Chapter 25

786 19 1
                                    

Xiara Kim's POV

Iminulat ko ang aking mata, hinawakan ko ang aking ulo. Ansakit ng ulo ko. Bakit parang nag-iba yung design ng kwarto ko?

"Shit!!" Malakas na sigaw ko at halos mamilipit ako sa sakit. Ansakit ng gitna ko!

Nanlaki ang aking mata, may naka one night stand ako! Lumingon ako sa tabi ko pero wala naman tao don. Nagpakasaya na nga, nang-ghost pa!

Tinakpan ko ang mukha ko, "The hell!!" Muling sigaw ko. Napahilamos ako sa mukha ko, hindi na ako virgin!

Tinignan ko ang kumot, may bakas ng dugo don. Natigilan ako, niloko ko ba si Jiyo? Hindi naman diba! Aksidente lang 'yun, wala ako sa katinuan 'non.

Kinagat ko ang kuko, nagugulohan ako na kinakabahan ako at the same time. Bumuntong hininga ako, dahan-dahan akong tumayo. Pumikit ako ng mariin.

Ang sakit, pota! Kung sino man ang naka una sakin, ipapaputol ko 'yang ano niya.

Panay lang ang buntong hininga ko habang hinahanap ang damit ko. Nagbihis ako, lumingon ako sa higaan, may napansin akong kumikinang don. Kinuha ko 'yon at pinagmasdan ang kwintas.

Napatakip ako saking bibig, ito 'yun! Ito ang kwintas na ibinigay ko sakaniya. Pero paano 'to napunta dito? Ibig sabihin ba eh..

Napasabunot ako sa aking buhok, nagugulohan ako. Pinipilit kong pinapasok sa utak ko ang nangyayare ngayon pero walang pumapasok.

"Itong kwintas na 'to ay kay Lee! Paano andito 'to? Andito kaya siya!?" Inilibot ko ang paningin ko, "Posible kayang... yung nag-rape sakin ay siya!" Napatakip ako sa bibig ko.

"The hell? Imposible 'yun! Kilala ko siya, hindi niya 'yun gagawin!" Napasigaw nalang ako, nagugulohan ako.

Nagugulohan ako pero at the same time ay naiinis ako, hindi ko na talaga alam.

Dahan-dahan akong humakbang, ansakit! Paika-ika akong naglakad palabas. Nilibot ko ang paningin ko, nasa hotel ako. Maraming tumitingin sakin dahil sa paraan kong maglakad.

Grabe kung makatingin, ansakit kaya!

Hanggang sa lumabas ako ay sinundan nila ako ng tingin, pumara ako ng taxi. Kahit sa pag-upo ko ay dahan-dahan. Minsan ay napapamura pa ako tuwing may nadadaanan kaming hams.

Ng makarating sa condo ay hininto ni Manong yung sasakyan kaya ibinigay ko na ang bayad. Tinitigan pa ako ng driver bago kunin yung bayad.

"Ineng, lagyan mo iyan ng yelo. Ke-bata-bata mo pa eh, mga kabataan talaga ngayon." Nanlaki ang aking mata ng sabihin 'yon ni Manong at pinaandar yung sasakyan.

"Bweset!" Inis na bulong ko, ng makapasok ako sa condo ay nagpahinga muna ako bago pumunta sa refrigerator para kumuha ng yelo.

Ng matapos kong gamutin ay umupo ako sa sofa, lumingon ako sa cellphone ng mag-ring 'yun kaya kinuha ko.

"Oh, baki—"

"Tangina mo ka! Gago kang animal ka, nang-iwan ka pa! Hoy gaga, may kasama ka daw na babae ha?" Nanlaki ang aking mata.

"A-ako? May kasama!? Wala ah, pinagsasabi mo?" Pilit kong tinago ang kaba sa tono ko.

"Jusko ka, ano na? Akala ko ba gagala tayo ngayon! Isang oras ka ng late!" Kinamot ko ang aking batok.

"H-ha? Oo, papunta na ako." Pinatay ko ang tawag at ika-ikang pumunta sa banyo, hindi mawala ang inis at takot sakin dahil sa nangyare.

"Paano kung mabuntis ako? Paano pagnalaman 'to ni Jiyo? Paano pagnalaman nila 'to?! Gosh, I need to calm down."

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon