Invi Line: 18

5 2 0
                                    

Kabanata 18





ALAM mo sa tao kung nag sasabi ng totoo o hindi. At kahit anong gawin mo, hindi mo mapipilit ang tao na sabihin ang tao. Except kung siya or sila ay mag kakakusa na sabihin iyon. Just like Doctor Leunam, ilang beses namin siyang tinanong pero hindi niya kami sinasagot. He keeps ignoring us. Masyado siyang halata na ayaw niyang may ipaalam sa amin.

Nag lakad na lamang kami pabalik sa kwarto ni Eury. May oras ka din sa amin, Doc.

Pag pasok sa loob ay naabutan namin si Eury na payapang natutulog. Basa pa ang gilid kanyang mata. Halatang galing sa pag iyak at nakatulog na lamang dahil sa pagod.

"She changed. Araw-araw may nag babago sa kanya." Wika ni Nyx tsaka pinunasan ang mukha ni Eury kung saan naroon ang bakas ng luha.

"I know."  I agree. From the first day we saw her, I knew something was wrong with her. Bakit parang ang daming sikreto nitong babaeng 'to?

"Tumawag na ba si Margaux?"

"Hindi pa." Sagot ko. Kung hindi niya pa sabihin iyon, muntik ko nang makalimutan na may kilala nga pala kaming Margaux.

"Hayaan mo na siya." Sagot niya. Napailing na lamang ako dahil tinatanong niya kung tumawag na ba si Margaux,tapos ay sasabihin niya hayaan na? Sana ayos lang siya.

"You know what? Something's wrong here." Saad ko.

"Yeah I know. Weird. You feel that way too?" I nodded.

"Sa palagay mo ano ang pinag usapan nila kanina?" Nagkibit balikat ako sa kanyang tanong. Iyon din ang kanina pang tanong na ayaw umalis sa isip ko.

"Nakita mo ba ang reaksyon ni Driah kanina? Para siyang umiyak. Baka naman pinilit siyang makipag talik ng doctor na 'yon?!"

Mabilis akong napatayo nang marinig iyon.  My head suddenly heated up as if I wanted to hurt the doctor. When my ear heard what he said I reacted quickly.

That doctor, subukan niya lang galawin si  Eury. Siya mismo ang gagamot sa kanyang sarili.

"How is she?" Tanong ng kapapasok na doktor. Niyukom ko ang aking kamao ay siya'y kinuwelyuhan.

"H-hey"

"Anong ginawa mo sa kanya?" I asked as my teeth gritted.

"W-wala.."

"Anong ginawa mo sa kanya?!" Hindi ko na napigilan ang aking boses at tumaas na ito.

"Wala akong ginawa sa kanya."

"Sinungaling." Mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kwelyo at mas inilapit siya sa akin.

"Close the door,Nyx." Utos ko na mabilis naman niyang sinunod. Nang marinig ko ang pag sara niyon ay muli kong itinuon ang aking atensyon sa doktor.

"Now,tell me. What did you do to her? Why?!"

"I just talked to her! Just talk!" Sagot niya.

Wala na akong pakielam kung mag mukha akong bastos sa harap niya. Wala din akong pakielam kung ospital niya pa ito.

"Liar." Tinignan ko siya ng masama.

"Akala mo ba hindi ko napapansin? Nitong mga nakaraang araw may mali sa mga galaw mo. You acted so weird. Para bang may gusto kang gawin at ayaw mong sabihin sa amin."

"Yeah. Totoo. Meron." Mas nag-init ang aking ulo nang sabihin niya iyon. He's getting into my nerves.

"Doc,diretsahin niyo na kami." Pag sali ni Nyx sa usapan.

"Weird ang mga kilos ko,tama. Napapansin ko rin iyon. May gusto akong gawin,tama. Iyon ay ang mag sabi ng totoo sa inyo. May hindi ako sinasabi sa inyo,tama. Iyon ay ang totoo." Paliwanag niya.

"Tell us." Tumingin lamang siya ng seryoso sa akin.

"Tell us!" Sigaw ko dahilan upang mapalayo siya ng bahagya.

"Kielle,calm your self." Awat sa akin ni Nyx.

"Tell us the truth. Tell us!"

"Isa lang naman ang hindi ko sinasabi sa inyo. Iyon ay sakit kalagayan niya."

"What?"

"May sakit siya. Si Euryxandriah." Sabi niya. Pero hindi pa sapat iyon. Gusto ko pang marinig ang iba pa galing sa kanya.

"At ang sakit niya ay?"

"A----"

"Allergy." Sabay- sabay kaming napatingin sa kababangon lang na si Eury. Bumaba siya sa kanyang kama at lumapit sa amin.

"Severe allergy." Dagdag niya pa habang tinatanggal kamay ko sa kwelyo ng doctor.

"Right,Doc?" Bumaling siya sa doctor.

"Y-yeah." Sagot naman ng doktor habang inaayos ang kanyang gusot na damit.

"Ayos na? Sana ay tigilan na kayo ng kuryosidad ninyo." Dagdag niya pa at tumingin sa amin ni Nyx.

"Mauna na ako." Sabi ng doktor. Umusog naman ako ng bahagya upang bigyan siya ng daan. Nang makalabas siya at maiwan kaming tatlo rito ay bumaling ako kay Eury.

"What kind of allergy?"

"Severe." Mabilis na sagot niya.

"Na naging dahilan upang manginig ka? Magsuka ng dugo, sumakit ang ulo na para bang binibiyak ito, at magkaroon ng short term amnesia? Iyon ba ang severe na sinasabi mo?"

She looked at me for a long time. Nor did I escape my sight as she slowly swallowed.

"Oo." Sagot niya at tumalikod sa akin. Humiga siyang muli at ipinikit ang mata.

"Umuwi na muna kayo. Iwan niyo muna ako rito. Mag papahinga ako." Nakapikit parin sita habang sinasabi iyon.

"Tara na." Tinapik ni Nyx at balikat ko. Bago lumabas ay muli muna akong tumingin kay Eury na nakatingin rin sa akin.

Dumaan muna kami sa fastfood para kumain. Marunong naman kaming mag luto pero tinatamad kami. Dito na lang kami kumain bago umuwi sa apartment.

"You okay?" Tanong ni Nyx tsaka pinunasan ang kanyang bibig.

"Yeah." Pagsisinungaling ko. Hindi ako ok. Hindi parin mawala sa isip ko ang pangyayari kanina kung saan sinabi ni Eury na severe allergy ang kanyang sakit.

"Tara na. Kailangan natin mag pahinga." Pag-aya niya sa akin tsaka naunang mag lakad. Uminom muna ako saglit ng tubig tsaka sumunod sa kanya.

Nang maka-uwi sa apartment ay nag pahinga muna kami saglit habang mag linis mg katawan. Pinauna kong gumamit ng banyo si Nyx.

Kasalukuyan akong nasa sala at nakatitig.

"Liar." Bulong ko.

"Kielle,ikaw na." Napatingin ako sa kanya ng mag salita siya. Pinupunasan niya ang kanyang buhok gamit ang twalya.

Bumuntong hininga muna ako tsaka pumasok sa banyo. Naging mabilis lang ang paliligo ko dahil ayaw akong tigilan ng isip ko.

Hanggang sa nakahiga na ako ay hindi parin ako tinatamaan ng antok. Iyong bagay parin na iyon ang iniisip ko.

Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman at naiisip ko? Bakit ayaw akong tantanan ng kuryosidad ko? Ayos na. Nalaman ko na ang sakit ni Eury na galing mismo sa kanya. Sumangayon naman ang doktor pero parang nakukulangan ako. Parang mayroong pa akong katanungan na hindi pa nabibigyan ng kasagutan.

When curiosity strikes, it won’t stop you until your brain explodes.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon