Chapter 19

703 21 0
                                    

Xiara Kim's POV


Nakatitig lamang ako sa kisame, hinatid na ako ni Jiyo pa uwi. Bumuntong hininga ako at kinuha ang aking cellphone, nag-log in ako sa aking Facebook.

Bumungad saakin ang mga post ng mga kaklase ko at mga guro, habang nag-scroll ako ay naisipan kong i-stalk si Jiyo. Ng ma search ko ang kaniyang pangalan ay pinindot ko ito at nag-scroll.

Kumunot ang aking noo na matagal na itong walang post, siguro nga ay busy lang talaga siya at hindi na siya nakakabukas ng account. Tinignan ko ang mutual friends niya at pinindot ang account ni Aryan, isa sa mga tropa niya.

Nag-scroll lang ako at napahinto ako sa pag-scroll ng makita ko ang picture nila ng mga magbabarkada. Ngunit nagtaka ako ng may isang lalaking hindi ko naman nakikita sa mga barkada niya.

Napayukom ako saaking palad ng makilala ang lalaking ito, siya... siya ang tumingin saakin ng masama habang magkayakap kami ni Jiyo nung araw na naging kami, at siya rin ang wallpaper ni Jiyo.

Ipinikit ko ang aking mata ng may gustong kumawalang luha, kinagat ko ang aking labi at tumingala upang mapigilan ang aking luha ngunit naging baliwala lang 'yon.

Totoo kaya? na may ibang karelasyon si Jiyo..

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad, napahikbi ako at sinubsob ang aking mukha sa unan.




"Anyare sayo?" Takang tanong ni Fyi habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Lumingon sa amin si Elaiza.

"Oo nga, kanina ka pa ganiyan. May nangyare ba?" Sambit ni Elaiza kaya bumuntong hininga ako.

"Wala, kulang lang sa tulog." Isang pilit na ngiti ang aking ibinigay at lumingon sa harap.

"Kilala ka namin, kung ano man ang bumababag sayo. Andito lang kami." Nakangiting sambit ni Fyi na ikangiti ko rin.

Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko.

Naghanap kami ng mauupoan at si Elaiza na ang nagpresintang kumuha ng pagkain. Nasa malayo lamang ang aking tingin at pana'y ang pagbuntong hininga.

"Hi, babe." Lumingon ako kay Jiyo na umupo saking harapan.

"Hi." Isang pilit na ngiti ang aking ibinigay. Lumingon siya kay Fyi at nakipag-apir.

"Babe, ihahatid kita mamaya." Umiling ako at ngumiti.

"No need, sasabay ako kay Elaiza 'e." Sambit ko at umayos ng upo, "Birthday kase ni Eila." Sambit ko.

"Ganun ba? Sige." Tumitig ako sakaniyang mata, pasimple akong ngumiwi. Syempre naman, pabor na pabor 'yon sayo.

"Oh, mga mare at pare, ayan na." Sambit ni Ekaiza, "Ayan din yung sayo, nakita kase kitang pupunta dito kaya kumuha na rin ako ng sayo." Alok niya kay Jiyo.

"Hindi na, busog pa ako 'e." Sambit ni Jiyo.

"Okay! Sabi mo eh." Sambit ni Elaiza at inalantakan ang burger.

Nakinig lamang ako sa pinag-uusapan nila, minsan ay na sagot ako pagtinatanong nila ako. Alam kong nagtataka sila dahil sa inaasta ko kay Jiyo pero gusto ko man sabihin ay mas mabuting 'wag muna dahil baka maging padalosdalos sila.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon