Chapter 40

572 13 1
                                    

Xiara Kim's POV

Ilang oras na rin kami nagawa, malapit na rin namin matapos. Tumayo ako at nag-unat ng katawan, grabe! Sakit na ng likod ko. Ang pangit kasi ng posture ko eh, samantalang yung isa straight na straight yung pagkaka-upo.

“Kukuha lang ako ng snacks.” Sabi ko, tumango lang siya. Lumabas ako ng kwarto, bumaba ako sa sala.

Madilim na pala sa labas, anong oras na ba? Hindi ko na napansin yung oras eh. Pumunta akong kusina, kumuha ng cookies na gawa namin ni Lola.

Habang nagsasalin ng maiinom namin ay lumingon ako sa orasan, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang oras. Binitawan ko ang baso at gulat na gulat tinignan ang orasan.

“11 na ng gabi?!” Hindi ko makapaniwalang giit. Ganon ba kami ka-focus sa pag gawa ng project at hindi na namin napansin ang oras.

Nilagay ko sa tray ang mga pagkain at inumin na kinuha ko, umakyat ako sa taas dala ang tray. Hindi na ako nahirapan pa pumasok dahil iniwan ko naman itong bukas ang pinto kanina.

“Babaita,” Tawag ko sa pangalan niya, nilapag ko ang tray sa lamesa. “Hindi mo ba napapansin yung oras?”

“Huh, hindi.” Sambit niya, kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone at tinignan ang oras. “Shit!”

Oh diba, pati siya na gulat. “Hindi ka pa ba uuwi? Baka mapagalitan ka ng magulang mo n’yan.”

“Hindi naman sila magagalit, they used to it.” Tumango ako. “I will go home na, bukas nalang natin taposin.”

“Buti pa nga, ihatid na kita sa labas.” Sambit ko, sinuot ko ang sweater ko. Malamig kasi sa labas eh.

Habang sinusuot ko ang sweater ko ay nililigpit niya naman ang mga gamit niya. Hinintay ko siyang matapos at lumabas na kami ng kwarto ko.

Nauna na akong maglakad sakaniya, binuksan ko ang pinto at laking gulat ko na sobrang lakas ng ulan.

“Hala.” Sambit ko, tinignan ko ang labas. Medyo bumaha na rin, hindi ko man lang napansin na naulan na pala. Hindi kasi rinig ang ingay sa labas dito sa bahay nila Lola.

“Uuwi ka pa ba? Ang lakas ng ulan oh.” Tumingin siya sakin, pakiramdam ko matutunaw ako sa tuwing tinitignan ko ang mala tsokolate niyang mata.

“Of course, I don't have choice naman.” Napakamot ako sa batok ko, hahayaan ko ba siyang umuwi?

Naka-motor pa naman siya, baha rin. Baka madulas siya o kaya naman ma-aksidente! Hay, gabi na nga tapos ang lakas pa ng ulan. Talagang pinagsabay eh.

“Uh..” Tinignan ko siya, “Dito ka nalang matulog, gabi na rin oh at saka sobrang malakas pa ng ulan. Baka ano pang mangyare sayo.”

Ilang saglit siyang tumitig lamang sakin, pumorma ang ngisi sakaniyang mapulang labi na para bang inaakit ako.

“Why? Are you worried?” Napataas ang isa kong kilay. Nanatili sa labi niya ang ngisi, dahan-dahan siyang lumapit sakin na ika-atras ko.

Anong ginagawa ng babaeng ‘to?! “H-ha? S-syempre! Pano nalang pag na disgrasya ka? Edi ako pa masisi, at saka lumayo ka nga! B-bakit ka pa na lapit!” Pakiramdam ko hindi ko na alam kung anong lumalabas sa bibig ko.

Mas lalong lumaki ang porma ng ngisi siya, sa ilang pag-atras ko pa ay tumama sa hita ko ang pinto, tanda na wala na akong ibang mauusogan.

Nanlaki ang mata ko ng sobrang lapit na namin sa isa’t isa, umiwas ako ng tingin at ipinikit ang aking mata.

Dito na ba ako bibigay? Huwag naman..

Ilang saglit akong naghintay ngunit wala akong naramdaman na kahit ano kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mata.

Nakalayo na siya sakin, blangko ang tingin sakin. Kumunot ang aking noo, eh ano pala yung paglapit niya sakin kanina?

Nilingon ko ang gilid ko, don ko lang napagtanto na sinabit niya pala ang ang leather jacket niya sa may sabitan sa pinto.

“I-isasabit mo lang pala, bakit kailangan mo pang lumapit sakin ng ganon, ha?!” Pakiramdam ko namumuo ang dugo ko sa ulo sakaniya.

“Ikaw itong atras nang atras eh, hindi ko kasalanan yun. Isasabit ko lang naman yung leather jacket ko tapos ikaw naman atras nang atras.” Giit niya na para bang wala lang.

Tinamaan ako ng hiya, ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko sa hiya. “Ewan ko sayo!” Inis na sambit ko at umakyat sa taas.

Inis na nilingon ko siya na nasa baba, “Umakyat ka dito! Ihahatid kita sa tutulogan mo!”

Hindi ko na tinignan kong sumunod siya sakin, bahala siya buhay niya! Pumunta ako sa guest room, binuksan ko ang pinto.

“Dito ako matutulog? Hindi sa kwarto mo?” Tumaas ang kilay ko, ay aba!

“Literal, alangan naman sumiksik ka sa kwarto ko.” Taas-kilay kong giit.

Sumilip siya sa loob ng kwarto, sumimangot siya at tumingin sakin. “I don't want to sleep here, gusto ko sa kwarto mo.” Nakasimangot na sambit niya, sinarado nita ang pinto ng guest room.

“Aba! Hindi naman pwede yun, alangan na magtabi tayo?!” Hindi makapaniwalang sambit ko.

Parang kumakapal ata pagmumukha ng babaeng ‘to? “Eh, ayoko nga eh.” Nakangusong giit niya.

Aba’y, ngumunguso pa! “Kulit mo, ano bang meron sa kwarto ko at gusto mo don?”

“Wala lang.” Tinalikuran niya ako, ang kapal pa at pumunta sa kwarto ko at walang pasabi-sabi na pumasok.

Ginigigil talaga ako ng babaeng ito, akalain mo yun? Makapal din pala ang pagmumukha nito.

Inis na pumasok ako sa kwarto ko at nadatnan ko siyang nakahiga sa higaan ko, ang malala pa ay nakakumot pa!

“Ano ba! Dun ka matulog, ‘wag sa kwarto ko!” Tinignan niya lang ako, tinalikuran pa ako ng paghiga.

“Ayaw.” Napasabunot ako sa buhok ko, mapapamura nalang talaga ako!

Inis na binalibag na sarado ko ang pinto ng kwarto ko, ako nalang mag-a-adjust sa babaeng ito!

Inusog ko ang couch na inipuan namin kanina pabalik sa pwesto, dito nalang ako matutulog kahit na alam kong hindi ako kakasya dito.

Pinagpawisan pa ako sa pag-uusog, pano eh sobrang bigat! Lumapit ako sakaniya, kinuha ko ang unan na ginagamit niya kaya’t inimulat niya ang mata niya.

“Unan ko ‘to! Kung gusto mo ng unan, sa guest room ka matulog!” Inis na sambit ko at tinarayan siya.




The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon