Kabanata 43
***
KIELLE's Point of View
Lalaki lang ako. Pero hindi ako superhero. Hindi ko kayang tanggapin lahat ng mga nangyayaring hindi ko gusto.
"Kielle, you drunk a lot." Awat ni Margaux sa akin. Kinunutan ko lamang siya ng kilay at ipinagpatuloy ang pagtungga ng alak.
"Shh! H'wag mo nga akong nipapakelaman ah! Buway ko 'to. Buway ko kaya wala kang pakelam dito ah!" Turo ko sakanya na para bang batang sinesermonan. Bakit ba ang papakelam ng mga babae? Tss. 'Di mo alam kung naiinggit o ano.
"Buway ko 'to." Dagdag ko tsaka muling nilagok ang inumin.
"Buway ko. You know what's buway? Its layp. You know what's layp? Its buway. Tch." Umiling ako at lumayo sa kanya ng bahagya.
Kung sana si Eury siya titigil talaga ako---O, my love...
Nang maalala ko iyon ay bigla na lamang nanubig ang mga mata ko. Pinunasan ko iyon gamit ang dulo ng aking damit.
Dapat hindi na ako apektado. Nag iinom ako kaya dapat ay burado na lahat ng sakit. Pero bakit parang mas lumalala? Umalis na nga ako,eh. Ba't ayaw niya pang tigilan ang isip ko? Tss.
Kinagat ko ang aking labi at tumitig sa kisame.
Kahit anong pagtitiis, pag laban at pag ti-tiyaga ang gawin ko ay wala naring silbi. She let me go. Pinakawalan niya ako. Kahit gusto ko pa, ay naduduwag akong makipag-ayos sa kanya dahil alam kong kapag babae ang sumuko ay pagod na talaga. Ayaw ko na siyang mapagod pa. Hindi ko na kayang makita pa siyang nahihirapan, gayong wala na ako para pag hugutan ng lakas niya...
I took a deep breath and turned to my left. Inabot ko ang aking telepono at binuksan ito. I turned off it lately 'cause I don't want anybody to talk with. Gusto ko lamang matahimik ang buhay ko ng walang kahit kanino mang koneksyon kahit saglit.
Upon opening, nag sunud-sunod ang notification na natanggap ng aking cellphone. Karamihan rito ay kay Nyx. 102 missed calls from him.
Pero sa lahat, ang pinaka napansin ko ay ang hindi pamilyar na numero. Unknown number. May message ito na siyang kinakunot ng aking noo.
From: 0912*******
You'll next. Be ready.
"Tss." Saad ko at ibinaba ang telepono.
Pero hindi pa man tumatagal ay narinig ko nang mag-ingay ito. Nang tignan kung sino ang caller ay napalayo ang mukha ko ng bahagya kasabay ng pagkunot ng aking noo.
The Unknown number is calling.
Sinagot ko ito at itinapat sa aking tenga tsaka nag turan.
"What? Is this a parcel? Well, I didn't order anything. Even someone to flirt with. Bye." I ended the call after that.
Pero mabilis akong nakatanggap ng text message galing parin sa numerong iyon.
From: 0912*******
I have no intention of flirting with you. Kill, there is.
Tss. Kill? O, sounds good. Napangisi na lamang ako matapos mabasa iyon. Pero may kasunod na naman siyang message.
From: 0912*******
Get out there in your den and accept the death parcel for you.
I thought that was where that message would end but I was wrong. The message followed which caused me to quickly get out and run down the road.
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Teen FictionTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...