Xiara Kim's POV
Nag-unat-unat ako ng katawan, tapos na rin ang klase. Niligpit ko ang aking gamit, kinuha ko sa bag ang perfume ko at ang make up kit ko. Mag-re-retouch lang ako saglit, pakiramdam ko na sabog ako sa last subject eh.
“Pahingi nga ako, Xia.” Tumango ako, kinuha ni Elaiza ang perfume ko at nagpabango.
Pagkatapos kong mag-retouch ay binalik ko na sa bag ko, nag-powder lang ako at saka naglagay lang ng lip gloss.
“Ngayon kayo gagawa ni Jeya, diba?” Sambit ni Fyi habang nagliligpit din ng mga gamit niya.
“Oo. Sa amin na kami gagawa, baka kasi matagalan ako, mag-alala pa sila Lola.” Sambit ko at sinuklay ang aking buhok.
“Oo nga pala ‘no, lagi kong nakakalimutan. Pupunta pa naman ako dapat sa condo mo sa linggo, buti na sabi mo.” Sambit ni Elaiza, ibinalik niya sakin ang perfume ko.
“Huwag na, kung sakali man na andon ako, gugulohin mo lang ako eh.” Tinarayan niya ako.
“Don ka na nga, baka naghihintay na sayo kasama mo.” Tinarayan ko rin siya pabalik.
Sinuot ko ang aking bag, “Hindi sana masarap ulam niyo mamaya.”
“Hoy!” Natawa ako kay Elaiza.
Umalis na ako at kumaway sakanila. Wala na rin si Jeya sa classroom, kanina pa kasi ang labasan. Natagalan lang talaga ako kasi cleaners din ako at saka nag-ayos pa ako.
Hindi naman ako nahirapan hanapin siya dahil nasa hagdan lang din siya, nakasuot ng headphone habang nakasanday sa pader.
Huminto ako sa paglalakad, tinititigan ko lang siya. Hindi naman sa pagsisinungaling, ang attractive niya d’yan.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mata niya at lumingon sakin. Ibinaba niya ang headphones at humarap sakin.
“Let’s go?” Tumango ako.
Lumapit ako sakaniya, pagkalapit ko ay nauna na rin siyang maglakad. Tahimik lamang kami hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Humarap siya sakin, hawak-hawak ang headphone niya na nasa leeg niya. “Mag-mo-motor ako, diba may kotse ka naman? Susundan nalang kita.”
Tumango ako. “Sige.”
Tumalikod siya at pumunta kung nasaan man ang motor niya, kaya’t pumunta na rin ako kung nasaan naka parking ang kotse ko. Pumasok ako sa kotse, kinuha ko ang susi ko at sinaksak.
Napakunot ang noo ko ng ayaw mag-start ng kotse, ilang ulit ko sinubukan ngunit wala pa rin. Lumabas ako ng kotse upang tignan kung may sira.
Napahawak ako sa ulo ko. Bakit ngayon ka pa nasira! Lumapit sakin si Jeya, nakasakay sa motor niya.
“Anong nangyare?” Lumingon ako sakaniya.
“May sira kotse ko, ayaw mag-start.” Sambit ko. “Ibibigay ko nalang sayo yung address, mag-co-commute nalang ako.”
Kumuha ako ng papel sa bulsa ko at ballpen, buti nalang ay may papel at ballpen akong laging dala. Isinulat ko ang address, pagkatapos kong isulat ay binalik ko ang papel at ballpen sa bulsa ko.
Humarap ako sakaniya at inilahad ang papel na nakasulat ang address ko. “Oh, alam mo naman na ata yan.”
Napataas ang kilay ko ng mapansin na wala siyang balak na kunin. “Kukunin mo ba o hindi?” Medyo inis na giit ko, kanina pa kasi nakalahad kamay ko.
Inalis niya ang helmet niya kaya napakunot ang noo ko. Nagulat ako ng isinuot niya sakin ang helmet niya.
“Sakay. Mag-co-commute ka pa, pwede namang umangkas ka nalang sakin.” Sambit niya. “Sakay na.”
Natameme ako, sinong hindi?! “S-saglit, kukunin ko lang gamit ko.” Tumakbo ako papunta sa pinto ng kotse ko.
Gusto kong sumigaw pero hindi pwede, andiyan lang siya. Hindi na ako nagtagal at kinuha ko na ang bag ko, sinarado ko ang kotse at bumalik sakaniya.
“Bilis, sakay na.” Kahit na gusto kong matuwa, maiinis talaga ako dahil sa tono niya eh.
“Oo na, ito na.” Humawak ako sa upuan at sinubukan umakyat, tangina naman! Bakit ba ang taas ng motor niya?
“Humawak ka kaya sa balikat ko, pano ka makakakuha ng suporta diyan sa upuan.” Inirapan ko siya kahit alam kong hindi niya makikita dahil sa helmet na suot ko.
Maarte akong humawak sa balikat niya at sinubukan na maka akyat pero hindi ko pa rin magawa.
“Ayusin mo kaya ‘yang hawak mo, ang arte ah. O baka naman gusto mong buhatin pa kita?” Kita ko ang pagporma ng labi niya ng ngisi.
Nanlaki ang mata ko at kumapit ang ayos sa kaniyang balikat at success na naka akyat sa napakataas na motor niya.
“Ayan, kailangan ka pa talagang balaan eh.” Sambit niya, ini-start niya ang motor niya.
“Shut up.” Urat na sambit ko at pinagkros ang aking braso.
“Ay!” Napasigaw ako sa gulat ng biglaang niyang pinaandar ang kaniyang motor kaya napahawak ako sa baywang niya ng biglaan.
“Ayan kasi,” Halata sa tono niya na nang-aasar siya. “Humawak ka kasi.”
“Bweset ka talaga!” Hinampas ko siya sa balikat niya at mahigpit na humawak.
Hindi ko alam kung mabilis ba pagkakatakbo niya o dahil hindi lang ako sana’y makasakay sa motor. Rinig na rinig ko ang hangin na humahampas sa amin.
“Bagalan mo naman magpa-andar!” Sigaw ko dahil sa lakas ng hangin.
“Pinagsasabi mo eh mabagal na nga ito.” Tumaas ang kilay ko.
Mabagal na ‘to? Eh parang kinukuha na ang kaluluwa ko sa bilis eh! “Gago ka ba! Babaita naman eh.” Pakiramdam ko maiiyak ako sa takot nito eh.
“Humawak ka ng ayos.”
“Ha?! Sobrang higpit na nga ng hawak ko—” Nanlaki ang mata ko ng mas bumilis ang pagpapaandar niya.
Sinanday ko ang pisnge ko sa likod niya, mas yumakap ako ng mahigpit sa baywang niya at ipinikit ang aking mata.
“Nakakainis ka talaga! Humanda ka sakin pagkatapos nito, babaita!” Rinig na sa tono ko na paranag maiiyak na ako ngunit imbes na awa ang marinig ko, tumawa pa!
“Huwag kang iiyak.” Rinig na rinig ko ang paghalakhak niya.
“Sinusumpa kita, babaita!” Sigaw ko sakaniya. “M-malayo pa ba tayo?”
“Siguro? Hulaan mo—” Kinurot ko siya sa baywang niya. “—aray! Oo, malapit na.” Giit niya habang natawa.
“Umayos ka talaga!”
“Huwag kang pumikit lang diyan, tignan mo oh! Ang ganda ng view oh.” Dahan-dahan kong minulat ang aking mata.
Nag-letter ‘o’ ang labi ko ng makita ko ang sinasabi niya. Kitang-kita ko ang mga ilaw na galing sa mga building at ang dagat.
“Wow...” Bulong ko habang pinagmamasdan ang kagandahan na nakikita ko ngayon.
“Gusto mo bumalik tayo dito?” Natuon ang atensyon ko sakaniya.
“Huh?” Nagtatakang giit ko.
“Wala. Humawak ka na ng ayos, malapit na tayo.” Sambit niya at pinaandar ng mabilis ang motor niya kaya napahawak ako ng mahigpit muli sa baywang niya.
Hindi na ako pumikit ngayon at pinagmamasdan lang ang view na nakikita ko hanggang sa makalagpas kami.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...