Chapter 7

777 17 0
                                    

Xiara Kim's POV

Tapos na ang laro nila Jiyo kaya uuwi na kami. Nagpaalam na silang dalawa sakin dahil may puntahan pa ang mga yun, hindi na ako sasama dahil hindi naman ako kailangan don.

Pumunta ako sa parking lot, papasok na sana ako ng humagip sa aking atensyon. “Wow, nagmamaneho pala siya ng motor? That's cool..”

Nanlaki ang aking mata ng ma-realize ko ang sinabi ko. “Ano bang sinasabi ko? So what kung nagmamaneho siya ng motor. Hindi naman ganon nakakamangha.” Pagkausap ko sa aking sarili.

Muli akong lumingon kung nasaan siya, nagulat ako ng mahuli kong nakatingin siya kung nasaan ako kaya agad akong pumasok sa aking kotse. Hindi niya naman siguro narinig yung sinabi ko diba? I hope so.

Sinilip ko kung andon pa ba siya, nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong wala na siya don. Inayos ko ang aking upo at inilagay sa backseat ang aking bag.

Umalis na ako sa lugar na iyon. Habang nagmamaneho ay pumasok sa isip ko kung ano ang niluto ni Manang ngayon na ulam. Natawa nalang ako sa naisip ko, hindi na ako makapaghintay na makauwi.

Napaisip ako na bumili ng donuts dahil kagahapon pa ay yun ang nasa isip ko. Pumunta na muna ako sa Dunkin' Donuts para bumili ng donuts, marami na rin siguro ang bibilhin ko para mamaya habang nag-aaral ako ay may nginunguya ako.

Ng makarating na ako ay pumili ako ng mga donuts. “Thank you po, Ma'am.” Ngumiti ako at kinuha ang dalawang box na nabili ko.

Pagkalabas ko ay bumungad sakin ang dalawang bata. Napatigil ako dahil nasa harapan ko sila at hinaharangan nila ang daanan, tumingin ako sa batang kasama niya. Napansin ko na nakatingin siya sa donuts na dala ko.

Napataas ang aking kilay. “Tabi.” Sambit ko. Halata sa mukha nilang dalawa na natakot sila kaya agad naman silang tumabi.

Pumunta ako sa gilid at sinenyasan silang dalawa na lumapit sakin. Halata pa sa mga mukha nila na nag-aalanganin silang lumapit sakin pero sa huli naman ay lumapit pa rin sila.

Umupo ako para mapantayan ko sila. “Anong pangalan mo?” Halata sa mukha nila na nagtataka sila kung bakit ko tinanong ang pangalan nila.

“Dianna po at siya naman po si Dio.” Turo niya sa batang kasama niya. Kung titignan ang itsura niya ay mukhang nasa 9 years old palang ito.

“Asan ang mga magulang niyo?” Lumungkot ang mukha ni Dianna at umiling-iling. Mukhang alam ko na ang sagot.

“Oh ito.” Inabot ko sakaniya ang isang box ng donuts. Ang malungkot niyang mukha ay biglang nagbago.

“T-totoo po?” Kinuha niya sakin ang box. Tumango ako, hindi ko mapigilan ngumiti dahil sa kaniyang reaction.

“Andito ba kayo lagi?” Tanong ko sakaniya. Hindi niya na ako sinagot at tumango lamang. Kumapkap ako ng pera sa bulsa ko, inabot ko sakaniya ang 100 na nasa bulsa ko.

“P-po?” Mas lalong umaliwalas ang mukha niya. Mukha namang mapagkakatiwalaan batang ito kaya hindi ko na kailangan isipin pa kung anong gagawin niya sa pera.

“Ibili niyo yan ng maiinom o ano pang makakabusog sainyo.” Sambit ko at tumayo.

“S-salamat po Ate..” Napatigil siya sa pagsasalita at tinignan ako.

“Xiara.”

“Salamat po, Ate Xiara!” Ngumiti ako at ginulo ang kaniyang buhok. “A-ay!” Natawa ako ng ngumuso siya.

“Babalik ako dito ah?” Sambit ko. Tumango-tango siya at ngumiti sakin na napakalaki.

Tumingin ako kay Dio. “Bye!” Kumaway ako sakaniya at ganon din ang ginawa niya.

“Bye, Ate Xiara!” Parehas silang kumakaway sakin, nginitian ko lang sila at umalis na don.

Nilagay ko sa backseat ang donuts at pumunta sa front seat upang maka uwi na ako. Hindi naman na nagtagal ay naka uwi na rin ako, pinagbuksan kagad ako don.

Pumasok na ako sa loob dala-da ang mga gamit ko. Sinalubong ako ng ni Manang at nagmano ako sakaniya. Kinuha niya sakin ang mga dala ko at inalayayan akong pumasok sa loob.

“Kamusta naman, anak?” Napangiti ako. Gustong-gusto ko kapag tinatawag ako ni Manang na “anak” siguro dahil minsan ko lang ito naranasan matawag.

“Okay naman po. Eh ikaw Manang? Baka naman masiyado mong pinapahirapan ang sarili mo dito, Manang.” Sambit ko at umupo sa sofa.

“Naku, hindi ah. At saka grabe ka naman, hindi pa naman ako ganon katanda ah!” Sambit ni Manang.

Natawa ako. “Hindi naman po, eh kung titignan nga po kayo ay mukha pa po kayong nasa kadagalahan ninyo eh!” Mahinang piningot ni Manang ang aking tenga.

“Hay naku! Tara na sa kusina at sasabayan na kita kumain.” Agad akong sumunod kay Manang papunta sa kusina.

“Wow! Sakto, adobo. Mukhang mapaparami ako ng kain ah.” Sambit ko. Tinatawanan lang ako ni Manang at nagsandok ng ulam.

Sumandok ako ng kanin at nilagyan ko ng ulam at sabaw ng adobo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kumain na ako.

“Grabe! Ang sarap talaga ng luto mo, Manang!” Sambit ko habang may nginunguya sa aking bibig.

“Hay! Huwag kang magsasalita kapag may pagkain sa bibig mo, nagkakalat!” Tinakpan ko ang aking bibig at inubos ang nasa bunganga ko.

“Ay hehe...” Napakamot ako saking batok. “Pero seryoso Manang, hindi nakakasawa ang luto mong adobo Manga!”

“Ay sus, taposin mo nalang ang pagkain para magawa muna ang gusto mong gawin.” Tumango ako at muling sumubo ng pagkain.

Naglagay ako ng donuts sa aking plato para makain ko habang nag-aaral ako, hindi ko kase kaya kapag wala akong nginunguya habang nag-aaral. Kaya sa tuwing nag-aaral ako ay lagi akong hinahatiran ni Mang ng pagkain.

Pasalamat talaga ako kay Manang. Siya ang tumayo bilang magulang, kapatid, at kaibigan sakin. Si Manang ang taong lubos na nakakakilala sa akin. Sa tuwing hindi ako pinapansin ni Mom ay andiyan lagi siya para patawanin ako.

Panigurado unang tingin niya pa lang sa akin ay alam niya na ang aking problema. Minsan pa nga ay kahit kasalanan ko na ay kinakausap niya pa rin ako ng maayos. Ibang-iba sa nararanasan ko kay Mom, kapag may kasalanan ako ay sisigawan kagad ako ni Mom or sasaktan.













The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon