Xiara Kim's POV
“Ay sus! Hindi maka move on ate? Kanina ka pa dada nang dada tungkol diyan.” Sambit ni Elaiza kaya naman sinamaan ko lang ito ng tingin.
“Eh bakit ba? Pano ba naman kase siya lang ang sinasagot ako nyan sa buong campus, exempt sainyo.” Inis na sambit ko.
“Tama na mare! Aba ako’y naririndi na sa bunganga mo." Sambit ni Elaiza at tinakpan ang dalawa niyang tenga gamit ang kamay niya.
“Tumigil na nga kayo d'yan.” Sambit ni Fyi.
Sinamaan ko ng tingin si Elaiza na ngayon ay ngising-ngisi lang kaya naman inirapan ko ‘to at dumako ang tingin ko kay Fyi na nilalakihan ako ng mata.
“Yeah! Fine.” Inis na sambit ko at pinagkros ang dalawa kong braso.
“Good.” Sambit ni Fyi at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
Sa aming magkakaibigan ay si Fyi ang taga saway sa amin. Daig niya pa nga nanay ko eh kung maka saway sa akin.
Isang lesbian si Fyi, natuklasan niyang lesbian siya dahil nung bata pa kami ay hindi talaga siya na attract sa mga lalaki kahit anong gawin niya bagkus sa babae siya na attract.
Umiwas nalamang ako ng tingin at tumingin sa malayo. "Hey girls." Napabalikwas ako ng tingin ng marinig ko ang boses na'yun.
“Oh, andito na pala ang prince charming ni ate girl.” Tinignan ko ng tingin si Fyi at inirapan.
Tumawa si Jiyo sa sinabi ni Fyi. Nadako ang tingin niya sakin at umupo. “Upo na ako ah.” Sambit niya kaya naman napatawa nalamang ako.
“Hindi na kailangan! Inuna mo pa umupo kaysa magtanong.” Iling na sambit ko. Hindi niya ako sinagot at nakatitig lang sakin.
“H-hoy! Para kang tanga d'yan.” Sambit ko ngunit ngumiti lang ‘to.
Grabe naman Jiyo! Napakagwapo mo, idagdag mo pa iyang dimples mo. Pakiramdam ko mahihimatay ako sayo.
“Hmm, ang ganda mo talaga pag nakangiti.” Sambit niya kaya naman umiwas ako ng tingin nang maramdaman kong nag-init ang dalawa kong pisngi.
“Tse! bolero.” Sambit ko. Tumawa lang ito at pinisil ang pisngi ko.
“Ay sus! Bolero daw pero kinikilig. Galawan talaga ni Mareng Xia oh, hindi ko kineri.” Sambit ni Elaiza kaya naman sinamaan ko siya ng tingin subalit tumawa lang sila.
“Ayiee! Kinikilig! Ehe, ehe!” Pang-aasar nilang dalawa.
“Shut up.” Mariin na sambit ko at sinubsob ang mukha ko sa lamesa upang matago ang mukha ko.
“Tama na nga yan, baka mamaya langgamin ako eh.” Natatawang sambit ni Fyi.
Mga paepal talaga ang dalawang ito.
Hinalamosan ko ang mukha ko dito sa restroom ng bumukas ang pinto kaya naman napatingin ako. Yung babaeng bumangga sa akin noong first day.
Automatic na napangisi ako ng may maisip ako. Ng makapasok ito sa cubicle ay hinintay ko siyang makalabas.
Ng marinig kong bumakas ang pinto ay agad kong hinarang ang paa ko dahilan para matumba siya.
“Oh gosh! Sorry, hindi kasi kita napansin na may tao pala dito.” Ngising sambit ko.
Tumayo ito at seryosong tumingin sakin.
Nagkitbalikat lamang ako, akmang aalis na ako ng harangan niya ang dadaanan ko.Inis na nilingon ko ito. “Alis!” Deretsong sambit ko ngunit tila parang wala itong narinig. “Binge? Uamlis ka d'yan!" Inis na sigaw ko.
Nanlaki ang mata ko ng humakbang ito sakin kaya naman napaatras ako. Patuloy lang ito sa paghakbang kaya naman patuloy lang din ako sa pag-atras.
Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa pader hudyat na wala na akong maatrasan.
Kinorner niya ako gamit ang isa niyang kamay.Lumapit ito sakin at nginisian ako, ngising sakrisikto. “Gusto mo maglaro? Sige, pagbibigyan kita.” Bumulong niya saking tenga. Naramdaman kong lumambot ang aking tuhod.
Ngumisi siya bago ako iwan doon. Doon ko lang din namalayan na tumigil pala ako sa paghinga, napa-upo ako sa sahig.
Bakit ba ako kinakabahan?
“No, bakit ka naman matatakot? No, no, Xia. Hindi ka dapat matakot. Ako si Xiara Kim Santevilla at walang sino mang kaya bumangga sakin." Pilit kong pagkalma sa aking sarili.
Anong akala mo magpapatalo ako sa iyong babae ka? Hindi.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...