Kabanata 2
All the attention and the eye of us is just focused on her and waiting for her answer. Several times she repeated her gaze to us and looks like she was hesitant if she would answer and tell us her reason.
"May balak ka pa bang mag salita---"
"Sshh!" Inilagay ni Nyx ang kanyang hintuturong daliri sa labi ni Margaux.
"Ano ba?! Marumi 'yang kamay mo, huwag mong idinidikit sa akin." Pinunasan ni Margaux ang kanyang bibig at tinignan ng matalim si Nyx.
"Tapos na kayo? Pwedeng siya naman?" I joined. I'm talking about the girl. Ilang minuto ma kaming nag hihintay sa sagot niya ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. Sumabay pa ang bangayan ng dalawa.
"Seriously, Kielle? Hinihintay mo parin ang sagot niyang piping babaeng 'yan---"
"Umalis ako sa amin."
"What?/You what?" Sabay naming saad ni Nyx.
"Umalis ako. Lumayas ako sa puder ni Tita Jiyie."
"Lumayas ka?" Nyx asked and he sat next to the girl.
"Bingi ka ba? Narinig mo naman siguro---"
"Margaux, please lang. Kung hindi ka kinakausap at kung hindi hinihingi ang opinyon mo, manahimik ka nalang. Ang papansin mo." Hindi na ako nakapag pigil sa aking sinabi. Kanina pa siya sabat ng sabat. Bawat sabihan yata ng mga narito ay may comment siya.
Muli akong bumaling sa babae at hinayaan si Margaux roon na makunot ang kilay.
"Bakit ka umalis?"
"A-ayaw ko sa kanya. Masama siya. Ayaw ko sa kanya." Halata sa kanya ang takot dahil siya ay umatras at gumitgit sa sulok.
"Ikaw ba'y may iba pang kamag-anak rito?" Naunahan ako ni Nyx sa itatanong ko dapat.
"W-wala. Ayaw ko sa kanila."
"May tutuluyan ka ba?"
"W-wala..."
"Sa amin ka muna tumuloy." Walang pag-aalinlangang saad ko. Alam kong nagulat silang lahat. Inaasahan ko na iyon.
"Seryoso ka,Kielle?" Margaux asked. As I expected.
"Ayos! Halika na?" Masayang saad ni Nyx at inalalayan nang tumayo ang babae.
"Ayaw ko. Hindi siya tutuloy roon." Lahat kami'y napatingin kay Margaux matapos iyon.
"What? Ayoko." She crossed her arm.
"Ano na namang problema mo,babae ka? Ayaw mo no'n, may kasama ka?"
"Ayaw." She answered to Nyx.
"Kung ayaw mo, umalis ka. Ikaw ang mag hanap ng tutuluyan mo. Tara na." Dire-diretsong sabi ko at lumabas ng clinic na iyon. Wala akong oras para pakinggan pa ang mga kanyang mga kontra. She's being over-acting.
"Ako sa'yo, tatahimik na lang ako kung ayaw kong mag hanap ng ibang bahay." Dagdag pa ni Nyx.
Nag hintay kami ng masasakyan patungo sa aming tinutuluyan. Pangalawang araw pa lamang namin rito sa Pilipinas. Pero sagot lahat ng pinanggalingan naming school ang lahat ng bill sa pananatili namin rito.
---
We stopped at the hotel where we are staying. Ito ang pinili namin dahil malapit lang rin dito ang school na pag lilipatan namin. Sa sarili kong kalkyula, siguro ay uubos ka lamang ng walong minuto kapag papunta sa school na 'yon, mula rito.

BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Fiksi RemajaTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...