Chapter 46

171 4 0
                                    

Xiara Kim's POV

"Yes, tapos na rin! Makakain na rin mga bulate ko sa tiyan." Abot langit na ngiti ni Elaiza ng makalabas kami sa classroom, kakatapos lang ng pang-apat naming period.

"Ikaw naman pumila ron, nung nakaraan pa ako laging pumipila." Reklamo ni Fyi na ikasimangot naman ni Elaiza.

"Bakit ako? Pumila ako kagahapon ah! Si Xia naman-" Tumingin siya sa akin at dinuro ako. "Hoy, hindi ka pa pumipila ah!"

Ngumiti lang ako at umatras. "Sorry pero hindi ako sasabay sa inyo ngayon." May halong pang-aasar sa tono ko.

"Huh, bakit?" Tanong kagad ni Fyi sa akin, may pataas pa ng isang kilay na para bang kine-question ang anak kung saan maglalayas.

"Secret, no clue!" Nakangiti kong giit. "Kaya bye, mauuna na ako!" Umalis na ako at kumaway sakanila.

Humabol pa ng sigaw si Elaiza sa akin pero hindi ko na pinansin, ang kailangan kong pagtuonan ng pansin ay kung nasaan ngayon si Babaita. Siguradong-sigurado ako na siya 'yun.

Kitang-kita ko lahat, nasa harapan siya ng locker ko-nagulat siya ng makita ako, at may dalang chocolates na laging binibigay sa akin nung secret admirer ko kuno. Subukan niya lang na sabihin niyang hindi siya ang secret admirer ko dahil nakita ko na lahat ng ebidensya—bigla akong napahinto sa paglalakad.

Pero bakit? Napaisip ako, bakit siya ang secret admirer ko? Ibig sabihin non gusto niya ako? Bakit? Hindi bat galit siya sa akin, may sama ng loob siya sa akin kaya bakit?

Napuno ng katanungan ang sarili ko na si Babaita lang ang makakasagot, kailangan ko na siyang makita para masagot lahat ng katanungan na bumabagabag sa utak ko.

Kung kanina ay naglalakad ako ay ngayon tinakbo ko na, baka hindi ko siya maabutan sa classroom niya. Mahirap pa naman siya makita, kung saan-saan nagtatago. Habang tumatakbo ako ay nakita ko siyang naglalakad, napangiwi ako at binilisan ang aking takbo para makahabol sakaniya.

"Hoy, babaita!" Sigaw ko, kahit alam kung pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante dito sa hallway ay hindi ko sila pinansin.

"Babaita!" Nang makalapit ako sakaniya ay agad kong hinawakan ang balikat niya at pinaharap sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Hoy, alam mo bang kanina pa kita tina-" Napatigil ako sa pagsasalita. "-tawag.." Mahinang dugtong ko sa sinasabi ko.

"Ano?" Mabilis akong umatras at yumuko. "Anong sabi mo? Huh!" Napapikit ako ng sumigaw si Mrs. Gin, ang pinaka terror na teacher sa campus.

"Pasensya na po, akala ko po ikaw yung hinahanap-" Pinutol niya ang aking sinasabi.

"Alam mong pinagbabawal na tumakbo sa hallway, hindi ba?" Napakagat na lamang ako sa aking labi, ah patay na..

Kinikilala ako ng lahat na sikat, maganda, mayaman, at matalino kaya nire-respeto ako kahit ng mga guro, pero siya? Ah! Siya lang talaga ang teacher na sobrang init ng ulo sa akin.

"O-opo.. pasens-" Muli niya na namang pinutol ang sinasabi ko, as usual.

"Manahimik ka, sundan mo ako." May tindig at sungit na giit niya sa akin.

Tumungo ako at tinignan siya, pinandalatan niya ako ng mata at tinarayan bago siya tumalikod upang maglakad na ikinangiwi ko. Lahat nalang talaga kailangan gawan niya ng eksena, kainis!

Sumunod ako sa paglalakad niya, alam ko na kung saan niya ako dadalhin. Saan pa ba? Edi sa guidance office, hindi naman na bago 'to para sa akin. Ilang beses na akong dinadala ng babaeng 'to ron, lahat ng ginagawa ko mali para sakaniya.

Lumabas lang ako ng classroom para pumunta sa restroom tapos nung nakita niya ako sinasabi niya na nag-cutting daw ako! Kapag sasabihin ko yung side ko bigla nalang siyang sisingit, papansin.

Sobrang laki ng galit sa akin ng matandang 'to, wala kasing asawa eh. Inirapan ko siya mula sa likod niya, nakakainis siya! Marami tuloy na estudyante ang nakakita, gagawan niya pa kasi ng eksena eh.

Imbes sa guidance office niya ako dinala, nagulat ako ng sa faculty niya ako dinala. Himala, bakit sa faculty nila niya ako dinala?

Bumati ako sa mga ibang teacher pagkapasok namin sa faculty at sinundan siya hanggang sa table niya.

Pinanood ko siyang umupo, hindi niya ako pinansin at nilapag ang mga gamit niya sa table niya. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi niya pa rin ako pinapansin.

Anong gagawin ko rito? Panoorin siya?

Tinignan niya ako habang nakataas ang isang kilay, tinarayan niya ako.

“Pumunta ka sa gym, maglinis ka ron.”

Tumaas ang isa kong kilay. “P-po? Sa gym po?” Paglilinaw ko kung tama ba ang narinig ko.

“Oo! Maglinis ka ron, aba! Larga!” Sigaw niya sa 'kin at tinaboy ako.

Nakanganga akong nakalabas sa faculty. Sa gym ba talaga ako maglilinis? Sobrang laki non eh tapos ako lang?! Kaya naman pala sa faculty ako dinala dahil mas malala pa sa guidance office ang ipaparanas niya sa 'kin.

Nagdadabog at nakasimangot akong pumunta sa gym. Binuksan ko ang pinto ng gym, at napaupo sa sahig.

“Sobrang laki ng gym na ‘to! Nakakainis naman ‘yang teacher na ‘yan..” Pagmamaktol ko.

Wala rin akong nagawa at tumayo na sa pagkakaupo. Kumuha ako ng mop, buti nalang at may kalakihan ang mop namin—dahil kung hindi? Siguro aabutin ako ng gabi rito.

Naglalakad ako papunta sa dulo para don magsimula ng may taong sumagip sa paningin ko.

Bumalik ako sa pwesto na ‘yun at nilingon siya. Andito siya! Agad akong umakyat sa taas kung nasaan siya. Ihanda mo na lahat ‘yang mga sagot mo sa tanong ko.

Tumayo ako sa harapan niya at mukha namang napansin niya kagad ako. Nakangisi akong tumayo sa harapan niya at hinawi ko ang aking buhok.

“Alam mo...” Napangiti ako pero pinipilit ko ang sarili ko na ‘wag sobrang ngumiti.

“Kung talagang gusto mo 'ko, hindi mo naman kailangan gawin ‘yun.. grabe rin ‘yang mga ginastos mo..” Umiwas ako ng tingin habang sinasabi lahat ng ‘yun.

“Akala ko galit ka sa 'kin pero mukhang... kaya mo lang ‘yun ginagawa sa 'kin dahil nagpapansin ka. You know, hehe..” Kinagat ko ang aking labi.

“Huh?”

Tumingin ako sakaniya. “Anong ‘huh’?” Nagtataka kong giit.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon