Kabanata 8
"DRIAH, alam kong nag sisinungaling ka. Hindi ka nag sasabi ng totoo." Matapos kong sabihin iyon ay tumingin ang malamlam niyang mata sa sakin.
"Huh?"
"Ilang araw na tayong narito. Binabantayan at pinag mamasdan ko ang bawat galaw mo. May mali. Hindi normal ang mga iyon." Paliwanag ko.
"Driah, tayong dalawa lang rito. Kung mag sasabi ka sa akin ng kahit ano ay walang makakarinig. Hindi rin makakarating kahit kanino." Dagdag ko pa upang makumbinsi siya na sabihin sa akin ang kanyang tunay na nararamdaman. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin. Sa ilang araw na pananatili namin rito sa upahang bahay ay napansin ko iyon. Umalis na kami sa puder ng mabait na matanda. Ako na mismo ang kumuha ng tutuluyan namin na sapat lang para sa aming dalawa. Hindi ko parin nakakausap ng masinsinan si Kielle kaya nagtitiyaga kaming manatili rito.
"Wala naman akong dapat sabihin,Nyx." Nag patuloy siya sa pag titiklop ng damit. Kung may ibang makakakita sa amin, sigurado akong kanilang iisipin na kami ay mag asawa.
"Driah---"
"Pwede ba huwag ka nang mapilit? Pumasok ka na sa eskwela. Ako na ang bahala rito."
"Paano kung sumpungin ka na naman ng sakit mo?"
"Wala akong sakit."
Huminga na lamang ako ng malalim at kinuha ang aking bag. Tumayo ako sa aking kina uupuan at nagtungo sa pintuan. Bago lumisan ay tinignan ko muna siya. Nag aalala ako para sa kanya. Wala siyang kasama rito sa bahay. Natatakot ako na baka kapag wala ako, sumakit na naman ng todo ang kanyang ulo.
I was still wondering if I would go to school or not, and I would just watch over her.
"Alam ko nasa isip mo. Pumasok ka na." Natigil ako sa pag iisip ng siya'y mag salita.
"Tawagan mo ako. Kahit anong oras basta may maramdaman kang kakaiba. Call me. Understood?" She nodded showed her thumb on me.
Kahit napipilitan ay inihakbang ko ang aking paa palayo sa apartment. May kunh ano sa kalooban ko na nag sasabing huwag na akong pumasok sa school.
***
KIELLE's Point of View
Like a normal student, that’s how I feel now. I am lazy to go to school. Earlier I was lying here in my bed and not getting up. Alam kong kaunting oras na lamang ay mag sisimula na ang klase pero wala akong pakielam. Ayaw kong pumasok ngayong araw, at ako ang masusunod.
"Kielle, let's go--- Hey! Bakit hindi ka pa nakabihis?!" Napabuga ako ng hininga ng marinig ant nakakairitang boses niya.
"Bakit hindi ka pa pumapasok?"
"Hello? Baka kasi hinihintay kita,ano?" She made an artistic promise that made me even more annoyed.
"I'm not going in." She almost blew her nose after hearing my answer.
"Napaka mo,Kielle!" Sigaw niya at pabagsak na isinara ang pinto ng kwarto. The snuffy shrimp.
Since I had nothing else to do, I just stayed in bed. I also have no appetite and I am lazy to stand up.
I'm about to close my eyes and take some zzz when the doorbell suddenly rang. Sunud-sunod ang pag iingay niyon.
"Coming!" Inis na sigaw ko. Bumangon ako sa aking higaan at salubong ang kilay na lumabas ng kwarto upang tignan kung sino ang talipandas na ito.
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Teen FictionTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...
