Xiara Kim’s POV
“Anong huh?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Siya ay tumingin lang sa 'kin na nakakunot ang noo, tila ba ay hindi wala siyang ideya sa lahat ng mga sinasabi ko sa harapan niya.
“Gastos? gusto? nagpapansin sa 'yo?” Giit niya. “Nahihibang ka ba? Anong pinagsasabi mo?”
Naramdaman ko ang hiya matapos niyang sabihin ang lahat ng ‘yun.
“Huh? W-wala!” Napakamot ako sa 'king ulo at umatras. “Ako? Inaakalang may gumagastos, gusto, nagpapansin sa 'kin? Hindi ah, NEVER.”
Kinunatan niya lang ako ng kilay at tinitigan ako na para bang na babaliw na ako. Tumayo siya, dinala niya ang gamit niya.
Pinilit kong tumawa para mabawasan ang hiya ko. “Go, sho! Go away.” Pinagtabuyan ko siya.
Nang makalabas na siya ng gym ay napaupo ako sa bench, mahina kong pinukpok ang ulo ko.
“Bobo mo naman kasi Xiara! Bakit mo naman kasi aakalain na siya yung nagbibigay?” Panunumbat ko sa sarili ko
Pagod na pagod akong napa upo sa sahig ng gym, na tapos ko rin i-mop ‘tong buong gym.
Tinignan ko ang oras. “Grabe, halos mag-iisang oras na pala ako na rito.” Bulong ko.
Nakatanggap ako ng mga tawag nila Elaiza ngunit hindi ko ‘yun na sagot kanina dahil naka silent ang cellphone ko.
Tumayo na 'ko, kinuha ko ang mop at ibinalik kung saan ko ito nakuha kanina at saka ako lumabas ng gym.
Uunti na rin ang mga tao sa labas, for sure ay nasa klase na ang iba. Nag-unat-unat ako, nakakapagod din maglampaso ah!
Habang naglalakad ay nakita ko si babaita, nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina. Buti nalang ang hindi niya mukhang sineryoso kanina.
Habang siya ay naglalakad ay napansin kong may dalawa siyang mga chocolates at papunta sa building ko. Pinanood ko lang siyang maglakad ng may ma realize ako.
“Sabi na nga ba! Siya nga ‘yun.” Napangiti ako. “Kunyare ka pa kanina!”
Tumakbo ako papunta sa kaniya. Malapit na sana akong maabotan siya ng may makabangga ako, dahilan para matumba ako, at mapa upo sa sahig.
“A-aray...” Daing ko.
Napapikit ako sa sakit. Ramdam ko ang kirot sa tuhod ko at sa 'king braso, kaya napahawak ako sa 'king braso at tinignan kung gaano kalaki ang sugat na natamo ko.
“I'm sorry! I am really sorry miss..” Nilingon ko ang lalaking nasa harapan ko.
Pilit ko siyang nginitian. “Haha.. okay lang, hindi naman masakit. Kaya ko naman, hehe.”
Sinubukan kong tumayo ngunit hindi kinaya ng tuhod ko, grabe din kasi yung laki ng sugat at saka napakalakas kaya ng nangyareng impact ko! Para nga akong nilipad pagkatapos ko siyang mabangga.
“I don't think you can stand... here, let me help you.” Ngumiti siya sa 'kin at inalalayan ako.
“Thank you.. hindi mo naman kailangan, kaya ko naman eh.”
“No, it's okay. It's my fault, hindi ako tumitingin sa daanan ko.”
Nang makatayo ako mula sa pagkakaalalay niya ay don ko lang na pagmasdan ng maigi ang mukha niya.
“You kinda look familiar..” Mahinang bulong ko, hindi sapat para marinig niya nang klaro.
“Huh?”
“U-uh, it's nothing!”
Tumango-tango siya. “Do you want me to take you to the clinic? You don't seem to be able to walk on your own.”
He's right, kahit nga inaalalayan niya ako ay ramdam ko pa rin ang kirot sa tuhod ko.
“Even better, I don't seem to be able to walk at all. Ramdam ko yung hapdi eh.” Tumawa ako at siya naman ay nginitian ako.
“Can you guide me where? I'm still not familiar with the campus.” He said shyly, kaya naman na tawa ako.
Kanina pa ako andito sa clinic. Na text ko na rin sila Elaiza na nasa clinic ako, as usual—binungangaan na naman ako ng Fyi habang si Elaiza naman ay tinawanan lang ako.
Kanina pa ako inip na inip dito pero hindi pa naman ako pwedeng umalis dahil binilin sa 'kin ng nurse na ‘wag muna ako tumayo at ipahinga ang tuhod ko.
Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa kisame, grabeng kainipan ‘to.
Habang nakatitig sa kisame ay bigla namang nag-sink in sa utak ko ang nangyare kanina. Napamura tuloy ako sa utak ko dahil sa kahihiyan.
Ano bang iniisip ko kanina at pinagkamalan kong siya ‘yun? Napakalayo naman. Okay sana kung ibang taong yung pinag-uusapan eh, pero si babaita ‘yun ‘no!Napakaimposible.
Habang nakikipag-away ako sa sarili ko ay biglang may naghawi ng kurtina, kung na saan ako nakahiga.
“Babaita?” Kunot noo kong giit.
Wala siyang pasabi-sabi at umupo sa gilid ko. Pinag-cross niya ang kaniyang hita, binuklat ang kaniyang libro at nagbasa.
I was confused while looking at her who was formally reading a book as if she had done nothing.
Habang tinitignan ko siya ay naalala ko na naman ang mga pinagsasabi ko kanina sa kaniya pero isiniwalang isip ko muna ‘yun.
“What are you doing here?” Nagtataka kong tanong sa kaniya pero para bang wala siyang na rinig at dinedma lang ako.
“Hello? Excuse me?” Kinaway-kaway ko ang kamay ko harap ng mukha niya at nakuha ko naman ang atensyon niya.
Tinignan niya ako. “What?” Tanong niya.
Tinignan ko siya na para bang hindi ako makapaniwala sa sagot niya.
“What do you mean what? Ikaw nga ‘tong tinatanong ko. Why are you here?”
“Bakit, hindi ba pwede?” Taas kilay niyang giit.
“Pwede pero I mean—”
“Pwede naman pala eh, edi ‘wag mo akong gulohin.” Giit niya at muli niyang ibinaling ang atensyon niya sa binabasa niyang libro.
“Unbelievable..” Nakangiwi kong giit habang pinagmamasdan siyang pormal na na nagbabasa.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...