Xiara Kim's POV
"Pupunta ka na ba don?" Lumingon ako kay Fyi. "Sigurado ka ba talaga?"
"Oo, ano ka ba." Giit ko. "Para namang bagong-bago kayo." Natatawang sambit ko.
"Yes, we are. Bagong-bago kami! Sinong hindi?" Singit ni Elaiza. "Nung nakaraan hindi ba’t nag gagantihan lang kayo tapos ngayon magkasama kayo manood?"
"Ang overreacting ninyo!" Sambit ko sakanila. "Aalis na ako." Hindi ko na hinihintay ang sasabihin nila at lumabas na ng classroom.
Pagkalabas ko ng building ay naabutan ko sila Jeya na naghihintay sakin. "Sorry, kanina pa ba kayo andito?"
"Hindi naman." Napangiti ako sa sinabi ni Jeya. "Let's go?"
Tumango ako. Naglakad kaming dalawang habang si Zane naman ay nasa likod namin, ewan ko sakaniya kung bakit ayaw niyang maglakad sa tabi namin.
Lumingon ako sakaniya. "Bakit andiyan ka naglalakad? Dito ka sa tabi namin. Para ka namang others." Biro ko.
"A-ah? Sorry." Naiilang siyang tumawa na ika-ngisi ko.
Ng makarating kami ay may mga estudyante na rin ang naghihintay sa parade. May event ang mga iba’t ibang school kaya may parade, actually kasama ang school namin pero iba ang napili.
"Napaaga pala tayo." Sambit ko. Wala pa kasing nadaan pero siguro mga ilang minuto ay dadaan na rin yun dito.
Napapaisip din tuloy ako kung sino yung panlaban namin. Kung tutuusin ako dapat ang ipanglalaban pero dahil nga naging busy ako hindi ko tinanggap at hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino ang napili.
May dumaan na kaya naman ang mga estudyante ay nagsisigawan at nagsisitalon. Muntik pa nga ako matamaan ng katabi ko sa sobrang talon pero humingi naman ng tawad kaya okay lang.
"Grabe, ang gara ng costume nila." Lumapit ako kay Jeya para sabihin iyon dahil hindi niya maririnig kung hindi ako lalapit dahil sa ingay.
"Syempre." Ayon lamang ang narinig ko sakaniya.
Pumalakpak ako ng makakita ako ng sobrang gara ng costume. Isang lang ang masasabi ko, nakakamangha. Lumingon ako kay Zane na ngayon ay nakaharap sa cellphone, mukhang may ka text.
Umatras ako ng unti para makita kung sino ang kausap niya, alam kong privacy niya ‘to pero as long naman na hindi niya alam, diba? Sinilip ko kung sino ang ka text niya, hindi niya naman ako mapapansin dahil sa ingay at dami ng tao.
Napangisi ako ng makita ko kung sino ang kausap niya. Si Jiyo, nakakamanghang hindi pa sila tapos. Well, this past few days hindi ko na rin nakikita si Jiyo.
Hinawakan ko sa balikat si Zane ng ika-gulat niya, nilagay niya kagad ang cellphone niya sa bulsa niya at lumingon sakin.
"Ano ka ba, mamaya na yan. Manood muna tayo, minsan lang ‘tong even na ‘to." Nakangiting sambit ko.
"A-ah.." Nilibot niya ang kaniyang paningin. "Yeah, sorry." Tumango ako at lumapit kay Jeya.
Nakatingin siya sakin ngunit wala siyang sinabi na kahit ano. Ngumisi siya at umiwas ng tingin na ika kunot ng noo ko, bakit parang pakiramdam ko alam niya kung anong ginagawa ko?
Biglang nagsitilian ang mga tao dahilan para tumingin ako sa harapan. Sa amin na pala ang narampa, hinintay ko hanggang sa magpakita ang model ng school namin pero medyo matatagalan pa ‘to dahil sa dami pang ibang narampa.
"Oh.. si Xiar pala." Bulong ko. Palihim akong napangiti, noong bata pa kami ay hilig sabihin sakin ni Xiar na gusto niyang rumampa sa harap ng maraming tao.
Habang naglalakad siya ay kita ko sa mukha niya ang saya. Palihim akong nagtago sa likod ni Jeya, baka kasi pag nakita niya ako biglang magbago ang mood niya. Ayokong masira ang araw niya.
Habang naglalakad si Xiar ay sumunod sakanila sila Dad. Magkasama sila ni Dad at Mom, kitang-kita sa mukha nila ang saya at proud kay Xiar. Something I have never felt.
Ng makalagpas sila sa amin ay lumabas ako sa pagkakatago sa likod ni Jeya. Isang model nalang ng school ay tapos na ang parade. Ng makadaan na sa amin ng huling model ay pumalpak lamang ako.
Hanggang sa natapos na ang parade. "Wow, ang gaganda nila." Sambit ko.
"But you are more beautiful than them."
Napalingon ako kay Jeya. "Huh?" Sambit ko.
"Nothing. Come on, it's over." Tumango ako. Ano kayang sinabi niya? Hindi ko kasi narinig kung anong sinabi niya kanina.
Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang mga tingin sa amin ng mga estudyante.
"Wait, tama ba ang nakikita ko? Magkasama sila?"
"What the hell, is this true?"
"Well, i guess it's over."
Isa lamang iyan sa mga naririnig ko. Hindi ba pwedeng may balak lang ako? Kung tutuusin hindi naman talaga siya kasama sa plano ko pero dahil nga mas napapadali niya ang plano ko.
Si Zane lang ang balak ko sakanilang tatlo pero bago yun kailangan kong mas mapalapit sakanilang tatlo para gumaan ang loob nila sakin mas lalo na si Sora. Sobrang sama ng loob sakin ng babaeng yun, akala mo siya yung binuyo ko dati eh.
"Mauuna na ako." Sambit ko.
"Yeah. Goodbye." Ngumiti ako at kumaway sakanila. Lumingon ako kay Zane at ngumiti, ngumiti siya pabalik sakin pero may kasamang ilang.
Naglakad na ako papunta sa building. Maraming mga estudyante ang nakatingin sakin at para bang gusto lumapit sakin para magtanong. Paniguradobay dahil iyon magkasama kami ni Jeya.
Hindi ko naman talaga sila masisi, sinong hindi magugulat? Dati ay ilang beses kaming nag gantihan, pumuntang guidance, at gumawa ng gulo dito sa school tapos ngayon ay magkasama na ang nagngingitian pa sa isa't isa.
Natawa nalamang ako. Kahit ako ay hindi ko rin na asahan na ganito pala ang kakalabasan. Nagtataka rin ako kung bakit parang alam ni Jeya kung anong ginagawa ko at kung ano ang gusto kong gawin. Ang malala pa ay parang tinutulungan niya ako?
Hindi kaya’t alam niya kung ano ang balak kong gawin?
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...