Chapter 13

664 17 2
                                    

Jeya Lee's POV

"Ano bang nangyare sayo? Hoy." Nilingon ko siya, hindi ko siya sinagot at deretsong naglakad. "Huy! Zane, alam mo kung anong nangyare sakaniya?" Rinig kong wika ni Sora.

Malamang ay nakasunod sila sakin. "Aba'y, hindi ko alam! Kalerke 'to." Wika ni Zane sa likod ko.

"Ano ba talagang nangyare? Kutongan kita diyan eh." Sambit niya kaya napabuntong ako ng malalim at humarap sakanya.

Tinignan ko siya ng seryoso, tanda na hindi ako nagbibiro, "Wala ako sa mood, Sora Jong." Sambit ko.

"Lagi naman eh.." Rinig ko pang bulog ni Sora.

"Mga kalerke 'to, pakopya nga mamaya." Sambit ni Zane, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"Ulol, aba't basta ilibre mo ako?"

"Ay leche, 'wag na." Hindi ko na sila pinansin at inilibot ang aking paningin, inismiran ko lang sila.

Bawa't madadaan ko ay gigilid sila at magbubulongan, yumuko na lamang ako at nanatiling nakapamulsa ang dalawa kong kamay sa bulsa ko.

"Hays! Andaming basura."

"Omy! Girls naamoy nyo 'yon? Amoy basura, eww!"

"Of course! Amoy na amoy."

"Let's go girls, baka mahawa tayo! Apaka-lakas pa naman ng loob kalabanin si Xiara!"

"Tsk, aarte." Bulong ko pero mukhang narinig nila 'yon. Inangat ko ang aking tingin ng may nakatayo sa harapan ko.

"What did you say?! Me? Maarte?!" Mataray na sambit ng nasa gitna at satingin ko ay siya ang lider-lideran nila.

"Rinig mo pala, ba't nagtanong ka pa?" Sambit ko at akmang susugod siya ng pigilan siya ng nasa kaliwa niya.

"Olive, wag mo munang patulan! Nagpapasikat lang 'yan." Sambit ng mataba.

"Hmp, napakalakas ng loob mo at lumaban ka kay Xiara? And guess what? Binalibag niya 'daw si Xiara."

"What?!" Saba'y na sigaw ng dalawa.

"Hindi naman ata kayo kasama sa gulo namin diba?" Seryosong sambit ko.

Pinagkros ni Olive ang kaniyang braso. "Wow, hindi mo ba alam ang ginagawa mo?! You're fucking bitch." Mataray na wika niya.

"Ano bang pake mo?" Kalmado pa rin na wika ko.

"Ang kaaway ni Xiara, kaaway rin namin." Napailing nalamang ako.

"Alis." Deretsong wika ko.

"No." Nang-aasar na wika niya.

"Hoy, power pop girls, alis!" Mataray na wika ni Sora.

"W-what?!" Hindi makapaniwalang wika ng kasama nung Olive.

"Ay hindi! Bingi pala ang mga 'to eh, alis d'yan! Bigwasin kita diyan eh." Sigaw ni Sora.

"Olive, let's go na." Sambit ng isa pa niyang kasama.

Iniripan kami ni Olive, "Okay, let's go girls." Wika niya at pakembot-kembot umalis.

Inirapan muna kami ng kasama nila bago umalis. "Mga epal 'to." Sambit ni Sora.

"Mga kalerker, halina kayo! Nangangalay na ang beautiful feet ko." Wika ni Zane na nakatayo sa gilid.

"Beautiful 'daw? Saan banda?" Sambit ni Sora. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"Alangan sa paa! Feet nga diba? Che, bahala ka diyan." Napailing ako ng naunang maglakad si Zane habang nakembot.

"Hoy, gago 'to!" Sigaw ni Sora at inambahan ng batok si Zane.

"A-aray! Oh my, how dare you to batok-batok my pretty head?!" Sigaw ni Zane pero bineletan lang siya ni Sora at tumakbo na agad hinabol ni Zane.

Napailing ako, napangiti ako dahil sa pinaggagawa nila. "Mga isip bata talaga." Bulong ko.

Xiara Kim's POV

Tahimik lamang ako sa gilid. Naiinis pa rin ako dahil sa nangyare, kahit ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko. Gusto kong gumanti pero hindi ko naman siya nakikita sa campus ngayon.

"Xia, may gagawin ka ba mamaya?" Lumingon ako kay Fyi ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Wala naman, bakit?" Sambit ko.

"Samahan mo ako mamaya sa bookstore, may bibilhin lang ako. May gagawin kase si Elaiza kaya ikaw sinama ko." Tumango ako bilang sagot.

"Sige lang. Mamayang uwian ba?" Tumayo ako at tumabi sakaniya. Magkasama kaming tatlo, si Elaiza ay may ka-text sa cellphone.

"Oo, gusto mo sa labas na rin tayo kumain?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. Mas mabuti na rin yun dahil sa condo ko naman ako uuwi, wala kase don si Manang at Mom.

"Tara na." Aya ko sakanila. Malapit na kase matapos yung recess.

Nauna na akong maglakad sa kanila. May mga sariling mundo kase kaming tatlo ngayon, si Fyi ay may ginagawa sa cellphone niya, si Elaiza naman ay may ka-text.

Habang naglalakad ako ay maraming bumabati. Nginitian ko lang sila dahil wala ako sa mood para kausapin sila.

Nauna na akong makarating sa classroom. Panigurado mamaya pa yung dalawang yun, busy ba naman sa mga cellphone nila. Tahimik akong umupo at sinubsob ang aking mukha sa desk.

Hihintayin ko nalang na makarating na ang next teacher namin.

ILANG araw na ang makalipas yung huling gantihan namin, ang huling gantihan namin eh yung naka upo siya sa bench. Pagkatapos non ay hindi ko na rin siya nakikita sa campus o kaya naririnig ang pangalan niya.

At sa ilang araw na hindi kami naggagantihan ay pakiramdam ko may kulang. Siguro dahil hindi pa ako nakakaganti sakaniya? Siguro nga.

Walang pasok ngayon, halos apat na araw yung walang pasok namin ngayon. Dalawang araw kase na may holiday at sakto pa nung Thursday iyon kaya apat na araw akong andito sa mansion.

Andito si Manang kaya may kasama ako ngayon, ang problema lang ay hindi ko siya makausap dahil may sarili siyang ginagawa. Hindi ko naman mayaya sila Elaiza dahil gumala naman sila ng mga pamilya nila.

Kagahapon pa akong boring na boring dito. What if yayain ko si Jiyo? Pwede rin, hindi na rin kase kami masiyadong nagkikita ngayon eh.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at chinat siya. "Jiyo, labas tayo. Pwede ka ba?" Pagbasa ko sa chat ko.

Ilang minuto pa ang hinintay ko ng sawakas ay nag-reply na rin siya. "Pasensya na, Xia ah? Hindi ako pwede ngayon eh." Napabuntong hininga ako pagkatapos ko mabasa ang reply niya.

Ano ba iyan! Lahat ay may sari-sariling ginagawa, wala na akong ibang mayaya. Nagtaklob ako ng kumot, ilang minuto ako nakataklob ng maisipan kong kumuha nalang ng pagkain sa kusina.

Nakita ko si Manang na nasa sala habang ginagawa ang gawain niya. Napabuntong hininga ako, nakakatamad naman ang buong holiday ko.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon