Chapter 28

749 15 0
                                    

Xiara Kim's POV

"A-aalis na kami," Nailang ako ng makitang nakatitig siya sa akin. "Bye, thank you." Naunang lumabas sila Elaiza.

Naglakad ako papunta sa pinto, "Xiara." Hindi ko siya nilingon.

"Why?" Yumuko ako.

"Nothing, be safe." Tumango ako at lumabas sa condo niya, ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko pero hindi naman ito kalala gaya kanina.

"Buang ka, ba't ka kase lumabas pa?" Salubong sakin ni Elaiza at inalalayan ako.

"Kaya ko na," Sinamaan niya ako ng tingin. "Wala na akong pagkain eh." Simpleng sambit ko, nanlaki ang mata ko ng hampasin niya ako.

"Edi sana tinawagan mo kami!" Sigaw ni Fyi. Ngumiti lang ako sakaniyang ng nakakaloko.

"Nasa school kayo diba?"

"Oo nga pero pwede naman kaming mag-excuse, maiintindihan naman nila 'yun." Sambit ni Fyi.

"Opo, sorry na." Pagsusuko ko, mahirap kalaban si Fyi pag galit. Paniguradong bagsak ka pag siya'y galit.

Ng makarating kami sa condo ko ay nagulat ako ng sermonan ako ni Elaiza, minsan niya lang ako sermonan dahil minsan ay hindi naman siya ganiyan kung manermon.

"Okay na nga ako, anong oras na oh." Saba'y turo ko sa orasan. "Alas nueve na oh, baka pagalitan kayo ni Tita n'yan."

"Mamaya na, baka ano na naman gawin mo." Tumawa lang ako sakaniya at hinampas siya sa balikat.

"Grabe naman 'to. Promise okay lang ako! Sige na, alis na!" Inis na kinuha ni Elaiza ang bag niya at inirapan ako.

Sumunod ako sakanila sa pinto at pinagbuksan sila, sinamaan lang ako ng tingin ni Elaiza hanggang sa makalabas siya ganon din si Fyi.

"Happy? Bweset 'to, pag ikaw talaga nakatulog sa kalsada pag umalis kami!" Tinawanan ko lang siya. Sinarado ko ang pinto ng makalabas sila. Pumasok ako sa kwarto.

Ini-stretch ko ang aking braso at umupo sa kama, Napahikab ako at humiga. Pakiramdam ko ang dami ng nangyare ngayong araw parang gusto ko nalang humiha at huwag na magising.

Jeya Lee's POV

"Ba't hindi ka pumasok kagahapon?" Lumingon ako sakaniya at ibinuga ang usok.

"Wala lang." Nginiwian niya lang ako, "Bakit ganiyan ka kung makatingin?"

"Siguro may dinala kang babae sa condo mo 'no? Hindi ka na talaga nagsawa sa mga babae na kinakama mo!" Inismiran ko lang siya at humiphip ng sigarilyo.

"Tss, hindi ako nagdala ng babae sa condo ko kagahapon." Gulat siyang tumingin sakin.

"Himala naman,  ikaw ba talaga yan?" Inis na tinignan ko lang siya. "Sorry na, nakakapanibago kasi! Halos hindi ka nga mabuhay ng walang babae kinakama mo eh."

"Tigilan mo ako, Sora." Nag-peace sign siya sa akin, "Dalian mo, kanina pa ako naghihintay sayo."

"Okay na! Let's go." Hinila niya ako kaya wala akong nagawa kundi magpahila. Nasa court na kami habang hinihintay ang Principal.

"Magandang umaga sainyo mga masisipag na mga estudyante at guro. Alam kong nagising kayong maaga para sa aking anunsyo kaya hindi na natin papatagalin pa!"

"We have a new stock holder! Lady's and gentleman, Mr. Ganzo Valliy!" Nagpalakpakan ang lahat kasaba'y ng pag-labas ng isang matandang lalaki.

Ibinigay ng Principal ang mic sa matandang lalak na itawag natin sa pangalang Mr. Ganzo. "Thank you, I'm happy to be part of Halvarez International High School, Thank you." Ngumiti siya sa mga estudyante.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon