Invi Line: 40

17 1 0
                                        

Kabanata 40







"EURY..."

"Kielle..."

"Baby..."

Ipinikit niya ang kanyang mata kasabay ng kanyang paglunok. Nanatili lamang ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko magawang alisin iyon.

"Posible bang humiling ang isang shooting star?" Nanatili siyant nakapikit habang sinasabi ang mga iyon.

"Eury?"

"Kapag tao ang humihiling sa shooting star, tinutupad nito. Paano kapag shooting star naman ang humiling? Tutuparin din ba ng tao?" Nakunot ang noo ko sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung ang kanyang pinupunto at ibig sabihin.

"Eury,I didn't get your point."

"Bakit hindi natin subukan?" By this time,she opened her eyes and looked at me.

"W-what?"

"I want you gone. T-that's my wish."

Para akong nabingi ng saglit matapos marinig iyon. Hindi matanggap ng tenga ko na narinig ko galing sa kanya iyon.

"What? Come again,baby?" Bahagya pa akong lumapit sa kanya.

"Get yourself out." Matatag na saad niya habang direktang nakatingin sa akin.

Ilang beses pa akong umiling bago muling mag turan.

"Eury, mag pahinga ka muna. Alam kong pagod ka---"

"No!" Mabilis niya akong pinigilan nang sinubukan kong ayusin ang kanyang kumot.

"Eury.." napa atras ako at ipinako ang tingin sa kanya.

"Kielle, ilan beses kanang humiling sakin, tinupad ko. This time ako naman. Pagbigyan mo naman ako." Sabi niya habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang ulo.

"Eury please---"

"Umalis kana." Putol niya sa akin at ibinaba ang kanyang dalawang kamay.

"Eury,ayusin natin 'to,please? Baby..."

"Anong aayusin,ha? Tingin mo ba ay maaayos pa natin 'to? Magulo na,Kielle. Magulo na. Wala nang pag-asa 'to---"

"Hindi tayo magulo,Eury. Maaayos pa natin 'to. Kaya nating ayusin 'to, magtiwala kalang."

"Tiwala sayo?" She pointed at me.

"Paano ako mag titiwala sayo kung hindi ko naman alam kung hanggang kailan mo 'ko mahal?"

"Eury..."

"See? Umalis ka na." Hasik niya.

"Eury naman---"

"Umalis kana,Kielle. Pagbigyan mo naman ako. Nakikita mo naman ang sitwasyon ko,hindi ba? Ayaw na kitang makita. Nararamdaman kong malapit na akong uma--- umalis kana,Kielle." Muli siyang tumingin sa akin. Ang kanyang mga mata ay nangungusap.

"Ayaw ko." Pag mamatigas ko.

"Umalis kana,please lang."

"Hindi ako aalis dito---"

"Aano ka dito?!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses.

"Babantayan ka." Mabilis na sagot ko.

"Hindi kita kailangan."

"No."

"Hindi na kita kailangan."

Invisible Line ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon