Chapter 17

608 17 0
                                    

Xiara Kim's POV

Pumasok ako sa loob ng kotse at pinaandar papunta saking condo, hininto ko ito at lumabas. Tumingala ako sa langit.

Tinignan ko ang bracelet at pumasok sa loob. Kumuha ako ng jacket at sinuot 'yon. Lumabas ako at pumunta sa kotse at pinaandar 'yon papunta sa paborito kong lugar.

Lumabas ako ng sasakyan ng makarating ako at inilibot ang aking paningin, ang lugar na ito ay isang tagung lugar kung saan kami lang dalawa ang nakakaalam.

Ninamnam ko ang hangin at pinakinggan ang paghampas ng dagat. Umupo ako sa buhangin at tinignan ang ilaw na nanggagaling sa mga building.

Kinuha ko sa bulsa ang bracelet at pinagmasdan 'yon. "Lee." Pagbabasa ko sa nakasulat sa bracelet. Ipinikit ko ang aking mata pero mabilis ko rin yun iminulat ng may sumagi saking isip.

Humiga ako sa buhangin. Pinagmasdan ko ang bituin sa kalangitan, napangiti ako ng maalala ang panahon na andito kami ni Lee.

"Wow, ang ganda dito! Lee."

"Talaga? Tago itong lugar kaya tayo lang ang nakakaalam!"

"Ah, eh pano mo ito nakita?"

"Ako pa ba!"

"Lee, alam mo ikaw lang ang pinaka unang naging kaibigan ko."

"Talaga? Ako lang?"

"Oo! Ikaw lang! Alam mo ba akala ko isa ka rin sa mga magiging bully ko, kase lahat sila ay kina ayawan ako kase nerd daw ako."

"Hayaan mo sila! Tandaan mo, andito lang ako para sayo."

"Lee, I love you."

"I love you too, Kim."

Napangiti ako, dito rin kami nag-confession sa isa't isa. Hindi ko aakalain na isa ako baliko dati.

"Lee, may sasabihin ako. Pagkatapos kong sabihin 'to.. 'w-wag mo akong lalayuan ah?"

"Oo naman, kase ako rin may sasabihin eh."

"Ako muna ah?"

"Sige."

"Lee, g-gusto.. kita!"

"H-ha?"

"I like you."

"Talaga? I like you too."

"G-gusto mo rin ako?!"

"Oo."

Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko at lumingon muna dito bago lumisan sa lugar na 'yon.

Napapikit ako ng mariin, sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay hindi namin alam ang buong pangalan ng isa't isa.

Tanging “Lee” lamang ang alam kong pangalan niya at ganon din siya sakin.

Ng makarating ako sa aking condo ay humilata ako sa kama habang nakatitig sa kisame, ipinikit ko ang aking mata at unting-unti akong nilamon ng dilim.


"Gising na, gising na Xiara!" Inis na kinapa ko ang cellphone at itinago 'yon sa ilalim ng unan.

Inis na bumangon ako dahil hindi ulit ako maka tulog, kailangan ko na talagang magpalit ng ringtone. Ansakit sa tenga.

Pinatay ko ang cellphone at bumangon, kinuha ko ang tuwalya at pumasok ng banyo. Ng matapos ako sa mga morning routine ay kinuha ang cellphone dahil panay ang pag-ring nito.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon