Chapter 29

651 17 2
                                    

Xiara Kim's POV

Kumonot ang noo ko. "Siguro nagwawalis." Pilosopong giit ko. "Edi ano pa ba? Nakatayo sa harapan mo pagkatapos masaksihan na may iba ka palang kinakasama."

"No... It's not like that. I mean—"

Hindi ko na siya pinatapos kung ano man ang sinabi niya. "Hindi na. Malinaw naman na Jiyo, hindi mo na kailangan. Ilang araw mo akong hindi kinausap, hindi sumagot sa tawag ko, at hindi ko man lang nakita. Kaya naman pala hindi ka na uwi sainyo, may little home ka na pala dito. Kasama ang iba mong jowa."

"Please, Xiara.." Hinawakan niya ang kamay ko na agad kong inalis.

"Don't you fucking dare to touch me. Ayokong mahawa ng isang tulad mo." Madiin na giit ko. "Ngayon naman na ay alam ko na kung bakit ka wala, siguro pwede na akong umalis." Ngumiti ako ng pilit sakaniya.

"Baby, bakit naman ang tagal mo?" Nakita ko ang paglaki ng mata ni Jiyo sa palapit na palapit na boses. Napangiti ako, tignan natin kung sino ba ang tao na ito, hindi ako pwedeng magkamali.

"Kanina pa ako naghihintay don—" Lumandat sakin ang taong pinaghihinalahan ko. Ngumisi ako, tama ako.

"Hello, Zane." Nakangiti akong kumaway sakaniya na ika-gulat niya.

"J-jiyo?" Gulat na gulat siyang tumingin kay Jiyo na ngayon ay umiwas ng tingin sakaniya. Lumingon sakon si Zane at ngumiti naman ako ng matamis sakaniya.

"X-xiara, anong ginagawa mo dito?" Mahina siyang tumawa kahit bakat na bakat sa mukha niya ang gulat.

"Bumibisita lang sa little home niyo." Nakangiting sambit ko sakaniya. "Hindi naman na ako magtatagal dito, mahirap na kasi..." Tinignan ko silang dalawa mula ulo't hanggang paa.

"Babe.." Muli sana akong hahawakan ni Jiyo ng umatras ako.

"Oh my.. Jiyo naman, andito yung baby mo, bakit mo nanan ako tatawagin sa pangalan na iyan? Hindi ka na ba nahiya?" Iling-iling kong sambit.

Hindi sila sumagot at nanatiling tahimik. "Mukhang wala naman na kayong sasabihin, aalis na ako." Ngumiti ako sakanilang dalawa.

Tumalikod ako. "Jiyo, mula ngayon ay ayokong marinig ang boses mo na tinatawag ako sa pangalan na yan. Wala ng tayo." Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako don.

Napahawak ako sa poste. Inilabas ko ang lahat na luhang kanina pa gustong lumabas, napaupo ako sa sahig. Mahina kong sinuntok-suntok ang poste.

"Tangina..." Mahinang giit ko. Pakiramdam ko sana pala’y hindi na ako pumunta dito.

Pinunasan ko ang mga luhang nagdadaosdus sa aking pisnge. "Kunin mo." Dahan-dahan akong lumingon sa panyong nasa harapan ko.

"H-huh?"



Jiyo's POV

"What.." Yumuko ako. "So, you are gay?" Dahan-dahan akong tumango.

"Yes, Dad." Sambit ko.

"What the hell Jiyo! You are gay? No, fucking no." Ipinikit ko ang aking mata. "Fix this. I don't want you to be gay. Wala akong anak na bakla, ayosin mo ang sarili mo Jiyo."

"Y-yes, Dad." Mahinang kong sambit.

"Jiyo!"

"Yes, Dad!" Nilakasan ko ang boses ko at tumingin sa aking Ama.

"You know that I am disappointed, right Jiyo?" Umiwas ako ng tingin.

"I know, Dad."

"If you don't fix yourself, you know what I can do." Deretso niya akong tinignan sa aking mata.

"Yes, Dad."

"Get out." Tumango ako at lumabas sa impyernong lugar na yun. Ng makalabas ako ay sinalubong ako ng aking nakakatandang kapatid.

Tinignan niya ako na para bang isa akong nakakadiring basura. "Disgusting." Binangga niya ako at pumasok sa lugar na iyon.

Nanatili akong nakatayo sa lugar na yun habang pinakikinggan ang pinag-uusapan nila. "You can trust me, Dad. I am not like that shit."

"Make sure you will not disappoint me."

"Of course, Dad."

Ipinikit ko ng mariin ang aking mata. Dali-daling akong umalis sa impyernong lugar na yun, pumunta ako sa aking kotse at umalis sa mansion. Pumunta ako sa lugar kung saan napaka importante sakin, kung saan kami nagkita.

Lumabas ako ng kotse ng ako ay makarating. "Jiyo!" Agad niya akong sinalubong ng yakap.

"Anong nangyare?" Hinawakan niya ang aking mukha.

"Ipapatapon ako ni Dad sa Spain." Mahinang giit ko. Sa totoo lang ay ayoko, gusto kong tumakas kasama si Zane pero hindi pwede. Ayoko siyang mapahamak.

"Sa... S-spain?" Tumango ako. Agad kong pinunasan ang luhang kumawala sakaniyang mata, niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'm sorry, Zane. I'm sorry.."

"Ayoko, Jiyo. Huwag kang umalis, ayokong maiwan dito." Umiling-iling ako. Hindi pwede.

"I'm sorry. I love you.."

"No.. please."

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon