Chapter 43

155 10 0
                                    

Xiara Kim's POV

Bumaba ako para tignan kung nakaalis na ba siya, lagpas sampung minuto na rin kasi nung inalisan ko siya.

Tumaas ang kilay ko ng makitang andon pa siya at may hawak-hawak na libro. Lumapit ako para tignan kung ano ang hawak niya, nanlaki ang mata ko ng makita kung anong hawak niya.

“Hoy! ‘Wag ‘yan.” Agad kong hinablot ang album ko na punong-puno ng mga larawan ko noong bata pa ako.

Niyakap ko ang album, “Umuwi ka na nga don!” Inis na giit ko.

Ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako galit, sa katunayan n’yan ay na hihiya ako dahil nakita niya ang itsura ko noong bata pa ako. Ang dugyotin ko kasi noon, like as in.

Narinig kong tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin, “What?” Taas-kilay kong sambit sakaniya.

“Nothing. It's obvious that you're being shy right now, you don't even look mad at all.” Natatawa pang giit niya.

Tinignan ko siya ng masama at binalik ko kung saan nakatago ang album na punong-puno ng larawan ko noong bata pa ako.

“Umuwi ka na nga, kanina ka pa andito!” Sambit ko habang hawak-hawak sa bewang ko.

Sumimangot siya at inirapan ako. “Just five mi—”

Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya dahil alam ko na kung saan na naman mapupunta ito.

“No! Umuwi ka na, baka gusto mong dito ka na tumira?” Salubong na kilay kong sambit.

Ngumiti siya sakin na para bang pabor na pabor sakaniya na dito siya tumira.

Sinamaan ko siya ng tingin na nagpapahiwatig na magtigil siya, nawala naman ang ngiti niya at na palitan ng simamgot.

“Oo na, uuwi na'ko.” Sambit niya, kinuha niya ang gamit niya.

Sinundan ko siya pinto hanggang sa malabas siya, tignan ko siya habang sinusuot ang helmet niya.

“Hay, sawakas naman.. uuwi na rin siya.” Bulong ko sa sarili ko habang pinapanood siyang sumakay sa motor niya.

Nakasakay na siya, itinaas niya ang salamin ng helmet niya at tumingin sakin kaya agad kong tinaas ang aking kilay.

Kinindatan niya 'ko, “By the way, ang cute mo nung bata ka ah! Dapat sa mga katulad mo tinatapon eh.”

Pagkatapos niya sabihin ‘yun ay mabilis niyang pinaandar ang motor niya. Hindi pa ako nakaka react pero naka alis na siya.

Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto, napatigil ako at napa-isip. Compliment ba ‘yun or insult? Tanong ko sa utak ko.

“Siguro both? But I'll take that as a compliment..” Bulong ko sa sarili ko, napangiti ako.

Kinuha ko ang album, tinignan ko ang mga larawan ko noong bata pa ako. Medyo napangiwi ako, ang dugyotin ko talaga dati. Inilipat ko ang pahina, habang nagtitingin ako ay napatigil ako sa isang larawan.

May kasama akong batang babae. Tinanggal ko sa plastic ang litrato, tinignan kong mabuti. Nakakapagtaka, sino kaya ang babaeng ‘to? Most of all kasi sa mga litrato ko ako lang talaga pero ito may kasama ako.

Ito lang yung litrato na may kasama akong bata, maitanong ko nga ito kila Lola sa pag-uwi nila pero baka matagalan pa sila.

Tumayo ako, ibinalik ko ang album, at nag-unat-unat. Bumalik ako sa kwarto ko upang makinig ng kanta, wala naman akong ibang gagawin eh.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay tumalon ako sa higaan, kinuha ko ang headphones ko at kinonek sa iphone ko.

Pinindot ko ang spotify at nagpatugtog ng kanta ni Conan Gray, ang kanta niyang People Watching. I really love this song, as in.

But I wanna feel all that love and emotion
Be that attached to the person I'm holding.” Pag-awit ko sa kanta.

“Someday, I'll be falling without caution
But for now, I'm only people watching..” At dahan-dahan kong pinikit ang aking mata.


“Kamusta naman yung gawa ninyo ni Jeya?” Giit ni Elaiza, sa totoo niyan ay hindi lang siya ngayon nagtanong dahil kanina pa. Pang-ilang ulit niya na ‘yan na tanong.

“Maayos naman.” Mahina kong tugon sa paulit-ulit niyang tanong.

“Panong maayos?” Ulit na namang tanong ni Elaiza, medyo nakakaramdam na rin ako ng irita dahil paulit-ulit na.

“Alam mo? Gumawa ka nalang kaya diyan, tignan mo wala ka pa ngang na sisimulan oh!” Saway ni Fyi kay Elaiza.

Buti naman sinaway niya si Elaiza, kanina pa kasi siya tanong nang tanong. Aba’y gusto niya atang ikwento ko lahat ng nangyare at ang bawat detalye.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Buti nalang ay madali lang itong gagawin ko dahil alam ko na kung pano i-solve itong math na ‘to.

“Xiara! May naghahanap sayo.” Lumingon ako sa kaklase kong tumawag sakin.

Tumayo ako, niligpit ko ang gamit ko at lumapit sa pintuan kung nasaan ang taong nagtatawag daw sakin kuno.

“Ano ‘yun?” Bungad ko sa estudyanteng hindi pamilyar ang mukha sakin.

“May nagpapabigay po.” Inabot niya sakin ang mga chocolates at flowers, tinanggap ko naman ang mga ito.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. “Kanino ito galing?” Sambit ko.

Lagi naman ako nakakatanggap ng ganito pero nakakapagtaka lang dahil ang chocolates at flowers na natanggap ko ay paborito ko, sila Fyi at Elaiza lang naman ang nakakaalam ng paborito ko.

“Hindi ko rin po kilala eh, pinapabigay niya lang sakin.” Nakangiti niyang sambit, “Alis na po ako, malapit na po magsimula klase namin.”

Tumango ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Bumalik ako sa upuan ko, dala-dala ang mga flowers at chocolates.

“Wow, may na tanggap ka na naman ah? Penge ako.” Akmang kukuha sana si Elaiza ng tapikin ko ang kamay niya. “Aray!”

Inirapan ko siya. “Hindi pwede, favorites ko yung binigay sakin.”

“Damot mo.” Giit niya na para bang batang nagmamaktol.

“Gumawa ka nalang diyan.” Sambit ko at tinalikuran siya.

Tinignan ko ang mga binigay sakin, napansin ko ang papel na nakasingit sa flowers. Kinuha ko iyon at binuklat.

Napangiwi ako ng makitang may middle finger ang papel, walang kahit anong pangalan o letra, middle finger lang na drawing ang nakalagay.

Nakikipag-joke time ba yung nagbigay nito o seryoso? Sino ba naman kasing magbibigay ng flowers at chocolates na mamahalin na merong message na middle finger na guhit?

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon