Chapter 3

1.5K 35 1
                                    

Jeya Lee's POV

Papunta kami sa basketball court para manood. Hindi ko naman talaga gustong sumama kaso masIyadong makulit itong kasama ko.

Ng makarating kami ay nagtaka ako kung bakit napaka ingay. “Ingay, 'no?” Sambit niya.

“Panigurado, andiyan si Xiara at si Jiyo, naglalandian na naman yun.” Sambit niya. Napataas lang ang kilay ko.

Pumwesto nalang kami. Nanlaki ang mata ko nang biglang tumili si Sora kaya naman si sinamaan ko siya ng tingin.

“Omg! Ang sweet nila.” Kinikilig na sambit ni Sora kaya naman napangiwi ako.

Nilingon ko kung saan siya nakatingin, napangisi nalamang ako. So, siya pala si Xiara?

"Xiara. That's her name, right?" Seryosong sambit ko kay Sora na ikatango niya.

“Hoy! ‘Wag siya, dami mo ng babae.” Sambit niya kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin ngunit tumawa lang ito.

As if papatulan ko ang babaeng yan?


Nang matapos ang klase ay sinuot ko ang jacket ko. "Hindi ka ba sasabay?" Tanong ko kay Sora, sumimangot naman ito.

“Ako? Papasakayin mo ba ako diyan sa motor mo, ha?” Inis na sambit nito.

“Hindi. Buti alam mo.” Sambit ko at sinunod suotin ang helmet ko.

Ayoko sa lahat ay pinapakelaman ang mga meron ako. Kaya naman takot na si Sora pakialaman ang mga gamit ko dahil ginawa ko na ang paraan para magtanda siya.

Pinaharurot ko na ang motor ko at hindi ko na hinintay ang sababihin nito. Ng makarating ako sa bahay ay si baby Raven ang sumalubong sakin kaya naman ngumiti ako sakanya.

“Atse, mwes na kwesta!” Bulol na sambit ni Raven na ikangiti ko. He's only 3 years old kaya naman nahihirapan pa siyang magsalita.

“Talaga?” Sambit ko at tumango naman ito kaya naman ginulo ko ang buhok niya.

“Oh, anak andiyan kana pala.” Rinig kong sambit ni Mom kaya naman nilungon ko siya.

“Honey andito na yung anak nating babaero!” Napangiwi naman ako sa giniit ni mom.

“Omg! Andito na ang prinsesa namin!” Mas lalo akong napangiwi sa tinuran ni mama.

Yes, I have a two mother, they are both lesbian. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit babae rin ang gusto ko. Nagtalon-talon naman si Raven, sana'y na siya kung tumili si Mama kaya naman nagtatalon-talon nalang siya tuwing titili si mama.

Nanlaki ang mata ko nang yakapin ako ni mama. “Mma, h-hindi a-ako makahinga.” Bulong ko kaya naman mabilis itong bumitaw.

“Ay? Eh ikaw kase eh! Hindi kana umuuwi dito, halos don kana sa condo mo tumira pano naman kami? Ha? Tapos, tapos.." Ayan na naman siya sa kadramahan niya.

“Okay lang yan honey-bebs, matanda na ang anak natin.” Sambit ni Mom na sinabayan din ang kadramahan ni mama.

"Hey ate! Pasulobong ko?” Nilongon ko si Jenz na pababa sa hagdan.

“Pasulobong mo mukha mo.” Sambit ko.

“Hoy teka? Parang may kakaiba..” Nagtaka naman ako sa giniit ni mom.

“Ay shuta! Oo nga, Himala at wala kang kasamang babae?!” Sinamaan ko lang ng tingin si Mama.

“Hello everyone! Andito na si ako.” Boses pa lang ay alam ko na kung sino 'yon.

“Oh, Sora! Buti naman at naka-uwi kana, iniwan ka na naman ba ni Jeya?” Sambit ni Mom.

“Naku, tita! Lagi naman.” Sambit niya at inirapan ako.

Eh siya nga itong nagagalit pagmabilis ako magpatakbo?

“Hay naku! Osya at kumain na, magpalit muna kayo don." Tumango lang ako at umakyat na sa taas.

Dito na naninirahan si Sora dahil nga lumayas ito sakanila, hindi niya daw kinaya ang pagiging babaero ng tatay niya.

Naligo muna ako at nagbihis, pagkatapos nun ay bumaba na ako. Nadatnan ko naman silang naghahain na ng pagkain kaya naman tumulong nalang ako.

“Kamusta ang pag-aaral niyo?” Tanong ni Mom.

“Ok lang po tita, kaso itong anak ninyo may babae na naman kahit don sa school! Naku tita, hindi ko na kaya ang pagiging babaera niyan, kaloka!” Iling na sambit ni Sora kaya naman sinamaan ako ng mga tingin nila mom.

“Anak, tumigil kana sa pagiging babaera mo ha? Ako nai-stress sayo eh.”" Sambit ni mama at hinilot ang kanyang sindito.

Diba dapat ako yung mai-stress? Kasalanan ko bang pati sa school na pinag-transfer ko e may mga babae pa palang nakakakilala sakin don.

“Opo.” Tanging sambit ko nalang at sumubo.
Ayokong makipag-away sakanila dahil panigurado ay masesermunan na naman ako.




Xiara Kim's POV

Ng makarating ako sa mansyon ay nadatnan ko si Mom. "Mom, I'm home." Nakangiting sambit ko at tumabi sakanya.

Tumingin lang ito sakin at tumango dahilan para mawala ang ngiti ko. “Mom, wala kang work sa linggo diba? Gala tayo! Tas mag-bonding tayo, sayang at hindi kasama si Da-”

“Pwede ba?! Napaka ingay mo, at hindi! Hindi tayo aalis! Bahala ka sa buhay mo! Bweset!" Iritadong bulyaw niya sakin at niligpit ang mga papel.

“But.. hindi na kase tayo nakakapag-bonding... antagal na rin nung h-huli tayong nag-bonding.” Pilit ko papatagin ang boses ko.

“Pwes wala akong pake! Mag-bonding ka mag-isa mo! Bweset walang kang kwenta!” Inis na sigaw niya at umakyat pataas sa hagdan.

Napabuntong hininga ako. Matagal ng nagkakaganyan si Mom, sana'y na ako sa pagiging ganyan niya. Ako lang talaga ang makulit na kinakausap siya kahit nga wala siyang pake.

Pinigilan ko ang paghikbi ko ng may yumakap sakin patalikod. “Iha, hayaan muna ang mommy mo baka napagod lang 'yon.” Tumingin ako kay Manang Linda.

“Siguro nga po.” Sambit ko at ngumiti ng tipid.

“Osya! Kumain kana, panigurado gutom kana.” Halos mabuhayan ako sa aking narinig kaya naman natawa si Manang Linda.

“Sige po! Saba'y na po tayo para naman po may kasabay ako.” Sambit ko, ngumiti lang ito at tumango.

Panigurado pagod lang si mom kaya ang init ng ulo. Siguro nga.



The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon