Kabanata 42
PA-PALING paling ang kanyang ulo habang nakapikit at nakahiga sa kama. She's having her nightmares.
"No!" Mabilis siyang napabangon at naghabol ng hininga. Hinawakan ang ulong parang pinipiga sa sobrang sakit. Lumingon sa paligid habang tinatanong ang sarili kung nasaan siya.
Hindi siya pamilyar sa lugar. Hindi niya alam kung bakit ganito ang disenyo ng silid. Pilit niyang inaalala kung nasaan siya pero nabigo siyang gawin iyon.
She lost her memory again. Pilit niyang iniisip at hinihukay sa pinaka-ilalim ng kanyang isip kung nasaan at bakit siya narito. Gusto niyang magpanic at sumigaw dahil hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon. Pero tila ayaw makisama ng kanyang boses dahil walang lumabas na kahit anong hiyaw doon. Para siyang komportable sa lugar kahit hindi siya pamilyar rito.
"Driah." Tawag ni Nyx na kapapasok lamang habang may dalang tray ng pagkain.
Nakunot ang noo niya sa binata. Malaking tanong sa kanyang isip kung sino ba ang taong ito. Kung anong ginagawa nito sa kanyang kwarto, at kung bakit siya tinawag nito na "Driah". Hindi niya alam.
"S-sino ka?" Tanong niya rito.
"Hindi mo ako kilala?" Tanong rin ng lalaking nasa kanyang harapan. Dahan-dahan naman siyang tumango habang diretso parin ang tingin kay Nyx.
"Shit." Nyx whispered. But she heard that.
Nakita niya rin ang paghigpit ng hawak nito sa tray.
"Where is he?" Tanong niya. Ngayon niya lamang nakausap ang binata pero parang komportable siya rito at para bang matagal niya na itong kilala.
"He?"
"Yeah," she nodded.
"My boyfriend." Dagdag niya dahilan upang bahagyang bumuka ang bibig ni Nyx.
Is he shock? Tanong niya sa isip.
"N-naaalala mo siya?"
"Hmm..no..I just.." hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa binata ang kanyang nais ipaintindi rito.
"I dreamed about him but...he's faceless. Notwithstanding, I know that..ahm..he's my boyfriend? He cares a lot about me. He's smiling at me to show that he loves me so much. So, where is he? And...who is he?" Pag sasabi niya ng totoo. Sa tuwing mawawalan siya ng memorya ay palagi niyang napapaginipan ang walang mukhang lalaki. Sa tuwing gigising siya ay mainit ang ulo niya kay Kielle, without knowing that he's the innominate guy on her dream. That Kielle is her love one. Pilit niyang inaalala ang lalaki sa panaginip pero palagi siyang nabibigo. Tuloy, ay hindi niya malaman ang totoo na ang lalaking tinatrato niya ng mali, sinusungitan, kinokontra at sinasabing hindi niya kilala ay ang lalaking mahal niya.
Whereas, Si Nyx ay walang masabi. Pati siya ay nagulat sa paliwanag ng kaibigan. Alam niyang si Kielle ang tinutukoy nito, pero hindi niya kilala si Kielle. Naguluhan ang kanyang isip rito. Posible palang mangyari ang mga bagay na gaya ng ganoon. Ang hirap intindihin ng nangyayari ngayon para kay Nyx.
"Ah..ano...b-busy lang siya. Kaya ano,wala siya rito." Palusot niya sa kaibigan. Alam niyang hindi pwedeng biglain ngayon si Eury sa nangyayari dito ngayon. Hindi niya pwedeng sabihin sa kaibigan na siya mismo ang nagpalayo at nagtaboy sa boyfriend niya.
"Hmm..bibisitahin niya naman ako, right?"
"A-ah...ofcourse he is!" Sabi niya nalang kahit na alam niya sa sarili na hindi magagawang pumunta rito ni Kielle. Sariwa pa ang lahat. At wala pa si Eury sa sarili.
BINABASA MO ANG
Invisible Line ✓
Novela JuvenilTo those of us who are just normal creatures, it is painful when we find out that the person we love is not feeling well. We see them complaining from pain in their body. Sometimes, we think and say, "sana ako na lang. Sana ako na lang ang nahihirap...
