Chapter 10

812 15 0
                                    

Xiara Kim's POV

Napangisi ako habang hinihintay ang taong kanina ko pa gustong gantihan. Narinig ko naman ang boses ni Sora, isa sa mga kaibigan niya. May bagay na gusto lang naman ako i-try sakaniya.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, lahat sila ay naghihintay na tila ba ay may mangyayareng napaka laking pagsabog. Duh? Oa ng mga 'to.

Pagtapak na pagtapak niya sa cafeteria ay hinila ko kagad ang tali dahilan para bumagsak ang tubig na nasa timba. "Oh! Omg! Sorry." Sambit ko at ngumisi ng nakakaasar.

Pumikit naman ito ng mariin, "Sorry talaga! Naku! Basa ka na tuloy, Pffft." Pigil tawang sambit ko.

"Sige na ah? Bye." Sambit ko at akmang aalis na ako ay may tumamang plastic bottle sa likod ko kaya lumingon ako.

"Sorry din." Nakangising sambit niya at ngising nakaka insulto.

Huminga muna ako ng malalim at ngumiti ng pilit. "Okay, baka siguro may naka tapon lang niyan." Sambit ko at akmang tatalikod na ako ng may sunod-sunod na bumato sakin ng kung ano.

Napatakip ako sa ilong ko ng maamoy ko ang amoy na 'yon. Inis na lumingon ako sa babaeng nanghagis sakin ng ITLOG!

Nakangisi pa 'din ito at hawak ang isa pang itlog, "Ikaw!" Inis na sigaw ko, bago pa man ako maka sugod ay inihagis niya ulit sakin ang itlog at tumama iyon sa mismong mukha ko.

Inis na kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinahid 'yon sa mukha ko, "Ah! You?! You will pay for this!" Sigaw ko at sinugod siya.

Sinabunutan ko siya, pilit niya akong itinutulak kaso pagtutulak niya sa akin ay nasama ang buhok niya dahil sa higpit ng hawak ko sa buhok niya.

"Bitaw!" Malamig na sambit niya at may halong inis.

"A. Y. O. K. O! AYOKO!" Sigaw ko at mas hinigpitan pa ang pag sabunot sakanya.

Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak ko sa buhok niya ng hapitin niya ang buhok ko at inuntog niya ang noo niya sa noo ko.

"Ugh!" Daing ko at napaatras.

Susugod na sana ako ng may humigit sa braso ko, "Tama na! Both of you go to the Dean Office!" Sigaw ni Ms. Pug, isa sa mga terror teacher.

Wala ako nagawa kung hindi sumunod sakanya at nakasunod naman din sakin si babaita. Sinamaan ko ito ng tingin at hindi naman siya nagpatinag at tinignan ako ng malamig na tingin.

Pagkapunta namin sa Dean Office ay bumangat samin si Tito Tans halos umusok na ang ilong niya. Napairap na lamang ako at umupo.

"WHAT THE HELL IS THIS?! MATAGAL KO NA KAYONG PINAPALAMPAS ANG GINAGAWA NINYO PERO NGAYON HINDI NA! XIARA, HINDI KA BA TITIGIL SA PAG-BULLY MO?! YOU ARE NOW IN SENIOR YEAR HIGH SCHOOL! MATANDA KANA! MAGING MATURE KA NAMAN! AT IKAW MS. SANTIAGO, PINALAMPAS KO ANG PAGSAGOT-SAGOT MO KAY MR. FOLEY. KAYA PWEDE BA? TUMIGIL NA KAYO!" Napangiwi ako sa sigaw ni Tito Tans. Halos pumutok ng ang ugat nito sa leeg. Hingal na hingal ito.

"Okay." Walang ganang sambit ko. Halos mapatayo ako sa gulat ng hampasin niya ang table.

"Xiara! Hindi ako nakikipagbiruan dito!" Sigaw niya na saktong pagdating ni Lolo at ng isang babae.

Satingin ko ay nanay niya ito dahil magkamukha sila. Wel,l maganda yung babae kaso si babaita–ewan!

Halata sa mukha ni Lolo ang galit kaya napalunok ako. Ito talaga 'yon eh, kaya ayokong makitang galit si Lolo.

Umupo ito sa tabi ko, "Good afternoon, Mrs. Santiago. Alam nyo na po siguro ang nangyare sa dalawang ito." Mahinahong sambit ni Tito.

"Yeah, I know it already." Sambit naman ni Mrs. Santiago.

"Mas maganda pong pagsabihan ninyo sila dahil pag hindi po nila 'yan tinigil at naka abot ulit sakin ang away nila ay mapipilitan po kaming ma suspend sila ng isang buwan." Sambit ni Tito Tans na ika-nanlaki ng mata ko.

"What the fuck! Ang tagal 'non." Inis na sambit ko. Matalim na tinignan ako ni Tito Tans.

"Watch your words, Ms. Santevilla. Mas mabuti na 'yon para magtanda kayo." Sambit niya kaya tumingin ako kay Lolo.

"No, Matagal ko ng sinasabi na itigil mo na ang ginagawa mong pagbully, tama?" Seryosong sambit ni Lolo kaya bumagsak ang dalawa kong balikat at dahan-dahan tumango.

Matalim kong tinignan si babaita na ngayon ay nakatingin na rin sakin at binigyan ako ng malamig na tingin.

Bweset ka talaga, babaita.





INIS na humiga ako sa kama. Bweset kase eh! Napagalitan na naman tuloy ako! Pumunta ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako.

Nasa mansyon ako ngayon dahil ayoko munang umuwi sa condo, magulo pa kase don at hindi ko pa nalilinis.

Pumunta muna ako sa isang restaurant na pag may ari ko, ako mismo ang nag-ipon para mapatayo ito. Hindi ako humihingi ng pera kay Mom or kay Lolo dahil feeling ko naiinsulto ako pagnahingi ako ng pera or bibigyan nila ako. Sa totoo niyan ay hindi naman kalakihan ang restaurant na ito, kung tutuusin ay sakto lang ang laki.

Inasikaso ko ang restaurant ko dahil wala rin naman akong gagawin. Sinara ko na rin ang restaurant dahil alas otso na. Papunta pa lang ako ng parking lot ng may dumaan sa gilid ng kotse ko.

Napakunot ang noo ko ng makitang naka maskara ito, Tumingin ito sakin at gumuhit ang ngisi sa labi niya na ika tayo ng mga balahibo ko.

Ang ngising 'yon ay napaka pamilyar. Ngunit paanong andito siya? "Nagtataka ka ba?" Sambit niya na dahilan para manlaki ang mata ko.

Hindi ako maka-sagot, Pati ang tuhod ko ay nanginginig na para bang any time ay pwede na akong bumagsak.

"Inagaw mo ang meron ako, Xiara." Sambit niya at dahan-dahan lumapit sakin. "Inagaw mo." Dagdag niya at itinulak niya ang balikat ko gamit ang isa niyang daliri.

"Hindi ko inagaw, Tandaan mo 'yan." Madiing sambit ko kahit halos matumba na ako sa panginginig.

"Walang nagbago, Palaban ka pa rin." Nakangising sambit niya. "Hm, Kamusta? Kamusta kayo ni Jiyo? Ang alam ko ay nililigawan ka na 'daw niya? Wow, Iba talaga ang nagagawa ng malanding tulad mo." Sambit niya na ika init ng ulo ko.

"You bitch, Hindi ko siya ni landi! Hindi ko kasalanan na ako ang pinili niya at hindi ikaw, hindi ko rin kasalanan kong hindi na ikaw ang napili bilang Queen." Sambit ko, sinamaan niya ako ng tingin kaya naman ako naman ang ngumisi,

"Well, baka kase na-realize nila na ang hinahangaan nilang Queen dati ay isa pa lang mandaraya." I laugh sarcastically.

"Fuck you!" Sigaw niya at aambahan sana ako ng sipa na mabilis kong iniwasan. Nanlaki ang mata ko ng matatamaan sana ako ng kamay niya kaya agad kong hinawakan iyon.

"Ano bang problema mo? Talagang bumalik ka lang ba talaga dito para gulohin ako?" Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko, bakit ka ba kase umepal sa mga bagay na meron ako?” Bulyaw niya sakin. Malakas na inalis niya ang kamay ko sa kamay niya.

“Tandaan mo, Xiara. Babawiin ko ang lahat na inagaw mo sakin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa aking harapan.


The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon