Chapter 20

813 20 0
                                    

Xiara Kim's POV

Nakatitig lang ako sa kawalan habang pilit na winawaksi ang mga salita na bumabalot saking isipan, sinubsob ko ang aking mukha sa desk.

"Masarap at malambot."

"Masarap at malambot."

"Masarap at malambot."

"No! Fucking shit!" Inis na sigaw ko.

"Ms. Santevilla!" Napabalikwas ako ng upo at tumingin sa aming guro.

"I'm sorry, m-ma'am!" Sambit ko at nahihiyang tumingin sa mga kaklase ko.

Ipinagpatuloy na ng aming lecture ang pagtutoro, lumingon ako sa bintana at nagulat ako ng makita si babaita don sa bintana ar nakangising nakatingin sakin.

Kinagat niya ang kaniyang labi at kinawayan ako at umalis, ipinikit ko ng mariin ang aking mata at winaksi ang aking mga naiisip.

Nangangasar pa talaga siya.

Hanggang sa mag-uwian ay hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyare kanina. Andito na ako sa kotse habang yung dalawa naman ay nauna na sa mansyon nila Elaiza.

Pinaandar ko ang kotse at pumunta sa condo ko upang magpalit bago pumunta kila Elaiza. Long sleeve croptap ang aking sinuot at isang maong na short at pinatungan ko ito ng jacket. Habang naka medyas ako ng mahaba at isang nike shoes, mas komportable ako kung ganito.

Tanging mga kaibigan, kaklase at kamag-anak ang inimbinita ni Eila. Hindi siya mahilig sa mga sosyal na mga birthday party.

Lumabas ako ng condo at pumasok sa kotse at pinaandar patungo kila Elaiza. Pinark ko ang kotse ko at pumasok sa mansyon. Sumalubong saakin ang tutog, iilan lang ang bisita dito. Hinanap ko sila Elaiza at ng makita ko ay lumapit ako sakanila.

"Baby Eil, Happy birthday." Nakangiting bungad ko sakaniya. Mabilis itong lumingon saakin at sinunggaban ako ng yakap.

She's now 9 years old but I still call her “Baby Eil”, siya ang pinaka paborito kong kapatid ni Elaiza. Siya rin ang bunso sakanila.

"Thank you! Ate Xia." Sambit niya at humiwalay ng yakap sakin. Tinignan niya ako na animo'y ay sinusuri ang pagkatao ko.

"Nasa kotse pa, hindi mo talaga nakakalimutan 'yon 'no?" Sambit ko at tumawa. Bumingisngis lang ito at nagpaalam sa amin dahil may pupuntahan pa daw siya.

"Hindi pa rin nagbabago, Baby Eil pa rin ang tawag mo sakaniya." Sambit ni Fyi.

"Syempre naman! Siya kase yung pinaka paborito ko na isip bata 'no!" Ngiting sambit ko na ikasimangot ni Elaiza.

"Ang bad nyo!" Inis na sambit ni Elaiza.

"Okay lang 'yon, love pa rin naman kita kahit—" Nanlaki ang mata ni Fyi ng hampasin siya ni Elaiza.

"Epal talaga kayo!" Inis na sambit ni Elaiza at umakyat sa taas. Tumawa lang kami ni Fyi at umupo naman ako sa tabi ni Fyi.

"Suyuin mo 'yun." Natatawang sambit ko kay Fyi.

"Hayaan mo 'yon," Sambit ni Fyi at tumawa. Iling-iling nalang akong tumawa.

"Ate Xia!" Lumingon ako kay Eil ng marinig ko ang boses niya.

"Oh, baby Eil." Sambit ko at ngumiti ng matamis.

"May ipapakilala ako sainyo!" Sambit niya kaya nagtatakang tumingin ako sakaniya.

"Ha, Sino naman 'yon?" Ngiting sambit ko, ngumiti ito at tumabi sakin. Tinuro niya ang harap namin kaya dahan-dahan akong lumingon don.

"Sila!" Nanlaki ang aking mata at tumingin sakaniya. Walang emosyon lang ito nakatingin sakin. Habang ang katabi niya naman ay nakangiwing nakatingin sakin.

Lumingon ako kay Eil, "S-sila?" Pabalik na tanong ko at mabilis naman itong tumango at ngiting-ngiti lumapit sakanila.

"Wow, it's nice to see both of you here." Ngiting sambit ni Fyi at tumayo.

"Kung sayo nice, sa amin hindi!" Mataray na sambit ni Sora.

"Why po? Do you know each other na po ba?" Sambit ni Eil.

"Ha? Hindi pa ah!" Naiilang na sambit ko at tumango naman siya at ngumiti.

"Ate Xia and Ate Fyi! Sila po si Ate Jeya at Ate Sora! Kaibigan po ni Mommy yung mommies nila!" Sambit ni Eil.

"Mommies?" Takang tanong ko.

"Opo! Mommies po kase, dalawa mommy ni Ate Jey." Sambit ni Eil.

"Ahh, ganon ba?" Sambit ko.

"Hmm!" Tangong-tango na sambit ni Eil.

"Uhm, Baby Eil. Punta lang si Ate Xia sa restroom, ha?" Sambit ko at mabilis naman siyang tumango.

Mabilis akong pumunta sa restroom at sumandal sa pinto ng cubicle, "Gosh, pati ba naman dito!?" Inis na sambit ko.

Huminga ako ng malalim at lumabas ng cubicle, naghugas ako ng kamay at lumabas ng mansyon. Sa likod nalang ako lumabas dahil panigurado ay mapapansin nila ako lalo na't iilan lang ang bisita.

Pumunta ako sa garden at lumanghap bg sariwang hangin, naglakad ako pa labas ng mansyon at naglakad-lakad. Nakayuko lang ako habang naglalakad ng may nakabunggo ako kaya mabilis akong lumingon sakaniya.

"Pasensya na po." Sambit ko, tumitig lang siya sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa katawan ko.

"Mag-ingat ka, Ineng. Takpan mo ang katawan mo dahil maraming mga siraulo dito, mahirap na." Ngumiti ako at tumango.

"Opo, salamat po sa pag-alala." Tumalikod siya sakin at walang pasabi-sabi at umalis.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon