EPILOGUE

34 3 0
                                    

Epilogo





ILANG beses akong nag pakawala ng malalim na paghinga habang hinihintay ang sagot ng judge.

"Case solved. The victim is not guilty."

Hindi mapigilan ang pag patak ng luha matapos marinig iyon. Nagsigawan ang ilang tao sa korte dahil sa anunsyong 'yon.

I made it....

Naglabasan na ang mga nanood ng trial at kaming tatlo na lang ang naiwan.

Mabilis akong sinalubong ni Margaux ng yakap at ganoon din ang ginawa ni Nyx na ngayon ay karga ang kanyang panganay.

"Hayop,Kielle. Nabobo ako sa mga defense mo!" Bahagya niyang sinuntok ang braso ko.

Tumingin ako sa batang karga niya at kinuha iyon. Tinitigan ko ang mukha ng bata. Sa taas na parte ay kuha ang mukha ni Nyx. Habang ang sa baba naman ay ang kay Margaux.

Napailing na lang ako at binalik sa kanya ang anak. Hindi parin ako makapaniwala na ang dating puro kontrahan lang ang alam ay may anak na ngayon.

Naalala ko pa noing sinabi sa akin ni Nyx na buntis raw si Margaux at siya ang Ama. Sinabi niya sa akin na natatakot siya. Hindi niya kayang panagutan ang bata. Peo ilang araw lang ay bumabalik siya at malawak ang ngiti. Napaginipan niya raw si Eury at sinabi sa kanya na huwag siyang duwag.

"Binalaan niya pa ako,Par. Aba'y susunduin niya raw ako now na? Takot ko nalang." Sabi niya pa.

"Sira ulo kalang dati ah? Ngayon may anak ka na." Biro ko.

"Kasalanan 'to ni Margaux! Inakit niya 'ko!" Turo niya sa asawa kaya mabilis siyang nakatanggap ng hampas na malakas.

---

Hinatid ko sila sa kanilang bahay.

"Susunod ka na ba kay Driah?" Tanong ni Nyx pero ngumiti lang ako at binuhay ang makina.

Habang nasa byahe ay pumasok sa isip ko ang mga nangyari. Noong gabing 'yon ay tumawag si Mommy at sinabing susunduin niya ako.



Hindi ako pumayag noong una pero kinausap ako ng kanyang ama.

Dumating ang araw kung saan nasaksihan ko kung paano tabunan ng lupa ang bangkay niya. Mas pinili kong pumikit at hindi tumingin. Dahil noong mga oras na 'yon pakiram ko ay hindi na ako makakahanap ng kanyang kapalit. Nag iisa lang siya sa mundo at wala ng tulad niya.  I felt like I was missing and my heart was torn.

Kahit ayaw ko ay napilitan akong iwan siya pansamantala at bumalik sa Australia upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Nahirapan ako noong una pero hindi ako pwedeng sumuko.

Nang maka-graduate sa kursong abogasya ay mabilis akong ng byahe pabalik sa Pilipinas.

---

Tahimik ang paligid. Ako lang ang tao rito at ang mga katawan ng iba pang nahihimlay sa sementeryo.

Lumuhod ako upang mailagay ang dala kong bulaklak sa puntod niya. Itinabi siya sa kinalalagyan ng kanyang mga kapatid at Ina.

Pinagpagan ko ang kanyang lapida na mayroong piraso ng dahon. Sumilay nalang sa labi ang ngiti ko ng makita ang kanyang pangalan na naka-ukit ro'n

Euryxandriah Malvar...

Sa gilid no'n ay ang litrato naming dalawa sa rooftop kung saan yakap niya ang astro-panda.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon