kotse ko.

Sobrang ganda na nga ng mood ko tapos sisirain lang ng nagmo-motor na ‘yun! Talagang muntikan pa ako dalhin sa aksidente, buti nalang at naging mabilis paggalaw ko dahil kung hindi? Panigurado dinadala na ako sa hospital ngayon.

Kapag talaga nahanap ko yung nagmo-motor na ‘yun, malilintikan sa akin ‘yun. Too bad, hindi ko nakita yung plate pero alam ko ang itsura ng motor at designs.

“Kapag na encounter talaga ulit kita, humanda sa akin ‘yang motor mo.” Bulong ko sa sarili ko.

Inayos ko ang sarili ko ng malapit na ako sa University ko, pagkapasok ko ay pinark ko na ang kotse at kinuha ang bag ko pero bago ako lumabas ay naglagay ako ng lipstick sa labi ko at nagpatuloy na.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay marami na agad na bumati sa akin at lumapit sakin ngunit tinanguan ko lang sila, nasira na ang mood ko sa walang hiyang driver na ‘yun!

Pumunta ako sa locker ko, napansin ko na nakatayo si babaita sa tapat ng locker ko. Kumunot ang noo ko, lumapit ako sakaniya.

“Anong ginagawa mo sa locker ko?” Nagulat siya ng bigla akong magsalita pero agad niyang pinalitan ng poker face niya ang gulat niyang reaksyon.

“Oh, n-nothing!” Agad siyang umalis, sinundan ko siya ng tingin.

Napatingin ako sa kamay niya, may hawak-hawak siya na chocolate hanggang sa nakaalis na siya. Tinignan ko ang locker ko, binuksan ko at tumambad sa akin ang sobrang daming chocolate na ibinibigay sa akin kuno ng secret admirer ko.

Kumuha ako ng chocolates, pinagmasdan ko ito at muli akong lumingon kung saan dumaan si babaita paalis. Nanlaki ang mata ko ng may na pagtanto ako.

“No.. no... not her!” Bulong ko sa sarili ko, binitawan ko ang chocolate at agad na sinarado ang locker ko.

Hinabol ko siya, nakipagsiksikan ako sa mga ibang estudyante na nasa hallway pero hindi ko na siya nakita kung saan siya dumaan.

Sumilip ako sa kabilang hallway, wala rin siya ron. Tumakbo ako papunta sa kabilang hallway, nagbabakasakali na andon siya dumaan ngunit wala rin.

Napahinto ako sa kakatakbo, hinihingal na ako. Aalis na ulit sana ako para hanapin siya ng may humawak sa likod ko na nagpatigil sa akin.

“Xia, bakit ka na takbo?” Lumingon ako, sila Elaiza at Fyi lang pala. “Anong oras na oh, kanina ka pa namin hinahanap. Malapit na tayo ma-late.”

“Hindi, kasi—” Inakbayan ako ni Fyi bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

“Sus, ayaw mo lang pumasok eh! Tara na, si Ma'am Inakay pa naman yung next subject natin.” Giit ni Fyi at hinila ako paalis.

Lumingon ako sa likod ko, wala talaga siya ron. Siguro mamaya nalang, panigurado naman makikita ko siya mamaya o kaya makakasalubong.

“Si Ma'am na naman!” Bumuntong hininga si Elaiza. “Ang boring niya magturo.”

“Weh, hindi ka lang nakininig!” Sambit ni Fyi at tumawa.

“Hoy, h-hindi ah!” Sabat naman ni Elaiza na mas ikatawa ni Fyi.

Sana talaga makita ko siya mamaya para makausap ko siya, malakas ang kutob ko na siya ‘yun.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon