Kabanata 45
NAPANGISI na lamang ako ng makita ko siyang napaluhod dahil sa pagod. Pawisan na rin ang kanyang mukha at nag hahabol ng hininga.
Makulit ka ah.
He finally fell to the floor. I went to the kitchen to get water to drink. He had to replace the sweat that came out of him.
"Here,drink." Ipinatong ko ang isang baso sa lamesita at ang basong para sa akin naman ay aking tinungga.
Naubos ko na ang aking iniinom pero napataas ang aking kilay ng makitang wala paring bawas ang kanyang baso at hindi siya gumagalaw sa kanya pwesto.
"Hey," sinilip ko siya pero nanatili lamang siya sa kanyang posisyon.
"Hey," mahina ko siyang kinalabit gamit ang aking paa pero wala parin siya naging reaksyon o paggalaw.
"Hey,kid." Lumuhod na ako at hinawakan ang kanyang braso.
Inangat ko siya ng dahil nga nakadapa siya. Matapos itihaya ay bumilis ang tibok ng aking puso matapos makitang nakapikit ang kanyang mga mata at malalim ang bawat paghinga.
"Hey,wake up. Hey---O my god!" Kinuha ko siya at isinandal sa akinh dibdib ng makitang unti-unting bumagal ang kanyang paghinga.
"Wake up!" Niyugyog ko siya pero hindi parin dumidilat ang kanyang mata.
"Wake up! Gosh!" Dahil may sapat akong lakas ay mabilis ko siyang nabuhat at patakbong lumabas ng condo. Pinagpapawisan narin ako habang ang tibok ng dibdib ko ay doble ang bilis.
Inililibot ko ang aking paningin sa paligid. Nang walang makitang tao ay diniretso ko siya sa labas ng hotel at pumara ng taxi.
"HOSPITAL!" hiyaw ko sa taxi driver dahilan upang iharurot niya ang sasakyan.
"Hey kid," patuloy parin ako sa paggising sa kanya habang nasa byahe. Nanginginig narin ang aking kamay habang hawak ang pisnge.
Ang kulay ng kanyang labi ay nag iiba na rin. Parang nauubusan ng dugo dahil nag sisimula na itong mamutla. Nanlalamig na rin ang kanyang katawan at mabagal ang paghinga.
"FASTER!" muli kong sigaw sa driver. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko rin alam kung paano gisingin ang batang 'to dahil naunahan ako ng kaba at taranta. Ang tanging alam ko lang ngayon ay kailangan ko siyang madala sa ospital.
Nang makarating ay basta na lamang ako lumabas ng taxi at patakbong pumasok sa loob. Rinig ko ang sigaw ng taxi driver sa likod pero wala akong pakielam sa kanya.
Sinalubong ako ng dalawang nurse na lalaki at kinuha sa akin ang bata. Pinasok nila ito sa isang kwarto at ako ay naiwan sa loob. Ang tanging magawa ko lang ay ang mag lakad lakad sa labas at hintayin na lumabas ang doktor para alamin ang balita sa bata.
"Shit!" Sinipa ko ang upuan sa aking gilid dahilan upang lumikha iyon ng ingay. Hindi ko alam kung bakit iba ang kaba ko ngayon. Para akong nag aalala sa batang 'yon kahit hindi naman dapat. Siguro ay nag aalala lang ako dahil sa tingin ko ay kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanya iyon. Dapat ay hindi ko siya pinagod. He still kid and his pulp is still crimp.
Hinawakan ko ang aking ulo at paulit-ulit na minura ang sarili. Natigil lamang ako ng bumukas ang pinto at lumabas doon ang doktor.
"How is he?" Mabilis kong tanong.
"He's fine. But remained unconcious." Sagot niya.
"You're his?"
Napa atras ako at saglit siyang tinignan.
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Teen FictionTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...