Xiara Kim’s POV
“H-huh?” Tanging salita na lumabas sa bibig ko habang nakatitig sakaniya.
“I said I will help you, why are you carrying so much?” Mahina kong kinurot ang sarili ko para bumalik sa wisyo.
“A-ano naman?” Sambit ko at kinuha ang mga gamit ko na nahulog.
“I will take care of that.” Kinuha niya ang mga gamit ko at isang bag lang ang dala-dala ko.
“A-andami niyan, kaya mo ba yan?” Sambit ko at akmang kukunin ko na ang mga gamit ko na dala-dala niya ay inilayo niya sakin.
“Nah, I can carry it all.” Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango.
Anong nakain ng babaeng ‘to at bigla akong tinulongan?
“Ihahatid mo pa ba ako? Baka ma late ka.” Sambit ko habang naglalakad kami.
“Hindi mo pa ba alam?” Napataas ang kilay ko, alam saan?
“Tungkol saan?” Tanong ko.
“Magkasama tayo ngayon sa iisang classroom, so bali don kami sa classroom niyo kasi absent ngayon mga subject teacher namin.” Napatango na lamang ako.
“So.. magkaklase tayo ngayon?” Tumango siya at hindi na nagsalita.
Habang naglalakad kami ay ramdam ko ang mga mata ng mga tao, siguro ay nagtataka sila kung bakit kami magkasama. Hindi ko naman sila masisi, kahit ako ay nagtataka kung bakit niya ako tinutulongan.
Hanggang sa makarating kami sa classroom ay hinatid niya pa sa upuan ko ang mga gamit ko.
“Thank you, uhm..” Tumingin ako sakaniya at agad din napaiwas.
“What?” Sambit niya habang binababa ang mga gamit ko.
“Ililibre sana kita mamayang recess, h-hoy! Huwag kang mag-isip ng kung ano ah? Pasalamat ‘to sa pagtulong sakin.” Napahawak ako sa batok ko habang umiiwas na tumingin sakaniya.
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko siyang mahinang tumawa. “Wala naman akong iniisip na kung ano. Pero sige, I will look forward to that later.”
“S-sige..” Mahinang giit ko.
Umalis siya sa harapan ko at umupo sa likod. Dahan-dahan akong napaupo sa upuan ko at gulat na gulat sa nangyare, DID SHE REALLY LAUGH? I mean hindi naman ganon na tawa na malakas pero tumawa pa rin siya.
Nagtataka rin ako, bakit parang ganon yung trato niya? I mean diba magka-away kami at kinaiinisan namin ang isa’t isa dati pero ngayon para nalang kaming magkakilala na walang gantihan na naganap.
Napatigil lang ako sa pag-iisip ng dumating na ang aming guro. “Good morning class.” Tumayo kami at bumati ng pabalik.
“Like I said last Tuesday, we will have a project partner.” Giit niya at umupo. “At dahil maganda ang araw ko ay kayo na ang pumili ng kasama ninyo, paalala dalawa lamang!”
Dahil sa sinabi ng aming guro ay nagsihiyawan ang mga kaklase ko. Hays sawakas, pwede na ako makapili ng magiging kasama ko.
“Oh sige na, ‘wag na muna maingay.” Sambit ng aming guro ngunit mukhang hindi nila narinig dahil abala sila sa mga magiging kasama nila.
“Hoy, makinig muna!” Nanahimik lamang ako sa gilid dahil pag nasira pa ang mood nito madamay pa ako, mahirap pa naman siya pag nagalit.
Lumingon ako Fyi na abala rin sa mga taong napunta sakaniya, saan pa ba? Edi para makasama nila. Naramdaman niya ang tingin kaya lumingon siya sakin, sinenyasan ko siya na paalisin yung mga nakapalibot sakaniya dahil baka sumabog pa ‘tong nasa harapan namin.
Tumango naman siya pero as if naman napaalis niya. Lumingon ako sa aming guro na malapit na nga sumabog, hay ito na naman tayo.
“CLASS! HINDI BA KAYO MAKIKINIG HA?!” Napatakip na lamang ako sa aking tenga dahil sa lakas ng boses niya.
Wala na, sira na ang mood niya.
“MAGSIUPO KAYO!” Mabilis na sumunod ang mga kaklase ko sa sigaw niya. “Kalimutan niyo na ang kayo ang masusunod sa magiging kasama ninyo, jusmiyo! Para kayong nakawala sa mga hawla ninyo kung maka asta!”
Ayan na nga, walang kataposan na daldal na naman. Hay, kailan ba matatapos ‘to?
“Pinagbigyan lang kayo parang na kayong mga hayop na hayok na hayok! Dahil sa mga pinaggagawa ninyo ako ang mamimili, BWESET.” Basta ang alam ko lang ang lutong nung mura.
“Mula sa harapan, bumilang kayo ng isa hanggang dalawa.” Sambit niya at hinampas ang table niya. “Magsimula, bilis!”
“Isa.”
“Dalawa.”
“Ulit muli sa isa! Dalian!”
“Isa.”
Sinubsob ko na lamang ang ulo ko sa desk, mamaya pa naman ako. Masaya na sana kanina kung kami pipili ang kaso ayoko naman piliin si Fyi dahil maiiwan si Elaiza at ang malala pa ay absent siya ngayon.
Itinaas ko ang aking ulo ng marinig ko na malapit na sakin. Tumayo ako, “Dalawa.” Pagkatapos kong masabi yun ay umupo na muli ako.
Ilang minuto pa ang hinintay ko ng matapos sila sa pagbibilang. “Oh, tumayo ang ang mga isa!” Talagang bad mood pa rin siya.
Lahat ng mga isa ay pinag-grupo niya sa dalawa, pagkatapos niyang ma grupo lahat ng isa ay may naiwasan kasi wala ng isa pa pero nag-suggest siya na individual nalang daw siya. Pinayagan naman ng aming guro.
“Mga dalawa, tayo!” Tumayo ako, tumingin ako sa labas ng bintana habang hinihintay ko na matawag ang pangalan ko.
“Xiara at Jeya, kayo ang magkasama. Upo!” Nanlaki ang mata ko saking narinig? Bakit kami pa? “Oh anong pang tinatayo diyan? Upo!”
Agad akong napaupo, ano ba yan! Hindi ako makaangal, bad mood kasi eh. Lumingon ako may Jeya na ngayon pala ay nakatitig sakin kaya napaiwas kagad ako ng tingin.
Wala naman ng problema sa amin ni Jeya, kaya okay na kami. Tama, nakaraan na yun. Wala lang talaga akong magawa dati at inis na inis lang ako sakaniya kaya nakipag gantiban ako sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...