Chapter 24

757 24 1
                                    

Xiara Kim's POV


"Xia." Lumingon ako sakanila ng tawagin ako ni Fyi, "Hindi na ako mapakali eh, nung kagahapon ko pa gusto sabihin sayo 'to."

"Bakit?" Tanong ko sakaniya at bumuntong hininga naman siya at tumingin sakin.

"Bakit ganon na ang trato mo kay Jiyo? Nag-iba 'e." Nagulat ako sa sinabi niya.

Ganon ba ako kahalata?

"Wala ah! Bakit mo naman natanong?" Nakaramdam ako ng kaba.

"Wala, naninibago kasi ako." Tumango ako sakaniya at lumingon ako kay Elaiza.

"Inaantok ka ba?" Lumingon siya sakin.

"Oo, nanood ako ng kdrama kagabi eh. Hehe." Napailing-iling nalang ako kay Elaiza. Paniguradong madaling araw na ‘to natulog.

"Tsk, tigilan mo ako." Awtomatiko akong napalingon ng marinig ko ang boses na 'yon.

"Babe, what the heck is happening to you?! " Inis na sambit ng isang babae.

"Kilala mo ako, Divine." Maikling sambit ni Jeya.

"What? Akala ko ba may pag-asa!" Sigaw sakaniya nung Divine.

"Umaasa ka? Bakit ka pa umasa na alam mong iiwanan din kita sa huli?" Inis lang na tumingin yung Divine at tumayo.

"Damn! You know what? I fucking give up!" Sigaw niya at padabog umalis. Inismiran lang siya ni babaita.

"Hoy! Nakita niyo 'yun?" Bumaling ako kay Elaiza.

"Oo.." Mahinang sambit ni Fyi, "Grabe, kung ako yun never kung gagawin yun. Napaka play girl ni Jeya."

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sakaniya.

"Sa bar ko, nakita ko siya na may kahalikan na babae pero baka namalik mata lang ako kaya pinabayaan ko nalang." Nanlaki ang mata ni Elaiza.

"It means gay din siya o ano?" Sambit ni Elaiza.

"Siguro? Ewan." Hindi ko nalang sila pinansin dahil may namumuo na inis akong nararamdaman na hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.

Ano bang nangyayare sakin? Parang kanina ok lang naman ako.

"Bakit naman ako naiinis?" Hindi ko namalayan na na sigaw ko pala 'yon kaya napatakip ako sa bibig ko.

"Bakit?" Bumaling ako ng tingin sakanila.

"W-wala! May naalala lang." Tumango sila at pinagpatuloy ang pag-uusap. Minsan ay sumasali ako sa usapan at minsan naman ay hindi ako nakikinig.

Hanggang sa natapos ang lahat ng klase ay wala akong naintindihan, naiinis ako sa sarili ko dahil kahit pilit nag-focus ako ay hindi pa rin nawawala ang inis ko.

Hindi ko maipaliwanag pero nararamdaman ko na simula ng narinig ko kah Fyi na may kahalikan daw si Babaita sa bar kung saan niya nakita ay bigla akong nainis.

"Manahimik ka nga, Xiara." Inis na sambit ko sa sarili ko, "Oo, Xiara! Hayaan mo 'yun. Panget 'yon panget!"

Pero aaminin ko.. talagang maganda siya. Kung tutuusin nga ay kung titignan mo siya ay mabibighani ka talaga.

"Baliw ka na ata eh." Nanlaki ang aking mata at lumingon sakaniya.

"W-what? Crazy?! Of course not!" Sigaw ko at natigilan naman ako ng samaan niya ako ng tingin.

"Ano ba? Bakit ka ba naninigaw?" Inis na sambit niya.

"S-sorry." Mahinang sambit ko.

Kumunot ang aking noo ng umalis ito sa harapan ko kaya mabilis ko siyang hinabol, "H-hoy! S-saglit lang." Huminto siya at lumingon sakin.

"Bakit?"

"T-totoo ba na may nakahalikan kang iba?" Pahinang-hinang sambit ko.

"Huh?" Nagugulohan na sambit niya.
"What are you talking about?"

"Ah, wala—"

"I think I know what are you trying to say.." Dahan-dahan siyang lumapit sakin.

"Huh?" Para akong tanga na nakatingin sakaniya.

"Yeah, I did. I kissed someone and I enjoy every second of it. Why?"

"W-what.." Hindi ako makapagsalita. "May gagawin pala ako!" Agad akong kumaripas ng takbo paalis don.

Pumasok ako sa kotse habang hawak-hawak ko ang aking dibdib. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at pinaandar ang kotse papuntang condo para magpalit ng damit dahil pupunta kani sa bar.

Pumasok ako at lumapit sakanila ng matanaw ko sila, umupo ako at puro dada naman ang natanggap ko.

"Antagal mo! Nakaisang bote na kami." Inirapan ko lang siya at nagsalin.

Ininum ko yun, ngayon ay magpapakalasing muna ako dahil ayokong alalahanin ang nangyare kanina total wala naman kaming pasok bukas dahil may meeting ang lahat ng mga guro kaya walang pasok.

Hanggang sa nakatatlong bote na kami, bagsak na si Elaiza at si Fyi naman ay nainom pa pero lasing na.

Medyo may tama na rin ako at sumasakit na rin ang ulo ko, "Hehe! Ang weak niyo naman." Tumayo ako at kahit pagewang-gewang na umalis don.

Bagsak na sila pareho, nalamangan ko pa sila ng isang bote eh, "Hahaha, ang weak." Natatawang sambit ko at pumunta sa dance floor.

Nakisabay ako sa pagsayaw nila at tumawa.

"Woah! Is that Xiara Kim Santevilla!?"

"Yes! She's drunk."

"Ang ganda, pre!"

"Patusin muna, tol."

May lumapit sakin na lalaki na may ngiti sa labi, "Hi, Ms. Beautiful." Inismiran ko siya.

"Che! Umalis ka d'yan. Go! Shoo." Napapahiyang umalis siya sa harap ko at nahagip ko ang isang babae.

Lumapit ako sakaniya at hiniwalay siya sa babaeng kahalikan niya, "Shoo! Palakang may pakpak, alis." Inis na umalis yung babae.

"Hoy!" Dinuro ko siya. "Alam mo ba na kanina pa ako namomoblema dahil sayo? Ewan ko ba at inks na inis ako." Nakangising sambit ko at kumandong sakaniya.

"What the h-hell?!" Sigaw niya at pilit akong pinapaalis, "Umalis ka!" Sinenyasan ko siyang manahimik.

"U-umalis ka, please." Bulong niya, "Alis."

"Bakit naman, ha!"

"Don't fucking ask, just please.." Sinanday ko ang mukha ko sa dibdib niya at natawa. "I'm you know.."

"Flat! Wala man lang umbok oh!" Natatawang sambit ko at hinawakan ang dibdib niya.

Rinig ko ang mahina niyang mura pero hindi ko 'yun pinansin, "Hoy! 'Wag ka ng makipaghalikan sa iba." Pabagsak kong sinanday ang aking mukha sakaniya.

"Fuck, I can't take this anymore."

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon