Xiara Kim's POV
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako sa aking kwarto. Andito ako sa condo, ayoko munang umuwi sa bahay dahil hindi ko lang kakayanin ang sasabihin sa akin ni Mom.
Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. Iniisip ko pa rin ang nangyare kanina, nakulong na ang mga lalaking sumubok na gahasin ako. Ang totoo niyan, nagpapasalamat ako na andon siya dahil kung hindi..
Umiling-iling ako. Ayokong isipin ang sakaling mangyare kung hindi siya dumating. Naka ilang kuskos na rin ako sa aking sarili, kahit ilang kuskos na ang aking ginawa ay nandidiri pa rin ako sa aking katawan.
Tumayo na ako ay bumalik na muli sa kwarto. Tama na ang pag-iisip ko tungkol don, mas mabuting ipahinga ko muna ang sarili ko dahil uminom din ako kanina at medyo sumasakit pa ang aking ulo.
HABANG naglalakad ako ay puro tanong sila kung maayos lang ba ako. Grabe ang bilis kumalat ng balita.
Napahinto ako ng humarang si Jiyo sa dinadaanan ko, "Shit! Are you okay?" Sambit niya kaya nakangiting tumango ako.
"Yeah, I'm okay." Sambit ko, nagulat ako ng yakapin niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako kung saan.
Binitawan niya lang ang kamay ko ng makarating kami sa garden. Umupo kami sa bench.
"Bakit mo ako dinala dito?" Nagtatakang tanong ko. Nakakapagtaka lang dahil sa garden niya ako dinala kung saan wala masiyadong tao.
"A-ah, Xia?" Utal-utal na giit niya.
"Hm.?" Sagot ko.
Humugot siya na naoaka lalim na bugtong hininga at humarap sa akin. "P-pwede ba kitang ligawan?" Sambit niya at umiwas ng tingin kaya nanlaki ang mata ko.
Masaya ako pero bakit ngayon pa? Kung kailan nagdudusa ako ngayon. Pero matagal ko ng hinihintay ang araw na ito, ang tanongin niya ako.
"Oo.." Sa totoo niyan, hindi ko alam kung masaya ba ako o ano? Pakiramdan ko kase parang hindi ko ramdam.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang sambit ni Jiyo kaya napatango ako, "Yes!" Sigaw niya at niyakap ako kaya natawa ako.
Tinugon ko ang yakap niya. Pakiramdam ko talaga ay hindi ako ganon kasaya, ewan ko ba kung bakit..
Ako na mismo ang bumitaw sa yakapan namin at tinignan ko siya. Napangiti ako. Kung titignan ang mukha niya ay para siyang nakatapos ng isang misyon dahil sinagot ko siya.
Napatingin ako sa dereksyon na may tumikhim, seriously? Pati dito. Hindi ko nalang pinansin si Babaita, ano bang problema non at talagang napakalakas pa kung tumikhim? Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.
"Tara na, malapit na magsimula ang klase." Nakangiting sambit ko at tumango naman siya kaya umalis na kami don.
Hinatid ako ni Jiyo sa classroom ko. "Bye. Sunduin kita dito mamayang recess."
"Okay, hihintayin kita dito." Binitawan niya ang kamay ko at kumaway sakin.
Pumasok na ako sa classroom at hindi na pinansin sila Elaiza. Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon kahit wala pa sa kalahati ang nagagawa ko ngayon.
Hindi na nila ako inabala pa kausapin dahil panigurado ay halata naman sa mukha ko na ayokong makipag-usap.
Tahimik ako hanggang dumating ang recess. Inaya na ako nila Fyi bumaba pero hindi na muna ako sumama sakanila dahil susunduin pa ako dito ni Jiyo.
Hindi naman kagad nagtagal ay dumating na si Jiyo. Lumabas ako ng classroom. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko pero hindi na ako umangal pa.
Magkahawak kamay kami ni Jiyo habang papunta sa cafeteria. Rinig na rinig ko ang bulongan nila habang naglalakad kami ni Jiyo papuntang cafe ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.
Napag-isipin namin na hindi muna kami sasama kila Elaiza sa table. Umupo na ako sa table at siya na ang nagpresenta na kumuha ng pagkain. Tahimik lang akong naka upo don habang rinig ko ang mga bulongan nila sakin.
Hindi naman nagtagal ay dumating kagad si Jiyo. Panigurado ay pinasingit siya ng mga estudyante don. Nag-usap lang kami tungkol sa nangyare kagabi, ang totoo niyan ay ayokong pag-usapan ang nangyare non pero sadyang makulit siya tungkol sa nangyare don.
"Xia, free ka ba bukas?” Tinignan ko siya. Halata sa mukha niya ang pamumula.
“Oo, wala naman akong gagawin bukas. Bakit mo na tanong?” Sambit ko at kumagat ng tinapay.
“Yayain sana kita..” Umiwas siya ng tingin. “You know.. date.” He's so cute.
“Sure. Anong oras ba?” Nakangiti kong sagot sa kaniya.
“Alas dos. Susunduin kita sainyo.” Tumango ako.
KANINA pa ako tinatanong ni Elaiza kung bakit hindi ako sumunod kanina sakanila. “Kasama ko si Jiyo, okay?” Sagot ko para matapos na siya kakatanong pero sadyang makulit talaga ang babaeng ito.
“Bakit?” Bumuntong hininga ako. Wala talaga akong takas sa tanong ng babaeng ‘to.
“Niyaya niya ako para mag-date. Nililigawan niya na ako, okay na?” Sambit ko.
Nanlaki ang mata niya at hinawakan ng mahigpit ang balikat ko. “O-oh my! Totoo ba?! Sawakas!” Niyugyog niya ako kaya pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sakin.
“T-totoo ba? Xia.” Lumingon ako kay Fyi ng tanongin niya ako.
Ngumiti ako. “Oo, gusto ko na nga sagotin eh!” Tumawa ako ngunit natigil din kagad iyon ng makita ko ang itsura niya.
“Ganon ba? Buti nga at tinanong ka na.” Pilit na ngiti ang ginawad niya sakin.
Pakiramdam ko ay hindi siya masaya. Nararamdaman kong may bumagabag sa kaniya pero hindi niya lang ma sabi, kung ano man iyon ay sana hindi nito masisira ang pagkakaibigan namin.
“So, ano? Anong plano mo sa date niyo?” Panunukso ni Elaiza. “Gusto mo ako mag-make up sayo?” Hinampas niya ang balikat ko kaya ginantihan ko rin siya.
“Hindi na, baka ma stress lang ako pag andon ka!” Inirapan ko siya.
“Apaka choosy naman nito.” Tinalikuran niya ako at pinagkros ang kaniyang braso.
“Ako pa ba? Tara na, hindi pa ba tayo uuwi? Uwing-uwi na ako.” Sambit ko sakanila.
“Anong uwi? May project pa tayong gagawin, ano ka ba.” Napahawak ako sa aking sintido. Oo nga pala! Ano ba yan, gusto ko ng umuwi eh.
“Saan tayo gagawa?” Tanong ko sakanila.
“Sa amin nalang, total hinahanap na rin kayo ni Mama eh.” Tumango ako sa sinabi ni Fyi.
“Ayon! Miss ko na rin si Tita, tara na!” Hinila kaming dalawa ni Elaiza palabas ng building.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...