Kabanata 20
***
KIELLE's Point of View
Ulit-ulit siyang huminga ng malalim bago buksan ang pinto ng kwarto nitong ospital.
"Tutuloy ba talaga ako?"
"Malay ko sayo." Sagot ko tsaka umupo. Nahihilo na ako sa kanya kakalakad niya. Kanina pa siya ritong madaling araw pero hanggang ngayon ay nag lalakad parin siya.
"Kielle,huwag na kaya akong tumuloy?"
"Ewan ko sayo."
"Kaso lang kailangan ako ni Lolo,e."
"Ikaw bahala."
"Alam mo ang sarap mong kausap." Naiinis na saad niya. Tumingin ako sa kanya at inangat ang aking kilay.
"Bakit ba hindi ka pa umalis?"
"Hindi ko maiwan si Driah."
"Tss." Lagi niyang sinasabi iyan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya nang sinabi iyan.
"Kielle"
"What?"
"Bakit ang sungit?"
"Ang kupad mo kasi. Kung kanina ka pa umalis, kanina parin sana ako nasa school." Sagot ko. Ilang minuto na lamang ang ang natitira bago mag simula ang aming klase.
Natahimik siya at tumingin sa natutulog na si Eury.
"Ikaw nalang ang gagawa ng sinabi niya kami."
"I know." Sagot ko.
"Alam ko pasaway ka. Pero sana sundin mo ang kanyang sinabi. Lagi mong tandaan na may linya sa pagitan niyo kahit na iyon ay isa lamang invisible." Aniya tsaka kinuha ang kanyang bag.
"Aalis na ako." Pag kasabi niya no'n ay kinuha ko na rin ang aking gamit at sabay kaming lumabas. Papasok na ako sa school kahit na gusto ko pang manatili rito at bantayan siya magdamag.
Nag hiwalay na kami ng daan. Pero bago iyon ay nag bilin muna siya sa akin na huwag pababayaan si Eury. Sabi niya rin na, pumunta kaagad ako ro'n after school. Tango na lamang ako ng tango sa kanya. Kahit hindi niya naman sabihin ay iyon ang gagawin ko.
Hindi pa man tuluyang nakapapasok sa aming silid aralan ay rinig ko na kaagad ang kanilang ingay. Tila ba may gulong nangyayari doon.
"Nasaan si Kielle? Nasaan?!" Mas binilisan ko ang aking lakad matapos marinig iyon. I know that voice.
"Margaux." Pag tawag ko sa kanya. Napatingin naman silang lahat sa akin pati ang babaeng hawak niya at gulo-gulo ang buhok.
"Kielle,o my I miss you!" Mabilis siyang lumapit sa akin at ako'y niyakap.
"Shota mo 'yan, pre? Pwede pag sabihan mo na sa susunod na mag-aaway kayo, huwag siyang basta-basta pumapasok rito sa room." Sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay kaklase ko.
"Pag sabihan mo rin na huwag siyang na nanakit." Sabi naman ng isang babae habang tinatayo ang babaeng may gulo-gulong buhok.
"Pumasok ka na sa inyo." I said with authority. Nahihiya na ako sa mga kapwa namin mag aaral na nakatingin sa amin.
"I want to be with you,Kielle." Maa hinigpitan niya ang kanyang yakap.
"I miss you so much. Amd also Nyx---where is he by the way?"
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Teen FictionTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...