Chapter 8

656 23 0
                                    

Xiara Kim's POV


"Xia, alam mo tigilan mo na 'yang paggaganti mo kay Jeya." Sambit ni Elaiza at uminom ng alak.

"Ayoko nga." Sambit ko at inirapan siya, nagsalin ako ng beer at deretsong ininum 'yon.

Napalingon ako kay Fyi na kakadating lang dahil inasikaso niya daw yung nasa V.I.P "Minsan magbayad na kayo, ako nalulugi sainyo eh." Nailing na sambit ni Fyi at umupo.

"Next time." Sambit ko.

"Ewan ko sainyo!" Sambit niya at uminom ng beer.

"Xia, alam mo tigilan mo na 'yang paggaganti mo kay Jeya. Pag talaga 'yan nalaman ni Chairman lagot ka." Sambit ni Fyi na agad ikasang-ayon ni Elaiza.

"Oo nga, muntikan na nga 'yon malaman ni Tita Joyn." Sambit ni Elaiza.

"Akala mo ba hindi namin malalaman na ni-lock mo si Jeya sa restroom? Alam kong naggagantihan lang kayo pero parang sobra naman yung kinulong mo siya don, ang malala pa ay ilang oras siya andon!” Inirapan ko lang sila. Bakit ba apaka pakelamera nika?

"Paulit-ulit kayo, bahala kayo r'yan. Magsama kayong dalawa!" Inis na sambit ko at nagpapadyak na umalis don.

Padabog pa rin akong naglalakad at hindi inalintana ang pagkahilo. Ang kukulit nila! Bahala sila sa buhay nila.

Napahinto ako ng may huminto sa harapan kong dalawang lalaki, "H-hey! Excuse me." Pagiwanggiwang na sambit ko ngunit ngumisi lang sila.

"Pwede bang ituro mo samin yung cr? Hindi kasi namin makita." Nakangisng sambit ng nasa gitna kaya naman napataas ang isa kong kilay.

"Kaya nyo na yan, matanda na kayo." Sambit ko at hinawi sila sa dadaan ko pero humaramg ulit sila.

"Please? Nag-iinit na kase kami–este na iihi." Sambit ng nasa kaliwa niyang lalaki. Aba'y mga bastos pala ang mga ito eh.

Pinadyak ko ang isa kong paa at sinamaan sila ng tingin. "Alis!" Maotawiridad na utos ko pero mas lumawak naman ang ngisi ng nasa gitnang lalaki.

Hinaplos ng nasa kanan na lalaki ang braso ko. Inis na inalis ko 'yon, "Halika na, miss." Nakangiting sambit ng lalaki at hinawakan din ang isa kong braso at binuhat na parang sako.

"Ano ba?! Bitawan nyo ako! Tulong! Help me!" Inis na bulyaw ko.

"Boss, ang ingay." Sambit ng nasa kanan at tinakpan ang dalawa niyang tenga.

"Talaga! Bitawan nyo ako! Tulong!" Sigaw ko, napa ubo ako ng sikmuraan ako ng bumubuhat sakin.

Unting-unting nandilim ang paningin ko at namalayan ko nalang na nahimatay na ako.

Unting-unti kong minulat ang mata ko. "T-teka? A-asan ako?!" Nilibot ko ang paningin ko pero wala ako maaninag dahil madilim.

"Gising ka na pala, miss." Napalingon ako ng may nagsalita. Tatayo na sana ako pero napatingin ako sa paa ko. Nakatali ito, ganon din sa kamay ko.

"Ikaw! Pakawalan mo ko!!" Bulyaw ko pero lumapit lang 'to sakin at akmang hahalikan niya ako ng duraan ko ang mukha niya kaya nakaabot ako ng malakas na sampal.

"Manahimik ka, Maghintay ka. Magpapasarap muna kami." Nakangising sambit niya at hinawakan ang hita ko.

Pilit kong kumawala ngunit wala 'yong silbi dahil sobrang higpit ng pagkatali. Huminga ko ng malalim, "Tulong!!!" Halos lahat na ng boses ko ay nasigaw ko na.

Nakatanggap naman ako ng isa pang malakas na sampal. "Manahimik ka." Nangggigil na sambit niya at pinunit ang damit ko.

Napahikbi ako ng mapunit niya ang damit ko, Halos maglaway ito sa nakikita niya. "Bawi rin ang pagod natin." Sambit niya at tumawa. Bakit ba hindi nalang sila mawala sa mundong ‘to? Ang mga taong katulad nila ay dapat pinapatay.

"Boss, dalian mo na di'yan." Pumikit ako ng mariin ng lamasin niya ang aking hinaharap na meron pa rin na saplot.

"Tigilan nyo 'yan." Nabuhayan ako ng marinig ang boses na 'yon.

"B-babaita? Bulong ko.

“Sino ka?” Sigaw ng lalaking nasa harapan ko.

"Tigilan nyo na 'yan." Sambit ni babaita. Nanlaki ang mata ko ng naglabas ng kutsilyo ang lalaki.

"Hindi!" Sigaw niya.

"Okay, sabi nyo eh." Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seriously?! 'Yon na 'yon?! Don't tell me iiwan niya ako dito?

Napapikit ako ng mariin. Ng imulat ko ang mata ko ay muling nanlaki ang mata ko ng nakahandusay na ang lalaking nasa harap ko.

Nilingon ko si babaita na nakikipaglaban sa dalawang lalaki, Napangiwi ako ng makarinig ako ng pagbali ng buto.

Natumba ang lalaking binalian niya ng buto, lumapit ito sakin at pinakawalan ako. Nakatulala pa din ako ng isuot niya ang jacket niya sakin. Pagkatapos niyang isuot 'yon sakin ay umalis na siya saktong narinig ko ang sigaw ni Fyi.

"Xia! Okay ka lang? May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba nila? Xia! Sumagot ka." Natatarantang sambit ni Fyi at dahan-dahan lang akong tumango.

"O-okay lang ako." Mahinang sambit ko na halos bulong na lamang 'yon.

May narinig ako na hudyat ay andiyan na ang mga pulis, Lagi naman silang huli. May nakaligtas nalang sakin, ngayon lang sila nakarating.

Inalalayan ako ni Elaiza tumayo. Pagkalabas namin sa eskinita ay don din ang paglapit samin ng mga pulis ngunit pinagamot nuna nila ang mga sugat ko at pasa.

Ng matapos ang paggamot sakin ay napaangat ang tingin ko na may bultong nakatayo sakin. Napangiti ako ng makita kung sino 'yon.

"Mom.." Bulong ko, Nagulat ako ng may isang sampal ang ibinigay niya sakin.

"Walang kang kwenta! At ano ngayon?! Nasa bar ka pa at nagpapakasaya ka pa sa mga lalaki d'yan? Stupid!" Bulyaw niya kaya napayuko ako. Akala ko nag-alala siya pero mga masasakit lang pala na salita ang makukuha ko sakanya imbes na i-comfort niya ako.

"I-i'm sorry, mom." Halos wala ng lumabas sa bibig ko na boses, kinurap-kurap ko ang mata ko dahil nagsisimula na naman manubig ang mata ko.

"Alam mo? Dapat itinuloy na lang sayo yung ginawa ng mga lalaki 'e! YOU'RE FUCKING USELESS BRAT!" Sigaw niya na tuluyang ikabagsak ng mga luha ko.

Ang sakit pala, Sarili kong Ina na nagluwal sakin ay siya pang sabihan ako ng ganyan. Okay lang sakin na sabihan ako na masasakit na salita kaysa sa sarili mong Ina.

"Excuse me, hindi ba po dapat ay h'wag nyong sabihan ng ganyan na salita ang sarili nyo anak na ikalagay niya na sa piligro?" Seryosong sambit ng isang pulis na babae.

"What?! Do you think I care?! I don't fucking care, Hayaan 'yang babaeng 'yan. Salot 'yan." Inis na sambit ni Mom at nagpapadyak umalis.

Napalingon ako sa pulis na babae na ngayon ay may awa sa mga mata niya, napaiwas ako ng tingin dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang ina-awaan ako.

Lumuhod ito sa harap ko para magpantay kami, masasabi 'kong maganda talaga siya. "H-hindi nyo na po dapat sabihin 'yon." Sambit ko habang nasa malayo pa rin ang tingin.

"Nah, Nanay din ako at alam ko na mali ang sinasabi ng Mom mo. No offense ah? Well, Bahala ka kung na offense ka." Sambit niya at napaawang naman ang bibig ko.

Tinignan niya ang jacket na suot ko, halata sa mukha niya ang gulat at pagtataka, "San mo nakuha 'to? Hm, Pamilyar sakin ang jacket na 'to." Sambit niya at tumayo kasabay ang pag-alis niya.

Hindi niya man lang hinintay yung sagot ko sa tanong niya? Halos malaglag ang panga ko sa inasta niya. Pakiramdam ko ay pamilyar ang ugali niya.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon