Chapter 30

894 21 1
                                    

Xiara Kim's POV

"B-babaita?" Gulat na tawag ko sakaniya. Bakit andito siya? Pano niya nalaman ang lugar na 'to.

Bumalikwas siya ng tayo at may tinago sa likod niya, "Bakit ka nandito?" Takang tanong ko sakaniya.

"Bakit? Pag mamay-ari mo ba 'tong lugar na 'to?" Tumalikod siya sakin at naglakad paalis, problema non? Tinatanong lang naman eh.

Dinampot ko ang maliit na pulang box at tumakbo palapit sakaniya, "Naiwan mo ata." Lumingon siya sakin, mabilis niyang kinuha yung box sa palad ko.

"Thanks." Ng makaalis siya ay tumalikod ako at yumuko.

"A-ano?! Seryoso ka ba d'yan?" Gulat na tanong ni Elaiza, tumango ako sakaniya at nag-alala naman siyang tumingin sakin.

"Nasan na yung Jiyo na yun?" Hinawakan ko sa braso si Fyi at umiling.

"Fyi, 'wag na.. please." Sambit ko. Sinenyasan ko siyang umupo, "Hayaan mo nalang."

"Hayaan? No, Xiara. That jerk hurt you—"

"Fyi, please." Pakiusap ko sakaniya. Bumuntong hininga siya, umupo siya ng maayos at umiwas ng tingin bago ako ismiran.

Nilibot ko ang aking paningin. Mukhang hindi pa kalat ang nangyare sa amin ni Jiyo.

Bumuntong hininga nalang ako at niyaya silang kumain. Tinignan ko si Elaiza dahil kanina niya pa parang pinag-aaralan ako base sa tingin niya.

"Bakit ganiyan ka kung makatingin?" Natatawang sambit ko at umupo sa upuan.

"Real talk, bakit parang hindi ka galing sa break up? I mean, bakit parang wala lang sayo na niloko ka? Diba dapat iiyak ka?"

"H-ha?" Nagulat ako sa sinabi niya. "B-bakit naman ako iiyak? Hindi ko siya iiyakin, hindi niya deserve luha ko."

"Sabagay." Sambit niya at tumayo.

"Ako na mag-order, samahan mo ako Fyi!" Hinila niya si Fyi para samahan siya.

Nakahinga ako ng maluwag ng maka alis sila. Buti nalang may na sabi kagad ako... pero tama si Elaiza, bakit nga ba parang wala lang?

Mabilis din na dumating sila dala-dala ang pagkain, "Punta tayo mamaya sa bar ni Fyi, may broken hearted ngayon eh!" Biro ni Elaiza.

"Oh ayan, 'wag ka ng umangal! Brokenhearted 'yang kaibigan mo 'tas aangal ka pa?! Kaibigan ka ba?" Ninanlakihan ng mata ni Elaiza si Fyi.

"Hindi naman ako aangal eh! Pero sana naman bayaran niyo na yung utang niyo diba?" Sarcastic na sambit ni Fyi.

Nailing nalang ako sakanila, "Punta lang ako sa banyo." Nag-alok pa si Fyi na samahan ko siya pero hindi na ako pumayag pa dahil hindi pa naman sila tapos kumain.

Matapos ko gumamit ay lumabas ako ng cr ngunit nagulat ako ng may humila sakin sa restroom ng panlalaki. Itinulak ako sa banyo na naging kadahilanan upang matumba ako. Pabagsak na isinarado ang pinto at narinig ko ang pag-lock ng pinto.

"W-what!" Agad akong bumangon at sinubukan na buksan ang pinto. "Open this fucking door!"

"No." Napatigil ako ng marinig ko ang boses na yun. "You ruin it.."

"Fuck you!" Kinalabog ko ang pinto. "Open this fucking damn door!" Muli kong sinubukan buksan ang pinto at hinampas-hampas.

Hindi na sumagot muli ang taong nag-lock sakin dito ngayon bagkus narinig ko ang mga yapak.

"Don't leave me here! OPEN THIS DOOR!" Malakas kong kinalabog ang pinto hanggang sa napagod ako.

Napaupo ako sa sahig dahil sa pagod. Sinasabi ko na nga ba, babalikan niya ako. Pagkatapos na pagkatapos ko makalabas dito, ilalabas ko ang baho mo.


Fyinora's POV

"Asan na siya?" Salubong sakin ni Elaiza, umiling ako sakaniya at luminga-linga.

"Wala eh, nilibot na namin yung buong campus pero wala pa rin. Don naman sa restroom walang cctv don, nagpatulong na rin ako sa paghahanap." Sambit ko sakaniya.

"Nasan na naman kaya yun? Talagang habulin ng gulo! Dalawang oras na siyang wala, magtatapos na yung klase. Sigurado ba kayo na hindi siya lumabas ng school?" Umiling ako sakaniya.

"Impossible, don na rin ako galing para tignan sa cctv pero walang bakas niya. Andon pa rin yung kotse niya." Sagot ko sakaniya.

"Baka naman andito lang siya? Lahat na ba ay nilibot niyo?" Sambit ni Elaiza. Napabuntong hininga ako, nasan na naman kaya yung babaeng yun?

"Mas mabuting libutin ulit natin." Sambit ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na paalis.

Hindi naman kaya nagtago lang yun, mas lalo na’t kakahiwalay lang sila ni Jiyo? Baka masakit pa rin sakaniya.


Jeya Lee's POV

"Hindi daw makita si Xiara, magtatatlong oras na." Rinig ko sa babaeng bumulong sa kaibigan niya.

Tumingin ako kay Zane ng marinig ang tunog ng ngumisi siya, umirap siya at tumama ang kaniyang tingin sakin. Nagulat pa siya ng magtama ang aming tingin ngunit agad din yun napalitan ng ngiti.

Tumingin ako sa daan at pumunta sa cafeteria, "Nawawala daw si Xiara." Salubong ni Sora ng makarating kami sa cafeteria.

Nauna na samin si Sora dahil may inayus pa kami, "Talaga?" Gulat na tanong ni Zane.

"Oo, kanina pa nga daw hinahanap eh." Sambit ni Elaiza. "Habulin talaga ng gulo 'yang si Xiara 'no?" Sumang-ayon si Zane.

"Sobra! Grabe, kaloka yung babaeng yun." Umakto pa siya na gulat na gulat.

"Kain na, kumuha na ako habang wala pa kayo." Sambit ni Sora, kumuha ako ng pagkain at sumubo ng noodles.

"Ang pait naman ng noodles nila." Kunot-noong sambit ko.  "Punta lang akong restroom." Tinanguan ako ni Elaiza.

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Zane. "Saang banyo ka pupunta?" Ngiting sambit niya.

"Sa banyo?" Patanong din na sagot ko. "Bakit ka naman biglang pinagpapawisan, magpunas ka. Kadiri naman."

"Ang init eh!" Tumawa siya at pinunansan ang mga pawis sa mukha niya. "Pero saang banyo ka nga pupunta?"

"Sa banyo. Saan mo ba ako gusto pumunta?" Inis na sagot ko dahil kanina pa siya tanong nang tanong.

"Huwag ka sa katabing building na ‘to magbanyo, madumi diyan eh. Don ka nalang sa kabila, mas malinis pa don."

"Sige." Binitawan niya ako at kumaway pa sakin habang naglalakad ako palabas.

Imbes na sundin ko ang sinabi niya ay don pumunta. Ang weird niya kung umasta eh, pakiramdam ko may iba. Kung may gusto yun itago dito, grabe sobrang halata.



The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon