Chapter 6

836 18 1
                                    

Author's Note:

Ang chapter na ito ay aking binago. Tinanggal ko na po ang basketball try out nila Xiara, na pag-isipan ko kase na hindi ko na isasama ang basketball sa kwento nila, kaya si Jiyo na lamang at ang mga kaibigan niya ang maglalaro.

Xiara Kim's POV

Nasa court ako kasama sila Elaiza. Naglalaro kase sila Jiyo kaya andito ako para suportahan siya, tapos na ang klase kaya andito muna kami para manood. Pero ang totoo niyan ay hinila ko lang sila dito para manood kaya si Elaiza ay naka busangot na naman.

"Jiyo!" Sigaw ko ng lumabas siya sa bench. Narinig niya ang sigaw ko kaya nagpalingon lingon siya para hanapin ako kaya kumaway ako, ng makita niya ako ay ngumiti siya sakin na napaka tamis.

Gumanti rin ako ng ngiti sakaniya. "Sobrang laki naman ng ngiti mo." Lumingon ako kay Fyi.

"Talaga?" Sambit ko. Tumango siya at binaling ang tingin sa court.

Tinignan ko si Elaiza. Mahina akong natawa ng makita kong boring na boring na siya, gusto niya kase pumuntang mall kaso pinangako niya sa amin na kahit anong mangyare ay 'wag namin siya payagan kase nag-iipon siya.

Dapat nga at magpasalamat siya dahil dito ko siya dinala para hindi siya makagastos. Tinignan niya ako ng mapansin niyang natawa ako at sinamaan ako ng tingin.

Agad akong umiwas ng tingin at binaling ang aking tingin sa court. Napansin kong may mga taong pumapasok, siguro gusto lang din nila manood.

Lumingon ako kay Fyi ng kalabitin niya ako. Kinausap niya ako tungkol sa mga lesson kanina kaya sinagot ko muna ang mga tanong niya, hindi pa naman sila nagsisimula.

"Ah ganon lang pala?" Tumango ako. Nagpaturo siya kung saan tungkol yung lesson, hindi kase siya nakinig kanina kase nagsusulat siya ng notes.

Muli kong binaling ang aking atensyon sa court. Nagsisimula na pala sila, hindi ko man lang napansin. Siguro napalalim yung usapan namin ni Fyi kaya hindi ko napansin.

Napansin ko rin na maraming mga tao sa paligid, kadalasan sa kanila ay puro babae. Sino kaya papanoorin nila dito? Panigurado si Jiyo. I mean sino pa ba?

Pinanood ko sila habang naglalaro. Nagulat ako ng biglang magsigawan ang mga tao sa paligid ng may lumabas sa bench. Puro tilian at kung ano-ano ang naririnig ko.

Pinagmasdan ko ng mabuti kung sino ang tinitilian nila. Isang.. babae? Napakunot ang aking noo. Ano bang meron sa babaeng ito at grabe nalang sila makasigaw?

Nanlaki ang aking mata ng makita ang mukha ng babae. Si babaita ito ah? Bakit andiyan siya? Don't tell me maglalaro rin siya.

Pinakinggan ko kung ano ang mga sinasabi nila at sinisigaw nila.

"Jeya! I love you!"

"Galingan mo, my love!"

"Ako nalang kase! Jeya."

Napanganga ako sa mga naririnig ko. Hindi pa yan ang lahat na naririnig ko dahil marami pang mas malalaswa. Sikat ba ang babaeng ito?

Hindi naman siya mukhang sikat ah? Pinagmasdan ko lang ang mga galaw niya. Sa totoo lang ay maayos ang galaw niya, siya lagi ang nakaka puntos sa mga kasama niya at kakampi niya si Jiyo.

Agad umaliwalas ang aking mukha ng makapuntos din si Jiyo. "Woah! Ang galing mo talaga, Jiyo!" Malakas na sigaw ko.

Napansin nila ako dahil sa lakas ng sigaw ko. Pinagtutukso siya ng mga kasama niya habang siya ay nakatingin lang sakin at ngumiti. Kahit kailan talaga, nakaka panghina ng tuhod ang ngiti ni Jiyo.

Natapos ang laro nila at sila Jiyo ang nanalo. Agad akong bumaba dala-dala ang tubig at towel na dala ko, tulad ng lagi kong ginagawa.

"Grabe naman, ang galing mo naman po Kuya!" Salubong ko sakaniya, natawa lang siya sakin.

"Ako pa ba?" Pagsasakay niya sa biro ko. Pinunansan ko ang mga pawis niya, sinenyasan ko siya na bumaba siya ng unti dahil hindi ko maabot ang noo niya.

"Ang liit mo kase eh!" Sinamaan ko ng tingin si Van. "Biro lang naman, grabe kung makatingin ah?" Natatawang pagsuko niya.

Tinarayan ko lang siya at pinunansan ang noo ni Jiyo ng bumaba siya ng kaunti. "Oh, ito tubig. Alam ko namang wala kang dala eh." Inabot ko sakaniya ang plastic bottle.

"Thank you po." Sambit niya at pinisil ang aking ilong. Inakbayan niya ako at nagsimula na naman maghiyawan ang mga kasama niya.

"Grabe, sana ako rin!" Sigaw ng mga kasama niya. Natawa lang ako sa mga inasal nila, lagi naman silang ganiyan eh.

Habang nagtatawanan kami ay napansin ko ang babaeng nasa gilid namin. Palihim ko siyang tinignan, umiinom siya ng tubig. Pinagmasdan ko lang siya, hindi niya naman ako mapapansin dahil nasa iba ang atensyon niya.

Pawis na pawis siya, wala ba siyang dalang towel? Habang pinagmamasdan ko siya ay nagulat ako ng lumingon siya sakin, tinaasan niya ako ng kilay kaya ginantihan ko rin siya.

Matagal kaming nagtitigan, nawala ang taas ng kilay ko ng bigla siyang ngumisi sakin. Hindi ngising nakaka asar kung hindi.. ewan! Hindi ko ma ipaliwanag.

Agad akong umiwas ng tingin ng maramdaman kong umiinit ang aking pisnge. Tinapik ni Jiyo ang balikat ko kaya napalingon ako sakaniya.

"H-huh?" Takang tanong ko sakaniya. Hindi siya sumagot kun'di tumitig lang sakin. "Bakit?" Muli kong tanong sakaniya.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay wala pa rin akong nakukuhang sagot sakaniya kaya ngayon ay nagtitigan lang kami. Medyo ramdam ko rin na humigpit ang pagkahawak niya sa balikat ko.

Ngumiti siya sakin. "Wala, natulala lang ako sa kagandahan mo." Sambit niya at kinindatan ako.

Hindi ako makapag-react, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Kikiligin ba ako o ano? Pero imbes na sumagot ako sakaniya ay pilit na tawa lang ang aking ginanti sa kaniya.

"Jiyo. Tara na, start na ulit tayo." Ng marinig ko ang sinabi ni Van ay tinanggal ko ang pag-akbay ni Jiyo sakin.

"Balik na ulit ako don kila Fyi. I-cheer kita don." Nakangiti kong sambit. Gumanti rin siya sakin ng ngiti kaya agad na akong umalis don.

Hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko kanina. Usually naman ay kinikilig agad ako kapag binobola niya ako.. siguro dahil kakaiba ang inakto niya kanina kaya hindi ako kinilig? Siguro nga.

"Grabe, mas inuna pa talaga ni Ate ang kalandian." Bungad sakin ni Elaiza.

"Inggit ka lang eh." Sambit ko. Tumabi ako sakaniya.

"Talaga ba?" Tinatarayan niya ako at pinagkros ang kaniyang braso.

Hindi ko nalang siya pinansin. Tumingin ako sa court, muli kong pinanood ang kanilang paglalaro. Pero ngayon ay hindi kay Jiyo ang aking atensyon, kung hindi kay Babaita.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon