Chapter 37

754 15 0
                                    

Xiara Kim's POV

"Wow, parang nagiging malapit na kayo ni Jeya ah?" Inirapan ko si Elaiza, kanina niya pa ako inaasar.

"Hindi kami nagiging malapit, coincidence lang na naging magkasama kami." Pagngangatwiran ko.

Walang klase ngayon at nakatambay lang kami sa labas ng classroom, sa corridor. Kanina pa nila ako inaasar, ewan ko sa mga 'to bakit ako inaasar.

"Weh, eh magkasama nga kayo nanood nung parade." Tinusok-tusok pa ni Elaiza ang tagiliran ko.

"First of all, niyaya ko lang sila kasi nga marami kayong ginagawa at saka wala akong ibang makakasama." Sambit ko at lumayo sakaniya dahil kanina niya pa ako tinutusok-tusok sa tagiliran.

"Sus, palusot mo." Tumawa lang si Fyi at sinabayan pa ni Elaiza, iniripan ko nalang silang dalawa.

"At saka bakit ba ang ano ninyo eh hindi ba pwedeng makipag-ayos? Kahit naman sobra yung naging away namin, pwede pa rin naman makipag-ayos ah!" Muling pangangatwiran ko na mas lalo pa nila akong binigyan ng ewan na tingin.

"Ay weh talaga?" Tumaas ang isa kong kilay. "Sa lahat naman ng mga kaaway mo hindi ka nakikipag-ayos ah?"

"Bakit hindi ba pwede ngayon? I learned my lesson, okay?" Inis na sabi ko, unti nalang talaga ipag-uumpog ko na sila.

"Palusot mo ate." Inirapan ko siya at pumasok na sa loob ng classroom, sinama lang nila ako don para asarin.

Umupo ako sa upuan ko, napansin kong palapit sakin si Jeya. "Kailan natin gagawin yung project?"

"Ay oo.." Sambit ko. "Kailan ka ba free? Pwede naman ako kahit kailan, wala naman akong plano for this week."

"Sa saturday, mabilis lang din naman natin matatapos yun.. isn't it?" Tumango ako.

"Sa saturday, close na ah?" Sambit ko, mahirap na baka biglang bagohin yung sched.

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Oo, bye." Sambit niya at umalis habang ako ay nakatunganga lang.

Sinundan ko siyang umalis sa harapan ko, ilang minuto akong nakatunganga ng ma realized ko ang nangyare. Sinubsob ko ang ulo ko sa desk na ika-untog ko pa nga.

Naramdaman ko ang pagbiglaang pag-iinit ng mukha ko. "What the fuck?" Bulong ko.

"Hoy Xia!" Naramdaman ko ang pagtapik ni Elaiza sa balikat ko.

Dahan-dahan akong lumingon sakaniya. "W-what?" Sambit ko.

"Anyare sa mukha mo?!" Mas lalo kong sinubsob ang mukha ko ng sumigaw siya.

Mas lalo niya pang pinapamukha eh!

"Xia, okay ka lang ba?" Nilingon ko si Fyi.

"Oo naman.." Giit ko at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Tangeks, na babaliw na ata yan. Nakasama ba naman si Jeya!" Naramdaman ko ulit mamula ang mukha ko ng marinig ko ang pangalan niya.

Tinago ko ang mukha ko sa pamamagitan ng pagtalikod sakanila. "S-saglit lang, may pupuntahan lang ako."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at agad na tumakbo. Ng makalayo ako sakanila ay napasanday ako sa pader, hingal na hingal ako.

Napamura ako. "Ano bang nangyayare sakin?" Inis na tanong ko sa sarili ko.

Aalis na sana ako ng makarinig ako ng boses. "Mom, please.. I'm begging you." Pamilyar yung boses ah?

Dahan-dahan akong sumilip, si Zane! May kausap siya sa cellphone, base sa narinig ko eh yung nanay niya ata.

"I like him! No, I love him... We both love each other, Mom." Alam ko na kung sinong tinutukoy siya, sino pa ba? Edi si Jiyo.

"I just want to see him.. please Mom." Sisilip pa sana ako ng may matapakan akong bote na gumawa ng ingay.

"Wait Mom." Nanlaki ang mata ko at mabilis na umalis sa lugar na yun.

Napahawak ako sa pader, hingal na hingal na naman. Ng mabawi ko ang hininga ko ay umayos ako ng tayo.

Ano na naman kayang plano ng lalaking yun, hindi mapagkakaila na mahal talaga nila ang isa't isa pero hindi yun mababawi ang galit ko sakanila.

Hindi ko alam kung ginamit lang ba talaga ako ni Jiyo para mapagtakpan ang pagmamahalan nila ni Zane, o ano?

Napabuntong hininga na lamang ako. Ngayon ay ang gusto ko muna ay katahimikan, ayoko munang isipin tungkol don.

Sinubsob ko ang ulo sa lamesa, wala akong gana ngayon makinig. Kanina pa nagtuturo yung subject teacher namin pero wala man lang akong natutunan.

"Ipapaalala ko sainyo, malapit na ang pasahan ng inyong project na by partner kaya dapat may na simulan na kayo."

Oo nga pala, yung project na si Jeya ang partner ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming na sisimulan, siguro ngayon ay dapat magsimula na kami.

Ilang minuto pa bago matapos ang teacher namin kaya naman nilibang ko muna ang sarili ko sa pag-doodle, gusto ko na talagang matapos ang klase.

Ipinikit ko ang aking mata. "Huwag ninyong kakalimutan ang project na pinapagawa ko sainyo, ang mga absent noong nag by partner ay pwedeng mag-solo o makipag-partner sa iba."

"Class dismissed!" Lumiwanag ako ang mukha ko at umayos ng upo.

"Pagkarinig palang ng 'class dismissed' biglang ayos ah?" Natatawang giit ni Fyi, tumabi silang dalawa sakin.

"Syempre, sinong hindi? Eh sobrang boring magturo ni Ma'am." Sabi ko, napailing nalang si Fyi sakin ng sabihin ko yun.

"Gaga ka talaga, pa-salamat ka hindi namin nil-leak mga sinasabi mo." Nagkitbalikat nalang ako.

"Xiara?" Napalingon ako sa likod ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko, si Jeya.

"Bakit?" Sabi ko at tumayo para humarap sakaniya.

"Yung sa project -"

"Baka maabala namin kayo, d'yan na muna kayo." Nakangiting sabi ni Elaiza at hinila palabas si Fyi, bago pa siya lumabas ay kinindatan pa ako.

"Huwag mong pansinin yun." Sabi ko. "Tungkol sa project, hindi ba?"

"Yeah, the project really needs to be finished and another thing is that we haven't started anything yet, so if you don't have anything to do after class, let's do it." Sabi niya.

Wow, parang hindi naman tunog sobrang bossy. "I have no plans after class, can it be at our house? Maybe because we will take a long time, my Grandparents will worry."

Tumango siya, "It's okay with me."

"Then, I'll wait for you." Sabi ko, muli siyang tumango at umalis na sa harapan ko.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon