Invi Line: 22

5 2 0
                                    

Kabanata 22











"YOU done?" My proof asked as she raised her eyebrows.

"Yes,Ma'am." Ganadong saad ko habang nakangiti ng abot tenga.

"Okay." Kinuha niya ang papel at muling bumaling sa kanyang laptop. Ako naman ay bumalik sa aking pwesto at kinuha ang bag tsaka lumabas ng silid aralan.

I'm totally free!

"Time check, 9:30 a.m." saad ko habang naka tingin sa aking telepono.

Nag lakad na ako palabas ng paaralan. May dadaanan muna ako bago ako pumunta kay Eury.

Habang sinasabi ang mga kulay na aking kailangan sa paint center ay hindi nawala ang aking ngiti. Iniisip ko pa lang ang reaction niya ay natutuwa na ako.

Matapos mabili ang lahat ay patalon-talon pa ako habang papasok sa ospital. Kasabwat ko ang ilang nurse rito. Kagabi pa lamang ay sinabi ko na ang balak kong gawin. Sinang ayunan naman nila iyon pati ang doktor at sinabing ayos lang raw dahil iyon na ang magiging silid ni Eury.

Nang makarating sa silid ay naabutan ko na ang iba na inilalabas ang mga gamit na maka aabala sa aming gagawin.

"Where is she?" I asked.

"Inilipat muna sa ibang kwarto." Sagot naman ng nurse na lalaki habang tinatanggal ang picture frame sa wall.

Sinimulan na namin ang pag aayos. Tinulungan nila akong i-set up ang lahat.

Mula sa pag bubuhat, pag didikit, maging pag kukulay ay tinulungan nila ako. Mas lalo akong ginanahan ng makitang maganda ang kinalalabasan ng lahat. Maayos ang agos at sumasabay ang lahat. Hindi na ako makapag hintay na makita ang kanyang reaksyon.

"Sa tingin niyo anong oras matutuyo ito?" Tanong ko habang nakatingin sa taas at naka pamaywang.

"Sandali lang matuyo iyan, sir." Sagot naman ng guard na tumulong rin sa oag aayos nitong kwarto.

Napangiti naman ako dahil doon. Sandali  na lamang ay makapupunta na siya sa lugar na hindi pa napupuntahan ng karamihan. The outer space. Bilang lamang ang nakararating doon. Isa siya sa maswerteng iyon.

Mag kakatulong rin naming iniligpit ang mga kalat. Ibinalik ang lahat sa dati matapos maayos ang kanyang kwarto. Mukhang hindi kwarto ng ospital ito. Nagmukha itong kwarto ng bahay. Pero ayos lang. Atleast, maisip niya na, wala siya sa ospital at siya ay nasa kwarto lamang dahil siya ay grounded.

Sabay-sabay rin kaming kumain ng pananghalian at nag pahinga. Hindi nawala sa usapan kung ano ang mangyayari mamaya. Nag hulaan pa sila kung ano ang magiging reaction ni Eury. Maiiyak ba ito, magugulat, o matatawa.

"Game?"  The guard asked before closing the door. I just nodded and let out a deep breath. I was left inside Eury's room. I toured and watched the outcome of what we did. This is the real time. They took Eury to the room she had moved to temporarily.

Nag hintay pa ako ng ilang minuto bago ako makarinig ng katok sa pinto. Ito ang sign na sila ay nasa labas na.

Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahan iyong pinihit. Nilawakan ko rin ang aking ngiti.

"Surprise---Doc?!" Imbis sina Eury ay doktor ang sumalubong sa akin. Ibinaba ko rin ang nakataas kong kamay sa ere at umayos ng postura. Failed.

"Amazing. The shooting star is coming in just a second." Sabi niya habang sumisilip sa loob ng kwarto.

"Where is she,Doc?"

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon