Jeya Lee's POV
"Antagal naman ata ni Xiara?" Nagtatakang sambit ni Elaiza. Andito kami sa table nila, kanina pa siya salita ng salita habang hinihintay si Xiara.
"Ang sabi niya kanina kay Eila ay mag-restroom lang siya." Sambit ni Fyi.
"Puntahan ko lang—" Tumayo ako at sinenyasan na ako na.
"Isaba'y ko nalang, pupunta rin akong banyo." Sambit ko at hindi na hinintay ang sagot nila at pumunta sa restroom.
Kinatok ko ang unang cubicle pero walang tao don, "May tao dito!" Umalis ako sa pangatlong cubicle at kumatok sa pang-apat at ganon din dahil may tao rin don.
Pumunta ako sa panglima pero walang tao don, lumabas ako ng restroom at lumabas ng mansyon. Hindi naman nila ako napansin kaya tuloy-tuloy lang ako sa paglabas.
Pumunta ako sa garden ngunit wala rin siya don kaya lumabas ako ng mansyon at naglakad-lakad nagbabakasakaling andito rin siya.
Nasa liblib na street na ako pero hindi ko pa 'din siya makita "Umuwi na siguro 'yon." Bulong ko at akmang lalagpasan ko na ang street na ito ng makarinig ako na pamilyar na boses.
"I'm Mr. Loverman and I miss my loverman." Sumilip ako sa street na iyon ng makarinig ako ng nakanta. Si Xiara, andito lang pala siya.
"I'm Mr. Loverman oh and I miss my loverman..." Nakaupo siya habang may buhat-buhat na aso. Lumapit ako sakaniya na ika gulat niya dahil sa biglaan kong paglapit.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Nakatayo?" Inirapan niya ako na ika ngisi ko. "Dahil sayo. Hinahanap ka na nila, hindi ko naman alam na andito pala yung restroom."
"Tsk! Ano ba? Pumunta ka lang ata dito para mang-inis." Umupo ako sa tabi niya, ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa.
"Hindi naman kita iniinis eh, ikaw mismo naiinis." Sambit ko. "Hindi ko alam na maganda pala ang boses mo."
"Alangan hindi ko naman sinabi sayo." Napailing-iling nalang ako.
"Seryoso ako." Ipinakita ko sa kaniya ang aking mukha para mas maniwala siya na hindi ako nagsisinungaling.
"Talaga?" Tumango-tango ako. "T-thanks." Umiwas siya ng tingin na ika tawa ko.
"Tara na. Hinihintay ka nila don baka biglang magtawag na ng polis ang mga yun kakahintay sayo." Sambit ko, tumayo ako.
"Ang OA ha? At saka ayoko pa. Mamaya na ako babalik don." Giit niya. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at umupo muli.
"Bakit andito ka pa? Hindi ka ba babalik don?" Tumingin siya sakin.
"Sasaba'y ba ako sa iyo. Mahirap na, habulin ka pa naman ng pahamak." Sambit ko at tumingin sa kaniya.
"G-grabe ah! Hindi naman sa sobrang habulin ako." Sigaw niya na ikagulat ng aso. "Ay sorry." Paghingi niya ng paumanhin sa asong buhat-buhat niya.
"Talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano... Oo." Palihim akong tumawa. Grabe, hindi daw siya habulin ng gulo. Eh kahit ata saan siya magpunta ay dala-dala niya ang gulo.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Ilang minuto kaming ganon kaya ako na ang nagbasag ng katahimikan na iyon.
"Matanong ko lang.." Pagsisimula ko.
"Ano?" Tumingin siya sakin.
"Ay 'wag na pala." Kumunot ang noo niya at salubong ang dalawa niyang kilay.
"Ano nga?" Medyo iritado niyang giit.
Actually, wala naman talaga akong itatanong. Gusto ko lang siya inisin.
"Wala."
"Sabi mo may itatanong ka?" Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kaniya. "Pumunta ka lang ata dito para gulohin ako eh!"
"Bingo." Taas kilay kong sambit.
Mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay at dahan-dahan inilapag ang aso sa sahig.
"Bahala ka sa buhay mo!" Padabog siyang umalis at iniwan kaming dalawa ng aso.
Natawa nalang ako dahil sa pagdadabog niya. Tumingin ako sa aso at hinawakan ang ulo nito, napangiti ako. Kinuha ko ang aso, magtatanong-tanong ako kung may nagmamay-ari ba ng aso na ito.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...