Invisible Line

21 2 0
                                    







PATULOY lamang ako sa pag takbo pabalik sa kwarto niya. Naabutan ko pa sina Margaux, Nyx at Manong Uge ro'n pero sinabihan ko silang lumabas muna.

I took a deep breath and looked between us. I slowly stepped my foot closer to the bed where she was sleeping peacefully.

Habang palapit ng palapit ay pabigat rin ng pabigat ang paghinga ko. Para akong dahan-dahang dinadaganan ng malaking bato dahilan upang manikip ang dibdib ko.

Tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Tuluyan ko ng binaliwala ang linyang hindi nakikita sa pagitan naming dalawa.

Humila ako ng isang bangko at umupo. Ipinatong ko ang siko sa kanyang kama at tinitigan siyang mabuti.

"Why?" Unang tanong ko. Sa dami ng katanungan ay iyon ang pinaka nangingibabaw.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi, tsaka dinukot ang telepono sa bulsa.

Bawat pagtipa sa keyboard ay siya ring pagkabog ng puso.

Amyotrophic Lateral Sclerosis

I search for what I heard earlier about what the two were talking about.

Lou Gehrig’s disease is also known as amyotrophic lateral sclerosis (ALS). It is a type of motor neuron disease in which the motor neurons or nerves that control the movement of muscles develop problems. In this condition, the muscles usually become weak and the patient has difficulty moving and even speaking. As this condition worsens, the lung muscles can also be affected and this results in difficulty breathing.  Complications include memory problems or dementia.

Habang binabasa ng aking mata ang pangungusap na ito ay unti-unting yumuyukom ang aking kamao.

Why....

Pinilit kong hindi tumingin sa kanya at pinag patuloy ang binabasa. Sana ay mali ang nasa isip ko. Sana mali ang iniisip ko.

There is no cure for Lou Gehrig’s disease because it is a type of progressive disease.

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili na ibato ang telepono.

Many people in this situation feel anxious and depressed, at least sometimes. Some people feel anger and resentment; others are helpless and defeated.

Pero mas lalo akong nanghina ng mabasa ang huling talata. Akala ko ay iyong una na ang pinaka masakit. Nag kakamali ako.

This disease is not contagious.

Para iyong musika na paulit-paulit sa utak ko hanggang sa marealize ko ang mga nangyayari.

Hindi ko na napigilan ang sarili at hinawakan ang kanyang kamay. Nanlalamig ang mga iyon. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang sa kanya. Para akong nanibago dahil nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ng hawakan ko iyon.

I finally did..

I hold her...

Wala akong ibang masabi. Tanging pag tingin lang ang nagawa ko dahil ayokong sumabog ang emosyon ko. Gusto kong pigilan ito hanggang sa kaya ko.

Kaya ko 'to. Kakayanin.

Kahit anong oras sa ngayon ay iiwan niya na kami. Iiwan niya na ako...

I look in other direction to control my tears from falling. Sa ginawa kong iyon ay tumama ang mata ko sa isang bagay na nakalimutan kong mayroon ako.

Invisible Line ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon