Invi Line: 36

3 1 0
                                    

Kabanata 36



KASALUKUYAN kaming nag lalakad ngayon patungo sa kwarto ni Margaux. Hindi ko ba maintindihan sa babaeng 'to bakit kailangan pang sunduin. Nag-iinarte na naman si hipon.

"Kala niya siguro natutuwa tayong sunduin siya 'no?" Nyx said. Naiinis narin kay Margaux.

"Sagad sa arte." Dagdag niya pa. Nanatili lamang akong tahimik kahit gusto ko na siyang murahin. Iniwan naming mag-isa si Eury para lamang sunduin siya.

And finally we're here. Si Nyx ang nag bukas ng pinto.

"Maarteng nilalang---ah, oh, shit. Shit. My virgin eyes." Napa-atras si Nyx at tinakpan ang mata. Dala ng kuryusidad ay pumasok ako sa loob pero mabilis ko iyong pinag sisihan.

"Margaux!" I shouted and change my gaze.

"What?! Pasok kasi kayo ng pasok." Katwiran niya.

"Napaka laswa mo!" Sigaw ni Nyx habang nakatakip parin ang mata. Hindi ko matignan ng diretso si Margaux na tanging two piece lamang ang suot.

Ano na namang pumasok sa isip nitong babaeng 'to?

"Magdamit ka nga! Mukha kang sugpong bilad." Dagdag pa ni Nyx.

"Ang init kaya! Ayaw ko mag damit. Let's go."

"No." Mabilis ko siyang pinigilan at hinawakan ang kanyang braso nang tinangka niyang lumabas.  Hindi parin ako makatingin sa kanya. Ang sakit sa mata ng suot niya.

"Ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo? Lalabas ka ng ospital na ganyan ang  suot? Aba'y sa Mental Hospital ka dapat dinala. May sayad." Gaya ko ay naiirita na rin si Nyx sa babaeng 'to.

"What? It's called confidence. Pero dahil nandito ako sa judgemental society, na punung-puno ng toxic gaya mo, sabi-sabi ka." Giit naman ni Margaux.

"Ang sagwa mo sa mata!"

"Ahh gano'n---"

"Enough. Magbihis ka na." I commanded with authority. Lumabas kami ni Nyx at iniwan siyang mag-isa sa loob.

"Maluwag na turnilyo ng isang 'yon." Kinukusot niya ngayon ang kanyang mata.

We waited a few more minutes before the door opened and Margaux came out wearing the mini dress.

Saan ba pupunta 'tong babaeng 'to?

"Bakit ganyan suot mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Nyx.

"Don't talk to me."

"I wasn't aware that answering a question was considered talking back." Nyx said.

Bahagya namang bumuka ang bibig ni Margaux kasabay ng pagkunot ng kanyang kilay.

"I hate you!" She barked.

"I hate you more." Nyx answered.

Napailing na lamang ako at bahagyang napangiti ng mag walkout si Margaux.

Pahiya.



***

MARGAUX's Point of View

Iyong lalaking 'yon! He never failed to make me---argh! I hate him! Kahit kailan ay hindi ko na siya naka-usap ng matino. Panay niya akong pinapahiya o kaya'y kinokontra.

Kasalukuyan akong nag lalakad ngayon patungo sa canteen. Pinahiya niya ako. Hindi ako papatalo. Hindi ko siya kaya, kaya iba ang gagantihan ko. Hindi ko ugaling mag patalo. Humanda sila.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon