Chapter 23

669 19 2
                                    

Xiara.

Babe - Jiyo

Babe, I will cancel our date tonight. I'm sorry, there's emergency kase 'e. I'm very sorry.

Bumuntong hininga ako at nag-tipa.

No, it's okay. I understand.

Sent..

Itinago ko ang cellphone saking bulsa ng pumasok na ang aming guro. Nakinig ako sa mga tinuturo niya.

Sa buong klase ay nakinig lang ako, hindi ko na rin namalayan na uwian na. Hindi na ako sumabay kila Elaiza ngayon.

Ng makauwi na ako ay dumeretso na ako sa kwarto para magbihis. Hindi tuloy anv date

Pumasok ako sa kwarto para mag-bihis, total at hindi naman matutuloy ang date namin ni Jiyo. Mag-date nalang ako mag-isa.

Lumabas ako ng kotse at pumunta sa isang restaurant, binati ako ng guard kaya binati ko 'din siya pabalik.

Lumapit ang waiter at kinuha ang aking order kaya ibinigay ko na 'din, lahat ng mga customers dito ay mga kasama.

Ako lang ata wala? Dunating na 'din ang order kaya sinimulan kung kumain. Panay lang ang tingin ko sa labas habang nakain.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at binayadan, lumabas na ako ng restaurant. Nag-lakad-lakad muna ako malapit sa restaurant.

Lumapit ako sa isang kotse, may pumasok 'don pero hindi ko nakita kung sino dahil madilim ang lugar na 'yon.

Pero.. sigurado ako na kotse 'yon ni Jiyo. Mabilis akong pumunta saking kotse at pinaandar ang makina.

Sinundan ko sila, lumiko ako ng lumiko sila. Hindi ko pinahalata na sumusunod ako sakanila, bumisina ako ng may humarang na kotse sa harap ko.

"Sorry!" Sigaw nung driver at umurong, hinanap ko ang kotse ni Jiyo pero hindi ko na makita pa.

Inis na ginulo ko ang buhok ko, "Damn it!" Sigaw ko at pinaandar ang aking kotse pauwi sa condo.

Tinawagan ko si Jiyo, sa unang tawag ay hindi siya sumagot. Sumagot naman na siya sa pangalawang tawag kaya agad ko siya binati.

"Hey babe! Where are you?" Hindi ko pinahalata ang pag-inis saking boses.

"Hmm? I'm here at my condo, why?" Pumikit ako ng mariin, tumingin ako sa kalsada.

"Really? Karating mo lang ba?" Mas lalong ako nasaktan sa sinabi niya.

"Hindi, actually. Kanina pa ako dito, natapos ko na 'din yung emergency sa mansion." Sumang-ayon ako sakaniya.

"Ganun ba?" Humigpit ang hawak ko sa manibela. Bakit kailangan mo pa mag-sinungaling?!

"Yeah, why did you ask?"

"Ah, nothing. Tinanong ko lang besides itatanong ko 'din sana kung ano yung emergency? It's okay kung hindi mo sabihin, I understand."

"N-no! May nangyare kase kay Julia." Pang-dalawa na 'to, bakit mo pa dinamay yung taong wala naman talagang nangyareng masama?

"Are you sure? How is she?" Iniliko ko ang sasakyan at sumulyap sa cellphone.

"She's fine, don't worry! Okay?"

"Okay, so? Bye. See you tomorrow." Pagkatapos niya mag-paalam ay ibinaba niya na ang linya.

Kinagat ko ang aking labi, "Bakit ba kase kailangan mo pang mag-sinungaling?!" Inis na sigaw ko.

Ng makarating ako sa condo ay umupo ako sa sofa, "Nakakainis ka, may relasyon tayo tapos ikaw may kasamang iba?!" Inis na bulong ko.

Jeya.

"Jeya, punta tayo sa bar bukas?" Lumingon ako kay Sora.

"Akala ko ba ayaw mo sa mga ganon na lugar?" Bumuntong hininga siya at ngumiti.

"Wala lang," Tinitigan ko lang siya. "Oo na! May problema ako." Sumanday siya sa sofa.

"Tss, kilala kita. Sa tagal nating mag-kasama ay lahat ng mga kilos mo ay kilala ko na." Sambit ko at tinuon ang aking atensyon sa libro.

"Oo na nga po, basta punta tayo 'ah? Labas muna ako. Pahangin lang ako." Tumango ako sakaniya.

"Himala ata na hindi ka pumunta sa mga bar?" Lumingon ako kay Mama na naka-upo sa tabi ko.

"Tinatamad ako 'e." Sinamaan ako ng tingin ni Mama. "B-bakit?" Tanong ko sakaniya pero iniripan niya lang ako at pinalo sa braso.

"Bakit wala ng 'po'?! Aba't!" Napailing nalang ako dahil naka-kros ang kaniyang braso at nakataas ang kilay na nakatingin sakin.

"Sorry na po." Malumay na sambit ko sakaniya.

"Honey, bakit ka naman na sigaw? Baka magising si Raven." Umupo naman si Mom sa tabi ni Mama at inakbayan.

"Ito kaseng anak mo! Hindi na marunong mag-po!" Inis na sambit ni Mama at yumakap sa bewang ni Mom.

"Bakit naman kase ayaw mong mag-po? Anak, mahalaga ang pag-gamit ng po at opo. At higit sa lahat ay mahalaga 'din ang pagiging magalang." Tumango nalang ako.

"Jeya?!" Pabalang na sambit ni Mom.

"Opo, pasensya na po." Sambit ko habang nakatingin sakanila. Tinanggap naman ni Mom ang paumanhin ko kaso sinermonan naman ako ni Mama.

Umalis na silang dalawa at si Jenz naman ang pumalit, "Kung gugulohin mo ako, mas magandang 'don ka nalang sa kwarto mo." Sinamangutan niya ako.

"Ang sama naman nito! Umupo lang dito 'e." Bumuntong hininga ako at tumitig sakaniya at maya-maya naman ay ngumiti siya.

"Anong kailangan mo?" Lumingon ako sa libro na binabasa ko habang hinihintay ang kaniyang sagot.

"Pahiram ako ng Laptop mo 'ah?" Kumunot ang aking noo.

"Asan na yung Laptop mo?" Tanong ko sakaniya habang nasa libro pa 'din ang aking paningin.

"A-ah... eh, hiniram kasi ni Daisy." Kamot-batok na sambit niya.

"Ang torpe mo." Hinampas niya ako sa braso.

"Pahiram nalang kasi!" Siya pa ang galit?

"Kunin mo sa kwarto ko." Umalis naman siya, lumabas ako ng bahay at nagpahangin sa labas.

Napalingon ako kay Sora ng makita ko siya sa garden, "Daddy, please. Ayoko! Lagi mo nalang ako sine-set up sa mga date na 'yan!"

Napailing nalang ako, mukhang alam ko na kung anong problema niya. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo sa gilid habang pinagmamasdan ang langit.

Lumingon ako kay Sora na ngayon ay parang binagsakan ng lupa't langit, umupo siya sa tabi ko. Maya maya ay suminghot siya.

"Diba pinalitan mo na yung sim mo?" Pinunasan niya ang sipon niya kaya napangiwi ako. Kahit kailan talaga, ang dugyot.

"Oo! Nakaraan ko lang 'yon pinalitan eh pero alam mo naman si Daddy diba? Lahat kaya niyang gawin." Malakas siyang bumuntong hininga.

"Pasok na ako, inaantok na ako 'e." Tumango siya sakin, sinarado ko ang pinto ng kwarto at humiga.

Ipinikit ko ang aking mata hanggang sa makatulog ako.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon