Xiara Kim's POV
“Kamusta ‘yang secret admirer mo? Walang kapagoran magbigay sayo ah.” Napukaw ng atensyon ko ng magsalita si Fyi.
Ilang araw na ng simulang magbigay sakin itong ‘secret admirer’ ko daw kuno, araw-araw nagpapadala sakin. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o maiinis? Pano na naman kasi, yung mga letter may drawing ng middle finger. It's either middle finger or insults.
Hindi ko alam kung trip lang ba nito eh, pero grabe naman mang trip ‘to. Biruin mo ba naman, mang t-trip ka lang pero yung ginastos mo libo-libo?
Nung una kasing bigay palang mamahalin na rin eh pero bulaklak at chocolates pa lang ‘yun, pano naman ngayon na hindi nalang bulaklak at chocolates ang ibinibigay?
Nagulat nga ako ng magpadala ng branded na bag, hindi lang isa kung hindi tatlo. Kaya kailangan ko talaga malaman kung sino ‘to eh, grateful naman ako sa mga binibigay niya pero sobra na.
Hindi na biro yung pag gastos niya, sobrang laking halata na nito. Kahit afford ko yung mga ganito, pakiramdam ko nanglulumo pa rin ako sa presyo.
Napabalik ako sa wasto ng kalabitin ako ni Fyi, tumingin ako sakaniya. Wala ngayon si Elaiza, kasama yung mga iba niyang kaibigan.
“Kanina ka pa nakatulala diyan sa binigay ng secret admirer mo.” Sambit niya, kinuha niya sa kamay ko ang branded na bag na binigay ng ‘secret admirer’ ko.
“Gusto ko na nga malaman kung sino yung nagbibigay nito eh, sobra-sobra na yung gastos niya.” Giit ko, pakiramdam ko buong problema ng mundo dala-dala ko dahil dito.
“Edi huwag mo nalang tanggapin, madali lang naman ‘yun.” Tinignan pa ni Fyi ng maigi ang branded na bag.
“Oo nga, madaling pakinggan pero ginawa ko na ‘yan! Hindi ko tinanggap pero nagulat nalang ako iniwan na pala sa ibabaw ng kotse ko. Alangan namang iwan ko ‘yun don.”
Kapag hindi ko kasi tinatanggap, dalawa lang ang magiging kinalabasan. Iiwan sa desk ko o kaya makikita ko nalang nasa ibabaw ng kotse ko.
Ayoko namang iwan lang ‘yun don, naghihinayang ako. Sa tuwing tatanongin ko yung mga estudyanteng nagbibigay sakin, puro ‘hindi rin daw nila alam’ ang sagot. Hindi ko rin matyempuhan dahil kada bigay sakin ay paiba-ibang estudyante.
“Laki naman ng problema mo.” Tinawanan pa ako ni loka, imbes na damayan ako.
“Ewan ko sayo, don ka na nga!”
Tinawanan niya lang ako at umalis sa harapan ko para pumunta sa club niya. Na iwan naman akong mag-isa, dinampot ko ang letter ng nagbigay sakin nito.
Binuklat ko, hindi ko pa kasi na titignan ang letter at saka parang ayoko na rin buksan dahil puro guhit ng middle finger lang naman at insults.
Tama nga ako, guhit ng middle finger na naman. Lulukutin ko na sana ang papel ng mapansin ko na may letrang nakasulat sa gilid.
Napataas ang aking kilay, letter ‘L’ ang pangalan. Napaisip ako, may kilala ba akong ‘L’ ang pangalan na may gusto sa 'kin? Kakaisip ko ay hindi ko na alam kung sino sakanila.
Hindi naman sa nagmamayabang ako pero hindi ko lang maisip kung sino sakanila pero parang imposible naman kasi na isa sakanila ang magbibigay sakin ng mga ganitong pasabog.
Napasabunot nalang ako sa 'king buhok. Tanginang problema ‘to!
Jeya Lee’s POV
“Himala, hindi ka na napunta sa mga bar?” Hindi ko pinansin si Sora. “Ano ‘to, bagong buhay lang?”
“Huwag mo 'kong guluhin.” Kalmado kong giit, imbes na manahimik siya at gawin ang dapat niyang gawin ay nagtanong pa talaga.
“Na banned ka sa bar ‘no? O kaya naman may iniiwasan ka ron?” Napairap ako, ang daming dada.
“Wala, ayoko lang pumunta.” Sinarado ko ang librong binabasa ko na ang title ay ‘Red White and Royal Blue’ at tumayo.
“Oh, saan ka naman pupunta?” Tanong niya habang nanguya ng pagkain, napangiwi ako ng may tumalsik.
“Sa kwarto. Mamaya mo na 'ko gulohin pagkatapos ko magbasa.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na.
Hindi ko talaga ang alam kung bakit kami naging magkaibigan, hindi lamang ako ang nagtataka eh; siya rin at ang mga taong nakakasalamuha namin.
Isipin mo ba naman kasi, magkaibang- magkaiba ang personality naming dalawa, siya energetic na para bang hindi napapagod, samantalang ako hirap na hirap ng gumalaw sa buhay.
Umupo ako sa kama, muli kong binuksan ang libro. Naghanap ako ng magandang pwesto at komportableng posisyon para sa oras ng aking pagbabasa.
Kung iisipin, may mga bagay din na magkaparehas kami. Hindi nga lang halata, don na rin siguro kami nagkakasundo kahit wala siyang sawa sa pagtatanong kahit obvious naman na ang sagot at akong walang ibang ginawa kung ‘di sungitan siya.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi man lang siya na papagod sa pagsusungit ko sakaniya, kung iba kasi panigurado matagal na kaming hindi nagpapansinan n'yan sa sobrang pagsusungit ko.
Inalis ko ang mga walang kwentang iniisip ko at binalik ang 'king atensyon sa pagbabasa, nung nakaraan ko lamang ito binili at ngayon ko lang babasahin dahil ngayon lang ako nagkaroon ng free time.
Sa sobrang dami ba naman ng mga pinapagawa ng mga guro, hindi ko nga alam kung kasama pa ba sa lesson yung mga pinapagawa eh.
Saglit akong napatigil sa pagbabasa upang i-annotate ang pahina, pagkatapos ay nagpatuloy ako sa pagbabasa.
Mamaya na 'ko maghahanda ng gagawin ko para bukas, babasahin ko lamang itong libro.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...