Chapter 11

662 21 1
                                    

Xiara Kim's POV

"Babalik na 'daw yung dating Queen."

"Naalala mo yung dating Queen? Babalik na 'daw yun ngayon."

"Imbes na si Xiara dapat ang mapahiya dahil 'yon yung plano niya kaso siya tuloy yung napahiya."

'Yan ang mga naririnig kong bulongan habang naglalakad ako sa hallway. Sabi na nga ba, babalik na siya.

Ng makarating ako sa classroom ay kompleto na sila 'don, "Sorry if I'm late." Sambit ko sa guro na andon.

"No, your just in time." Sambit niya kaya tumango lang ako at umupo.

"Psst, na balitaan mo na ba?" Bulong ni Elaiza kaya tumango ako. "Satingin ko aagawin niya si Jiyo kaya unahan mo na." Sambit niya kaya napatulala ako.

Oo nga 'no? Siguradong pagbalik niya ay aagawin niya sakin si Jiyo. At hindi ako papayag, Kinuha niya rin naman ang dapat sakin eh. Kaya hindi ko ibibigay ang meron ako. I know it's sounds selfish but I don't care.

Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok. Napangisi ako ng makita ko siya. Deretsong umupo ito sa pinakadulo.

"Hey, can you introduce your self?" Sambit ni Ms. Anne.

"Kailangan pa ba? Panigurado kilala na nila ako." Mataray na sambit niya kaya hindi ko naiwasan mapailing. Siya nga 'tong hindi nagbago eh.

"Ms. Freya!" Saway ni Ms. Anne ngunit inirapan niya lang ito at sumubsob sa lamesa.

Napuno ng bulongan ang buong classroom dahil sa eksenang ginawa niya. Talagang hindi pa siya nahiya, ano pa nga bang ini-expect ko sa kaniya?

"Hindi pa rin siya nagbago, apaka maldita niya pa rin." Rinig kong bulong ni Fyi.

Huminga ng malalim si Ms. Anne at tumingin sa harap. "Okay class, let's start." Sambit niya kaya umayos ako ng upo at nakinig.


Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako sa library dahil magkakaron ng test bukas kaya kailangan kong maghanda.

Pagkarating ko sa library ay pumunta ako pinaka sulok para walang maka istorbo sakin, binuklat ko ang libro at binasa 'yon.

"Hey bitch. Are you happy now?" Hindi ko siya pinansin at nagbasa lang ng libro. "Bitch, answer my fucking damn question!" Sambit niya kaya mabilis kong tiniklop ang libro.

"I don't fucking know. So please! Can you fucking shut up?" Sambit ko. Rinig ko ang pagngitngit ng kaniyang ngipin.

"Parang dati lang alalay lang kita pero ngayon sinasagot-sagot mo na ako? What a bitch." Sambit niya.

"Matagal na 'yon, kung wala kang magawa sa buhay, wag ako ang pakialaman mo." Sambit ko at muling nag-basa.

"Arh! You ar–"

"Oh please! Nasa library tayo. Kaya ako nandito para walang imostorbo sakin pero ikaw 'tong walang magawa sa buhay ay iniistorbo mo ako, gusto mo ba ng autograph?" Bagot na sambit ko at akmang susugod na 'to ng magsalita ako.

"Kahit kailan talaga, asar talo ka pa rin, Bye! See you later, darling." Ngising sambit sakanya bago siya lagpasan.

Pumunta na lamang ako sa garden at umupo sa may bench, pagkarating ko ay may dalawa akong nakita bulto ng tao pero hindi ko 'yon pinansin.

"Kunting tiis nalang, mahal ko."

"Alam ko, pero sana matapos na ito."

"Shh, magiging official 'din tayo at magiging malaya pero hindi pa ngayon aking mahal."

Napataas ang aking kilay ng napaka pamilyar ng boses na 'yon. Pero isa lang ang pumapasok sa isip ko kung kaninong boses 'yon.

“Jiyo..”

Jeya Lee's POV

"Himala at hindi kayo naggantihan ni Xiara?" Rinig kong sambit ni Sora pero hindi ko siya pinansin at pinatuloy ang aking pagbabasa.

"Ay oo nga 'no! Kaloka kayong dalawa! Gantihan kayo ng gantihan!" Rinig ko rin na kumento ni Zane at katulad kanina ay hindi ko rin siya pinansin.

"Hayaan na natin sila baka mala'y mo sila pala talaga, d'yan pa naman nagsimula ang lolo't lola ko." Inangat ko ang aking tingin at binigyan ng malamig na tingin si Sora.

"Imposible 'yang sinasabi mo," Tinignan ako ni Sora na hindi naniniwala kaya napabuntong hininga ako, "Hindi ko siya papatulan kung mangyare man 'yon." Sambit ko at ibinalik ko ang aking atensyon sa libro.

"Talaga b–"

"Shut the fuck up." Sambit ko habang nasa libro pa rin ang aking tingin.

"Edi don't! Tse." Rinig kong usal niya pero hindi ko nalang siya pinansin at nagbasa na lamang ng libro.

Napatingin ako sa pinto dahil sa ingay, hindi talaga ako makakabayos ng pagbabasa dito.

"Ano 'yon? Kaloka ang iingay." Rinig kong wika ni Zane.

"Teka, parang boses 'yon ni Xiara." Napataas ang aking kilay at tumingin kay Sora.

"Hala, tawagin niyo si Ma'am."

"Ayoko na ulit makitang nag-aaway sila ni Freya! Nakakatakot."

"Awatin nyo sila!"

Rinig kong mga bulongan ng mga kasama naming estudyante sa classroom. Paano naman kayang andito si Xiara? Ang alam ko sa fourth floor ang classroom niya.

Napatakip ako saking tenga ng may magtilian, napatayo naman sila Sora at tumakbo papunta sa labas. Napabuntong hininga ako.

Mas maganda siguro na sa library nalang ako magpatuloy ng pagbabasa. Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan.

Napalingon ako sa gawi kung saan sila nagkukompolan. Nanlaki ang aking mata ng sunod-sunod ang mga estudyante tumakbo kaya napasama ako sakanila.

Muntikan na akong matumba pero mabilis ko rin naman naagapan. Napabuntong hininga ako at inangat ang aking tingin.

"Tumigil ka na, you look like a pathetic loser." Nakangising wika ni Xiara at halos magsalubong na ang kilay ng isang babae.

Napailing nalamang ako at umalis na don. Mukhang hindi na ako guguluhin ng babae na 'yon dahil may kinakaabalahan siya.

Mas maganda na yun para naman maging tahimik ang buhay ko sa school na ito.


The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon