Invi Line: 31

4 1 0
                                    

Kabanata 31







I'VE been waiting here in the waiting shed before. Everything will change in a little while. I'm here to pick up Nyx. Margaux was also left in Eury's room, which I shouldn't have agreed to. Wala akong tiwala sa babaeng 'yon. Mabuti na lamang ay binilin ko si Eury kay Manong Uge.

Inilibot ko ang aking paningin. Nasaan na ba kasi 'yung tukmol na 'yon?

"Kielle! Dude!"

Hindi pa man tuluyang nakalilingon ay sinalubong niya na ako kaagad ng yakap.  I just patted his back as his hug returned. He pulled away and faced me with his wide smile.

"I miss you, pasensya ka na at natagalan ang pag balik ko." Mahina niyang sinuntok ang aking dibdib.

"Ah,ayos lang." Tanging sagot ko at tinulungan siyang dalhin ang kanyang mga gamit. Sa ospital na ang diretso namin. Kay Eury.

"Kumusta siya?" Tanong niya habang kami sa nasa nasa loob ng jeep.

"Ikaw nalang ang humusga,pag dating natin ro'n." Sabi ko. Gusto kong siya mismo ang makakita ng kalagayan ni Eury.

We just kept quiet the whole trip, until we got to the front of the hospital.

Ito na. Handa na ako. Hinanda ko na ang sarili ko. Nandito na ang orihinal. Nagbalik na ang tunay.

Nauna siyang pumasok sa silid ni Eury. Ako naman ay huminga muna ng malalim at kumuha ng lakas ng loob bago pasukin ang problemang ginawa ko. Bahala na kung anong pwedeng mangyari. Pinihit ko ang doorknob at agad kong nakita si Nyx na medyo malapit kay Eury.

Bakit siya pwedeng lumapit na ganoon?

"Kielle,iba rin effort mo 'no? Galaxy theme, Men. Tas ako 'yung alien." Biro niya. Umupo ako sa upuan katabi ni Margaux. Pero mabilis kong pinag sisihan iyon dahil kasabay ng mabilis kong pag sisisi, ay ang mabilis niyang pagyakap sa akin.

Napatingin kaming lahat ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Manong Uge na may dalang mineral water.

Tuluyan siyang pumasok sa loob pero nakuha ng atensyon niya si Nyx na malapad ang ngiti sa kanya. Nag tataka siyang nakatingin rito na para bang kanyang kinililala kung sino ito dahil ngayon niya pa lamang ito nakita.

"Manong Uge." Pag tawag ni Nyx. Bahagya rin siyang lumapit kay Manong.

Nanlaki naman ang mga mata ni Manong na tila ba nakakita siya ng multo o nang kung anong elemento na hindi nakikita rito sa tunay na mundo.

"Siya ho ang kausap niyo kahapon,Manong." Saad ni Eury.

"Siya iyon?" Manong uttered in shockness. Tinitigan niyang mabuti si Nyx na nasa kanyang harapan.

"Paano siya nakalabas na hugis parihabang bagay na iyon?" Umikot siya kay Nyx habang patuloy itong pinag mamasdan.

"Paano siya nag kasya roon? Tinupi ba siya?" Nahampas ko na lamang ng mahina ang noo ko matapos iyong tanungin ni Manong. Tinusok-tusok niya pa ang balikat ni Nyx at hinaplos ang mukha nito.

"Napaka galing! Nahahawakan ko siya! Tignan niyo, nahahawakan ko siya!" Masayang saad niya habang hawak ang kamay ni Nyx na kanyang ipinapakita sa amin.

"Ang galing 'di ba,Manong?" Nyx smiled.

"Nag sasalita siya! Narinig ninyo iyon? Nag sasalita siya!"

"Manong naman, hindi naman po ako Robot. Gaya niyo ay normal rin ako." Paliwanag ni Nyx.

"Hindi niyo ba pinaliwanag sa kanya ang tungkol sa bagay na 'to?" Bumaling sa amin si Nyx.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon