Chapter 39

2.1K 50 10
                                    

Xiara Kim's POV

Nakarating na kami sa bahay, muntik pa nga kami maligaw dahil mali pala ang pagkakarinig ni Jeya sa sinabi kong address. Buti napansin ko kagad na mali ba ang derekayon na pinupuntahan namin.

Tinanggal ko ang helmet na sinuot niya sakin, wala siyang ibang suot na helmet kanina. Iisa lang kasi ang helmet niya na dala niya, impyernes, mabango ang helmet niya.

“Oh, ito na.” Giit ko at inabot sakaniya ang helmet niya. Kinuha niya ‘yun at sinabit sa motor niya.

Tumingin siya sa bahay namin. “Ito yun?” Tumango ako.

“Bahay ‘to nila Lola, dito muna kasi ako nag-s-stay.” Sabi ko, “Tara na.”

Tumango siya at sumunod sakin. “Sa kwarto ko nalang tayo gumawa—” Nanlaki ang mata ko ng maalala kong hindi ko pala na ayos ang kwarto ko.

“Bakit?” Tanong niya, napansin niya ata ang pagtigil ko.

“Huh? Hehe, wala. Hintayin mo muna ako sa sala bago tayo gumawa.” Binuksan ko ang pinto.

“Lo, La! Nakauwi na po ako.” Tumambad sakin sila Lola na naka porma. “Aalis po kayo?” Tanong ko.

“Oo, hay nako! Nakalimutan ko sabihin sayo, kaarawan nga pala ng kaibigan namin ng Lolo—oh! May kasama ka.” Gumilid ako ng mapansin kong natatakpan ko si babaita.

“Ah opo, si babait—Jeya po. Kaklase ko po, gagawa kami ng project.” Muntikan ko pa ma sabi ang palagi kong tawag sakaniya, ang weird tuloy na tinawag mo siya sa pangalan niya.

Hindi ko naman talaga kaklase si Babaita dahil panandalian lang pero sinabi ko nalang na kaklase ko siya para hindi ko na ipaliwanag dahil ganon na rin naman.

Na-weirdo-han ako ng ngumiti ng matamis si Babaita kila Lola. “Magandang hapon po.” Sabi ni Jeya at lumapit kila Lolo at nagmano.

“Ay, napaka buting bata!” Palihim akong sumimangot. Lola, kung alam mo lang! Hindi mabuting bata yan.

“Haha, salamat po.” Sabi ni Babaita habang nakangiti na sobrang tamis, anong ganap ng babaeng ‘to?

Sobra na talaga, ang weird sobra! Ngayon naman parang mamanhikan siya kila Lola—wait what?! Anong mamanhikan, Xiara?

Mahina kong kinurot ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko.

“Osya, aalis na kami. Magpakabait kayo dito ha. Jeya apo, feel at home dito...” Sabi ni Lolo, lumapit siya kay Lola at hinawakan sa braso.

Minsan napapaisip ako kung bakit hindi ako binayayaan ng relasyon na katulad kila Lola, sa araw-araw kong pamumuhay dito kila Lolo, lahat lang ng ginawa ko dito ay maiinggit kila Lola at ma-bitter.

“Mag-ingat po kayo.” Sambit ko at hinatid sila sa labas. Pinagbuksan ni Lolo si Lola at umikot para pumunta sa driver seat.

“Kayo rin, huwag ninyong pagorin ang sarili ninyo sa pag-aaral.” Sambit ni Lola at sinarado ang pinto ng kotse.

“Opo, ingat po!” Sambit ko at kumaway sakanila hanggang sa makaalis sila.

Tumigil na ako sa pagkaway ng makaalis na sila. Lumingon ako kay Babaita, na ngayon ay nakatitig sakin kaya napataas ang kilay ko.

“Hoy?” Sabi ko habang nakakunot ang noo ko.

Umiling siya. “Tara na, gawa na tayo.” Sabi niya, umalis siya sa harapan ko at umakyat sa taas.

Ay ang kapal! Sinunod niya talaga ang sinabi ni Lolo na feel at home siya dito. Akala mo naman kung alam niya kung nasaan ang kwarto ko—napatigil ako ng maalala kong madumi pa nga pala ang kwarto ko.

“Ito ba yung kwarto mo?” Rinig kong sigaw niya sa taas. Agad akong tumakbo paakyat, nakita ko siyang hawak-hawak ang doorknob ng pintuan ng kwarto ko.

“Teka lang!” Sigaw ko at tinulak siya bago niya pa buksan ang kwarto ko, pumasok kagad ako sa kwarto ko at sinarado ang pinto.

Rinig ko ang daing niya sa labas. “Ay haha! Sorry, may aayosin lang ako dito. Maghintay ka diyan!” Halata sa boses ko ang pagkanerbyos.

Tinignan ko ang kwarto ko na puno ng kalat, mas lalo na ang mga damit ko na nakakalat sa sahig at ang mas malala pa ay may mga underwear at bra na nakakalat sa sahig!

Agad kong dinampot ang mga damit ko, isa-isa kong niligpit lahat. Kinuha ko ang walis-tambo na nasa gilid ng pinto at mabilis na winalis ang mga kalat na nasa sahig.

Kinuha ko ang cologne ko at nag-spray para bumango ang loob ng kwarto. Ng matapos ako ay mabilis kong pinunasan ang pawis ko at binuksan ang pinto, ngumiti na para bang hindi ako nagkadapa-dapa linisin ang kwarto.

Nakakunot ang noo ni Babaita ng mabuksan ko ang pinto, “Anong nangyare sayo?” Sambit niya.

“Ha?” Giit ko, mabilis kong pinunasan ang pawis na tumulo sa mukha ko. “Wala, pasok.” Binuksan ko ng malawak ang pinto ng kwarto ko.

Nakakunot siyang pumasok sa loob. Umubo siya sa pagkapasok na pagkapasok niya, “Nag-spray ka ba ng cologne dito?” Kunot-noo niyang giit.

“Huh? Hindi ah.” Ops, mukhang napadami ang pag-spray ko.

“Tsk, sakit sa ilong.” Agad kong binuksan ang bintana ng kwarto para may pumasok na hangin.

“Imahinasyon mo lang yan.” Sambit ko at umupo sa upuan, binuksan ko ang ilaw ng study table ko.

“Tara na, gawa na tayo.” Sambit ko, kinuha ko ang bag ko at ang laptop ko.

Tumango siya, kinuha niya ang upuan na nasa gilid. “Umusog ka.” Umusog ako. “Usog pa.”

“Umusog na ako! Dikit na nga ako sa pader, oh!” Sabi ko. Hindi kami kasya sa lamesa, hindi naman kasi gaano kalaki ang lamesa dahil sakto lang sakin.

Tumayo ako, lumapit ako sa couch, ito nalang ang gagamitin namin. “Tulongan mo ako hilain ‘to.”

Lumapit siya sa kabilang side ng couch at hinila mag-isa ang couch. “Ang gaan lang naman.” Aba para sayo!

Inalis ko ang dalawang upuan, ng mailagay niya na ang couch ay umupo na ako. Hindi pa rin kami medyo kasya pero pwede naman na. Ng makaupo na siya ay don ko lang napagtanto na sobrang lapit pala namin sa isa't isa.

Sobrang lapit namin! Halos ramdam ko na ang binubuga niyang hangin, pero impyernes! Mabango.

“Umusog ka naman don.” Bulong ko, kahit alam ko na sobrang usog na siya.

“Usog na usog na ako dito, oh. Tiisin mo ‘yan.” Tinarayan ko lang siya.

“Tama na! Gumawa nalang tayo.”

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon