Chapter 41

143 8 0
                                    

Xiara Kim's POV

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, hindi ako makatulog dito sa couch. Sinilip ko siya sa higaan ko, aba, talagang napakasarap pa ng pagkakahiga.

Hindi mo talaga aakalain na makapal din pala pagmumukha ng babaitang ‘to. Umayos ako ng higa, binalot ko ang sarili ko sa kumot.

“Ang lamig sobra..” Bulong ko.

Umupo ako, tinignan ko siya. “Humiga kaya ako don? Hindi ako komportable dito eh.” Bulong ko sa sarili ko.

“Hindi niya naman na sakop lahat ng spasyo eh, may spasyo pa para saki—” Napatigil ako. “—bakit ba ako na babahala? Eh kwarto ko ’to, higaan ko rin ‘yan!”

Inis na dinampot ko ang unan ko at naglakad habang nakabalot sakin ang kumot. Humiga ako, hindi na ako nagdahan-dahan humiga, bahala siya kung magising siya!

Tinalikuran ko siya ng higa, napangiti ako. Mas komportable dito sa higaan ko! Ipipikit ko na sana ang mata ko ng maalala ko sila Lola, nag-alala tuloy ako sa kanila.

Baka bukas pa sila maka uwi, at saka nasa bahay naman sila ng kaibigan nila kayaa paniguradong ligtas sila.

Bumuntong hininga ako, ipinikit ko ang aking mata at komportableng humiga hanggang sa nilamon na ako ng antok.

Kumunot ang aking noo, ramdam ko ang init na tumatama sa noo ko. Humiga ako ng ayos, pakiramdam ko sobrang komportable ng pwesto ko.

Inayos ko ang pagkakayakap sa unan, bakit parang sobrang laki naman ata ng unan ko? Binalewala ko na lamang yun, ang mahalaga komportable ang pwesto ko.

“Xiara.” Kumunot ang noo ko, kinapa ko ang unan ko. Mas lalo akong kumunot ng maramdaman kong may umbok ang unan ko.

Pinisil-pisil ko ‘to, ano ’to? Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at tinignan ang kamay kong nasa umbok ng unan ko. Kailan pa nagkaroon ng umbok ng unan ko?

“Baka gusto mo bitawan ang dibdib ko.” Nanlaki ang aking mata, sa sobrang gulat ko ay na sipa ko siya.

“Hala!” Sinilip ko siya sa lapag, hawak-hawak niya ang balakang niya habang masamang nakatingin sakin.

Ngumiti akong alinlangin at nag-peace sign na mas mukhang nagpainis sakaniya. Tumayo siya habang hawak-hawak pa rin ang balakang niya, ops mukhang napalakas ata ang tulak ko.

“Sorry na.” Paghingi ko ng tawad, pasalamat siya humingi ako ng tawad. “Ikaw naman kasi eh! Bakit ka ba kasi naka—”

“Mag-so-sorry ka na nga lang may pahabol pang paninisi.” Kunot noo niyang sambit na nagpatahimik sakin. “At saka bago mo ako sisihin, hindi ako ang yumakap sayo. Ikaw nga ang parang tuko na nakayakap sakin.”

Napaiwas ako ng tingin, napakamot ako sa aking batok. Namula ang mukha ko, nakaramdam tuloy ako ng hiya.

“Edi ano nalang.. uh,” Napaisip ako, ano ba pwedeng pambawi sa babaitang ‘to? “Paglutuan nalang kita, pambawi!”

“Ikaw marunong?” Nakataas kilay niyang sambit. “Sino naman maniniwala sayo?” Ngumisi siya sakin ng mapang-asar.

Napangiwi ako. Talagang minamaliit ako ng babaeng ito, eh ‘no? Ako hindi marunong magluto? Tama, hindi naman talaga.

“Marunong ako ah! Makikita mo.” Palaban kong sambit, tumayo ako at iniwan siya sa kwarto.

Pumunta akong kusina, binuksan ko ang ref. Ang unang bumungad sakin ay ang watermelon, napangiti ako. Hihiwain ko ‘to, maganda ‘to kainin mas lalo na’t almusal ngayon.

Kinuha ko ang watermelon, napatitig ako. Tinignan ko ang kamay ko, ginalawgalaw ko ang kamay ko.

Tinignan ko ang watermelon habang ginagalaw ang kamay ko. “Huh?” Kunot noo kong giit.

“Anong ‘huh’?” Napalingon ako, puting damit ang bumungad sakin. Dibdib, tumingin ako sa kamay ko, at sa watermelon na hawak ko.

Nanlaki ang kamay ko, mabilis akong umiwas ang tingin at mukhang mali ang ginawa ko dahil tumama ang noo ko sa pinto ng ref.

Napaupo ako habang hawak-hawak ang watermelon, “Aray!” Binitawan mo ang watermelon sa lapag at sabay himas sa noo ko.

“Ayan, tanga.” Lumingon ako sakaniya, ramdam ko ang unti-unting pag-init ng mukha ko.

Ngayon ko lang na pagtanto na pinisil-pisil ko nga pala ang dibdib niya habang na tutulog ako! Tangina mo talaga Xiara, nakakahiya ka!

“Ano pa bang ginagawa mo diyan?” Sinamaan ko siya ng tingin, “Sobra ba pagtama sayo ng ref at ganiyan ka pula ang mukha mo?”

“Che!” Tumayo ako, binuhat ko ang watermelon. “Don ka sa far away! Huwag mo akong gulohin dito.”

“Hindi naman kita ginugulo ah?” Nakasimangot niyang sambit, tinarayan ko siya.

“Ay ewan ko sayo, don ka!” Inis na nilapag ko ang watermelon sa lamesa.

Sinunod niya naman ang utos ko at nakabulsang umalis sa kusina. Ng tuloyan siya maka alis ay sinampal ko ang sarili ko.

“Ano bang nangyayare sayo?” Inis na bulong ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim, bumalik ako sa ref at kumuha ng itlog at tusino.

“Magluto ka nalang, Xiara.” Bulong ko sa sarili ko.

Nilakasan ko ang loob ko, tinignan ko ang tusino, napatigil ako. Pano nga ba ‘to lutuin?




Jeya Lee’s POV

Inikot-ikot ko ang sala nila, kung tutuusin ang ganda ng sala nila. Lakas maka probinsya vibes, tinignan ko ang mga naka display na frame.

Napangiti ako ng makita ko ang mukha niya, hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mukha niya noong bata pa siya.

“Ahh!” Napabalikwas ako ng marinig ko ang sigaw niya. Tumakbo ako papuntang kusina.

“What happened?” Pagkapasok ko ay napatigil ako, tinignan ko siyang blanko.

Napabuntong hininga na lamang ako habang tinitignan siyang may hawak na takip ng kaldero na ginagawang shield sa putok ng mantika at may hawak na pang-ipit.

“Sabi mo marunong ka magluto?” Bagod na sambit ko. Sinamaan niya ako ng tingin, as usual.

“Kung tulongan mo nalang kaya ako dito?!” Sigaw niya sakin.

Sumanday ako sa pader at umakto na tinitignan ang kuko ko. “Hmm?” Himbing ko.

“Ano ba! Mamatay na ako dito oh, ayokong mamatay na tinalsikan lang ng mantika!” Hindi ko siya pinansin.

“Magic words?” Sambit ko at umaakto na hindi ko siya nakikita.

“Magic words what?! Hindi na ako bata para sa magic words na ‘yan, okay?!”

Hindi ako sumagot. “Ah tangina! Oo na. Tulongan mo ako dito, PLEASE!” Hindi ko pa rin siya sinagot.

“Kainis!” Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga, “Tulongan mo ako please?” Nag-iba ang tono ng boses niya.

Umayos ako ng tayo at ngumiti sakaniya, “As you wish.”

“Dali!” Napaurong siya ng mas lalong lumakas ang pagputok ng mantika, ano bang niluluto ng babaeng ‘to at parang buong baboy pinrito?





The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon