Invi Line: 16

28 2 0
                                        

Kabanata 16



MATAPOS ang mahabang pag-uusap at paglalabas ng kinikimkim na sakit, hinatid niya na ako sa aparment na aming tinutuluyan.

"Driah! Driah!" Hindi pa man nakapapasok ay rinig na kaagad ang malalakas na sigaw ni Nyx. Mabilis akong pumasok sa loob at ganoon rin ang ama ni Driah.  We found Eury lying on the floor while Nyx tried to wake her up.

"Eury, Eury!" Matinding pag aalala ang bumalot sa mukha ng kanyang ama. Nilapitan niya ang kanyang anak at mabilis ma binuhat tsaka isinakay sa kotse. Sumunod na lamang ako pati si Nyx na halata ang pag tataka sa mukha.

"Sino siya? Teka, bakit ba ako sumakay rito?" Tanong ni Nyx nang umaandar na ang sasakyan.

"Mamaya kana mag tanong." Sagot ko na lamang habang tinitignan ang daan. Ani ko na lamang ay makarating na sa ospital at madala si Eury doon.

"Bakit? Teka nga. Sino ba siya? Bakit tayo sumakay rito? Kilala mo ba siya?"

"Nyx,mamaya na---"

"I'm Euryxandriah's father." Her father said. Bigla namang napalunok si Nyx at umayos ng upo.

"Ayos lang ba itsura ko?" Bulong niya sa akin.

"Mukha ba akong lamog na duhat? Ano,Kielle?"

"Tss." Nag iba ako ng direksyon ng tingin. Walang kwenta ang tanong niya.

"Ano nga?!" Napatakip na lamang ako sa tenga ng magtanong siya ng malakas. Nakalayo lang siya ng mabilis kung hindi ay nahablot kona siya at iniuntog sa bintana nitong kotse.

"Ay,sorry po Tito hehe." Nahihiyang sabi niya tsaka tinakpan ang bibig.

"Maka-Tito ka, tanggap ka ba?" Mahinang tanong ko sa kanya dahilan upang mabilis na mag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Kaibigan ba talaga kita?" Seryosong tanong niya. Sasagot pa sana ako sasabihing "slight" pero huminto na ang aming sinasakyan sa ospital.

Pinag tulungan naming buhatin si Eury papasok sa ospital. Mabuti na lamang ay mabibilis kumilos ang mga nurse rito at agad kaming tinulungan.  As usual, we waited outside until the doctor came out and told us how Eury was doing.

"Ahm..." Lumingon ako sa tatay ni Eury. Ganoon rin si Nyx tsaka ginawa ang kanyang mannerism.

"It is possible for the two of you on not to tell to my daugther na kasama niyo akong nagdala sa kanya rito sa ospital?" Gaya ko ay natanaw ko rin ang pagkunot ng noo ni Nyx. Marahil ang malaking katanungan sa kanyang isipan ay ang 'bakit'.

"Okay,fine. I'll tell you my reason. Ayaw ko lamang madagdagan ang kanyang iisipin. Ang alam niya kasi ay galit ako sa kanya." He explained. Well, I know that. Nabanggit niya rin kanina habang pauwi kami sa apartment.

"But you're her father, aren't you?" Nyx asked. Inaasahan ko nang sasabihin niya iyon.

Tumayo lamang ako at nag punta sa harapan ni Nyx tsaka tinapik ang kanyang balikat.

" Let's just respect his father's decision." I said. Tumingin rin ako sa Tatay ni Eury at ako'y kanyang nginitian.

Nag hintay pa kami ng ilany minuto hanggang sa bumukas na ang pinto kung saan naroroon si Eury.

Sabay-sabay kaming tumayo nang lumabas roon ang doktor. Wala ako mabasang kahit anong reaskyon sa kanyang mukha.

Something's wrong here.

Invisible Line ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon