Invi Line: 19

4 2 0
                                    

Kabanata 19





"HINDI pa ba siya gumigising mula kagabi?" Tanong ni Nyx sa nurse na nag aasikaso kay Eury. Narito kami ngayon sa ospital. Dito muna kami dumaan bago pumasok sa school.

"Ang sabi ni Doc,hindi pa raw."

"Bakit?"

"Naniniwala ka sa doktor niyo?" Pati ako ay nagulat ng itanong ko iyon, pero hindi ko pinahalata.

"Sir?"

"Nothing. Just don't think about it." She bowed and went outside.

"Pati ba doktor pag dududahan mo,Kielle?" Nyx asked.

"Kaduda-duda ang pinakikita niyang kilos sa akin, so, why not?"

Hindi na siya sumagot at inayos na lamang ang kumot ni Eury. Pero aksidente niyang nagulo iyon dahilan upang maalis ang kumot sa leeg ni nito.

Napakunot ang aking noo ng makitang tila ba may kulay pula sa kanyang leeg. Hindi lamang isa iyon, kundi marami.

Nilapitan ko iyon at tuluyan nang inalis ang kumot.

"What the---bakit mo inalis?!" Muling binalik ni Nyx ang kumot pero pinigilan ko siya.

"Ano ba? Baka lamigin siya."

"Look at her neck." Utos ko.

"What the---ano 'to?" Sinukan niyang hawakan pero pinigilan ko siya.

"Ito ba 'yung sinasabi niyang severe allergy?"

"I don't know." Sagot ko na lamang at ako na mismo ang nag balik ng kumot.

"Halika na."

Umalis kami sa ospital at pumasok sa school. Kahit ayaw kong pumasok ay kailangan. Gusto ko mang bantayan si Eury doon pero ayaw ko namang pabayaan ang aking pag-aaral. Ayaw ko rin madusingan ang ulirang pangalan ng school namin sa Australia.

As in previous days, it was just normal what happened in class. Discusses proof, quizzes, seatwork and other student stuffs.

Nang hapon ay ako ang naghintay sa labas ng room ni Nyx.

"Whoa,pre." Bumuga siya ng malakas na hangin.

"Muntik ko na maintindihan 'yong lesson."

"Kung hindi mo maintindihan 'yung lesson, 'wag mo nang intindihin. May iba namang nakakaintindi no'n." Sagot ko sa kanya tsaka nag lakad.

"Wow,Kielle. Motto mo 'yon as a student, tol?" I grinned and nodded. Iyon ang pinaka ayaw ko bilang mag-aaral. Like, hindi ko maintindihan ang lesson kahit anong gawin ko. Isa pa, 'yung mahahabang solution or solving sa math na pwede namang i-shortcut.

Sumakay kami sa tricycle papunta sa ospital. Sa tingin ko, ito na lagi ang magiging set-up namin ni Nyx.

"Mag hintay ka lamang,ako'y darating~" kanta niya. Tumaas naman ang aking kilay dahil out of nowhere, kumanta siya.

"Napa-kanta ka diyan?"

"Ganito talaga pag-inlove, Kielle." Sagot niya. Nilagpasan ko na lamang siya at naunang mag lakad. Bahala na siya sa buhay pag-ibig niya.

Nang ibukas ko ang pinto ay nag kagulatan pa kami ni Eury.

"Diyan lang kayo!" She said as she forwarded her hands.

"Ano?bakit?" Nag tatakang tanong ko.

"Basta,diyan ka lang!"

"Kielle,tol. Bakit hindi kapa pumapasok---"

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon