Xiara Kim's POV
"Babe, andito na ako sa labas ng condo mo." Napangiti ako.
"Ok, II'I be there." Nakangiting sambit ko at pinatay ang linya. Ngiting-ngiti kong sinukbit ang bag sa aking balikat. Binuksan ko ito at bumulaga sakin ang naka sanday na si Jiyo.
Tumingin siya sakin at ngumiti ng tipid. Lumapit ako sakaniya at akmang hahawakan ang kaniyang kamay ng pa simple niya 'yon iniwas. Lumingon siya sakin kaya ngumiti ako ng may pag-aalanganin.
Sumunod ako sakaniya papunta sa kaniyang sasakyan at pumasok, naglagay ako ng seatbelt. Tinignan ko si Jiyo na inaasikaso ang pag-andar ng makina.
Lumapit ako sakaniya at yumuko para makuha ang seatbelt sa kaniyang gilid dahilan para lumingon siya sakin. Nagtataka itong tumingin sakin ngunit binigyan ko lang ito ng ngiti at muling itinuon ang aking pansin ng maabot ko na ang seatbelt.
Kinabit ko ito at bumalik saking pwesto at muli siyang binigyan ng ngiti, ngumiti siya sakin ng may pag-aalanganin at tinuon ang kaniyang tingin sa harap.
Napabuntong hininga ako at sinandal ang aking ulo sa bintana at inilibang ang aking kalsada. Lumingon ako sakaniya na abala sa pag-drive pero nagawi ang aking pansin ang kaniyang cellphone.
Akmang pa simple kong kukunin ang cellphone niya ng tumunog 'yon kaya ibinaba ko ang aking kamay at pinaglaruan ang aking kuko.
Isinagot niya ang tawag at umiwas ng tingin sakin, "Hello?" Sambit niya sa linya.
Lumingon siya sa gawi ko at mabilis din umiwas, "Yes... Hmm.. Opo... Hahaha... Bye na." Hindi nakatakas sakin ang pagpipigil niya sa kaniyang ngiti.
"Babe, sino 'yon?" Sambit ko at lumingon gawi ko at itinuon din ang kaniyang atensyon sa daan.
"Isa sa mga barkada ko lang, babe." Sambit niya na ika kunot ng aking noo.
"Barkada? 'e bakit may “po”? Grabe, magalang ja na pala sa mga barkada mo?" Sambit ko ngunit matagal itong sumagot.
"H-ha?" Halata sa mukha niya ang kaba na mas lalong ika kunot ng aking noo.
"Ang alam ko ay hindi ka naman nag “po” o “opo” sakanila?" Sambit ko na ika nanlaki ng mata niya.
"Ahh...ano? W-wala, naisip ko lang mag po, ayaw niya kaseng may nagsasabi sakaniyang po kaya inaasar ko." Tumango lang ako kahit puno ng pagtataka ang aking isipan.
Huminto siya sa mall at bumaba kaya hinintay ko siyang pagbuksan ako ng pinto pero nagtataka ito lumingon sakin kaya ako nalang ang nagbukas ng pinto.
"Bakit?" Takang tanong niya ngunit isang pilit na ngiti lang ang aking ibinigay.
Napatingin ako sa magjowa na nakahawak ang kamay kaya napatingin ako sa kamay naming dalawa, kinuha ko ang kamay niya kahit iniwas niya 'yon at pinagsaklob ko ang aming kamay.
"B-bakit?" Tanong niya.
"Ang magjowa ay laging magkahawak kamay, tsaka magjowa naman tayo diba?" Sambit ko at pilit na tumango ito.
Ng makapasok kami ay bumungad sakin ng malamig na hangin, nagtanong siya sakin kung ano ang una naming gagawin kaya napagpasiyahan kong manood muna kami ng palabas.
Ako na rin ang nagpili ng aming panonoorin habang siya naman ay bahala sa pagbili ng popcorn. Ng matapos ang napaka habang pila ay sawakas ay nakapasok na rin kami at umupo.
Ng magsimula ito ay tinutukan ko ito dahil sa tingin ko ay napaka ganda ng storyang ito dahil trailer pa lang ay maganda na.
Napalingon ako kay Jiyo ng tumunog ang cellphone niya at mabilis niya itong kinuha, binalik ko ang aking pansin sa screen at minsan ay nalingon ako kay Jiyo na nakangiting nagtitipa.
Hindi niya siguro ako napapansin dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin, kinagat niya ang kaniyang labi kaya napakunot ang aking noo. Pilit kumakala ang ngiti sakaniyang labi pero pinipigilan niya 'yon gamit ang pagkagat sakaniyang labi.
Gumalaw ako dahilan para maagaw ko ang atensyon niya at gulat na nakatingin sakin, "B-bakit?" Sambit niya ng mapansin ang pagkunot ng aking noo.
"Ikaw, Bakit pana'y ang pagngiti mo?" Sambit ko na at tinago niya naman ang cellphone sa bulsa niya.
"A-ah? wala 'yon. Manood nalang tayo." Sambit niya at tinuon ang atensyon sa screen kaya wala akong nagawa kundi manood.
Tumayo na kami ng matapos ang palabas at nagyaya naman siya na kumain muna, "Babe, 'don tayo!" Turo ko sa isang kainan.
"Sure, let's go." Sambit niya at hinawakan ang aking kamay. Napangiti ako dahil don ay hindi ma alis-alis ang aking ngiti.
Ng makahanap kami ng bakanteng upuan ay tumawag na siya ng waiter, "What is your order, ma'am and sir?" Sambit ng waiter.
Kinuha ko ang menu na ibinigay niya, "Pasta and mango ice cream, please." Sambit ko at ibinigay sakaniya ang menu.
Lumingon ako kay Jiyo ng ibinigay niya na rin ang menu sa waiter at yumuko muna ito bago umalis sa harapan namin.
"Babe, are you done with your homeworks?" I said.
He nod, "Yeah, why?" I smiled and shake my head.
Liar, such a liar.
"Nothing," Sambit ko at namuyani ang tahimik ng walang magsalita ni isa sa amin. Yumuko ako at pinaglaruan ang aking kuko.
Inangat ko ang aking tingin sa kaniyang cellphone ng tumunog ito, tinignan niya ang kaniyang cellphone at kinagat ang kaniyang labi. Tumayo ito at lumingon sakin.
"Babe, punta lang akong restroom room." Tumango ako at akmang kukunin niya ang cellphone sa table ay inunahan ko itong magsalita.
"Alis na, baka sumabog 'yan." Biro ko at pilit na ngumiti ito at akmang kukunin ulit ang cellphone ng magsalita ulit ako.
"Hey, mamaya na 'yan. Dalian muna, babantayan ko 'yan. Wala naman kukuha d'yan 'e." Sambit ko.
Ngumiti ito ng nag-aalanganin at patagong kinuyom ang kamay bago umalis, pinankitan ko lang ito ng mata at ng mawala ito sa paningin ko ay mabilis kong kinuha ang cellphone.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala itong password, napataas ang aking kilay ng makita ang wallpaper niya. Isang lalaki ito na naka peace sign.
Inilibot ko ang aking paningin kung andito na si Jiyo pero nakahinga ako ng maluwag ng wala. Pinindot ko ang message at tumambad sakin ang isang message na ang pangalan ay “Baby”.
Akmang pipintodin ko na ito ng may humablot ng cellphone kaya napalingon ako don, "Oh, b-babe?" Sambit niya at halatang pinagpapawisan.
"Hmm? Upo ka na, darating na rin yung waiter." Nakangiting sambit ko at umupo naman ito.
Pasimple siyang lumingon sa kaniyang cellphone at tinago sa bulsa niya na saktong pagdating ng waiter. Inilapag niya ang pagkain at umalis na rin pagkatapos namin ibigay ang bayad.
Sumubo ako habang siya naman ay halatang balisa "Babe, are you okay?" Tanong ko at isang tango ang kaniyang ibinigay.
"Are you sure?" Sambit ko at ibinigyan siya ng makahalugang tingin.
"A-ah, babe. I think I'm having a headache." Sambit niya at hinawakan pa ang kaniyang ulo.
"Kung ganoon ay umuwi na tayo." Sambit ko at akmang tatayo ng pigilan niya ako.
"No, let's finish our food first before we leave." Sambit niya kaya umupo nalang ako at kumain.
Pinagmasdan ko siya habang nakain na siya naman ay nakayuko habang nakain, nangilid ang aking luha sa kaniyang inaasta.
Sana mali ako sa iniisip ko, sana hindi totoo na niloloko mo ako.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...